Ako si Jane, 18 years old. Sa ganitong edad ko masasabi ko na nahanap ko na ang right person para sakin. Kahit hindi pa right time. Itago na lang natin sya sa pangalang Mark. He's 17 years old. Mas bata sya sakin ng isang taon. Hindi sya kasing gwapo katulad ng isang prince charming pero masasabi ko na para sakin sya ang pinaka loving, caring, charming at sya ang prince ko, kaya naman sobrang mahal na mahal ko sya. Nagsimula kami bilang magkaibigan. Well lahat naman dun nag umpisa diba. Pero iba kami, ang turingan namin sa isa't isa ay magkapatid, ate nya ko little bro ko sya, kaya kung iisipin namin noon hindi namin ma-imagine na magiging ganito kami ngayon. At dito ko uumpisahan ang kwento namin ni Mark.