The Great Nanny 4

38 2 0
                                    

Dinig ni Nancy ang papasok na kotse ni Timothy sa bahay ng mga Conner. Sumulyap siya sa maliit niyang alarm clock sa gilid ng kanyang bed side table, 01:25 AM. Hindi na siya nagtaka pa ug bakit late na itong umuwi. Alam niyang galing ito sa bahay ng haliparot na babaeng si Nathalie.

Kanina ay dumating ang lalaki para magbihis ng suot nitong polo at hiningi sa kanya ang kwentas na pinapabili nito. Naalala pa niyang tila masigla ang mukha pagkakita sa necklace na binili niya.

Narinig pa niya ng bumulong ito.  "She couldn't say no for this."  habang nakatitig dito. As always, kumirot na naman ang tangang puso niya. Agad siyang tumalikod para di na niya makita ang masayang mukha nito. Sumigaw lang ito ng 'Thank you' nang maglakad na siya palayo, tinaas niya lang ang kaliwang kamay as if saying 'Not a problem'. She couldn't bear staring at his face happily thinking about a different girl.

Dahil dun, matagal siyang dinalaw ng antok. Hanggang sa namalayan niya ang pagdating ng lalaki. Kahit mahihinang yapak lang ang naririnig niya, tila naramdaman niyang huminto ito sa harap ng kwarto niya. With that, her heart skipped a bit. Pigil niya ang hininga habang pinakikiramdaman ang lalaking nasa kabilang pinto.

She doesn't want to entertain possibilities but she can't help herself thinking na baka may gusto rin sa kanya ang among binata. Well there's no harm in day dreaming.

Kinabukasan.

Nagulat siya ng makitang nagluluto na ng almusal si Timothy sa kusina. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nakikita nito. Bagong ligo ito at nakabihis na ng pang-opisina. Bigla naman siyang na conscious sa lagay niyang wala suklay at wala pang hilamos. Tahimik lamang siyang pumasok at kumuha ng malamig na tubig sa fridge.

Ang aga niya naman nagising. Hindi halatang kulang sa tulog. Ang sigla2x pa tingnan. May nangyari kaya sa kanila? 

Muntik na siyang masamid sa iniinom niyang tubig nang biglang nasa likod niya na si Timothy at nakisiksik sa katawan niya habang sumisilip sa laman ng fridge.

"What are you doing?" tanong nito sa kanya. Aba't siya yata ang dapat magtanong niyan. At isa pa, hindi ba halatang umiinom siya ng tubig?

Mabilis pa sa alas kwatro ng bitawan niya ang pinto ng fridge at yumukong umatras sa pagkakayap nito sa likod niya. Bale nakahawak siya sa nakabukas na pinto ng fridge at nakahawak rin ang lalaki sa pinto. Parang half-hug ang ginawa ng lalaki.

"What?" tanong nito dahil sa naging kilos niya. She's acting like he's some kind of a dirt.

"Nothing. Sorry." sabi niya at sa maliliit na hakbang naglakad palabas ang dalaga.

Naiwan ang binata na naka-crossed ang dalawang kilay.

"I want to talk to you." biglang sabi ni Timothy nang matapos silang kumain ng almusal. Mabuti nalang Sabado na kaya wala ng dapat imagmadali. "Follow me to the study room." dagdag nito. Medyo kumunot ang noo niya sa sinabi nito.  'What are we going to talk about?' Gusto niya sanang itanong.

"What do you want to talk about?" tanong niya nang makapasok sila sa study room.

May binigay na brown envelope ang lalaki at nagtatakang tinanggap niya naman ito.

"Open it." sabi pa nito. Binuksan niya na nga at nagulat siya ng makitang employee contract ito sa St. Benedict Medical Center.

"What does this mean?" takang tanong niya rito. Tigtig na tigtig sa mukha ng lalaki.

"I asked Nathalie to get you hire as staff nurse for one of their hospital." masayang balita nito sa kanya.

Pero imbis na sumaya dahil sa magandang balita, mas lalong sumimangot ang mukha niya.

"You're not glad about it." he said matter of fact.

"You don't have to do this. If you're worried I'm not be able to get a job, I can." she said firmly.

"I was just trying to help."

"You don't need to help me sir. I can fin--"

"Bullshit!" nagulat siya sa biglang galit nito. "What is your problem huh? Can't you just appreciate my effort and accept it? Do you know how hard it is to get you on that stupid job!" he said pushing the table in front of him. Dahil dun, nagkalat ang mga librong nakapatong doon.

"I didn't ask you to help me with Nathalie in the first place! Not with Nathalie. Dont blame me!" she shouted back.

"Then whose to blame? Me? I was just trying to help you. You don't have to act like a jealous girlfriend! For Christ's sake!"

"Oo! Selos na selos ako pero syempre hindi mo yun maramdaman dahil manhid ka! Hindi mo maramdaman na gusto kita dahil manhid ka! Punyeta ka!"  tapos binato niya ito ng napulot niyang libro sa sahig.

"What the!!" sigaw ulit nito ng matamaan sa dibdib.

Just then the door slammed open. "What happened?!" Tessa shrieks. Tinitigan niya ang dalagita. May asthma ito kaya sobrang pag-alala ang naramdaman niya ng biglang kinapos ng hininga si Tessa.

"Oh my God! Tessa!" at dali niyang nilapitan ang dalagita bago ito tuluyang mawalan ng ulirat. "Tessa!"

"What should we do! What should we do!" panick ni Timothy habang sinasabunot ang sariling buhok.

"Dont just stand there. Get the inhaler!" utos niya rito at mabilis na tumakbo. In a minute nakabalik rin agad ang lalaki dala ang inhaler at agad niyang sinaklolohan ang dalagita.

The Great Nanny (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon