Nasan na ang Pag-ibig mo ?

1.6K 16 1
                                    

Sa mga huli nating pag uusap,
Ako'y nagmamakaawa na iyong muling mayakap,
Ako'y sa harapan moy lumuhod at umiyak,
Na ako'y iyong sagapin sa aking pagluluksa,

Ngunit tila wala kang narinig,
Sa aking mga sinasambit na tinig,
Ang iyong mga salita'y nanlalamig,
Napagtanto ko na wala kana sa aking piling,

Gustuhin ko mn na kalimutan ka,
Alisin lahat ng iyong mga alaala,
Para ang puso't isip ko'y tumigil na,
Sa kakaasa sa iyo aking sinta,

Subalit kahit anong sikap na kalimutan ka,
Matatamis na alaala nati'y siyang namumutawi,
Tuwing sa puso ko ay pangalan mo parin ang nakaukit,
Na walang sino man ang makakabura at makakapalit

Hinihintay ko nalang ang pag suko ng aking puso,
Hinihintay na kumupas na lang ang pagmamahal ko sa iyo,
Para matigil na ang kagaguhan na ginawa ko,
Sayo at lalo na sa buhay ko

Qoutes / TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon