Bakit ikaw pa ?

501 2 0
                                    

Bakit ikaw pa ?
Bakit ikaw pa !! sa dami ng nakalinya pa,
Bakit ikaw pa ? na alam ko namang bawal pa,
Bawal dahil naka tali kapa sa kanya,

Gagawin ang lahat upang mapasaakin ka,
Pero paano ? kung alam kong may mahal kang iba,
At mahal niyo ang isat isa,

Sana ako nalang siya,
Sana akin ka at wala ng makakapigil pa,
Magmamahalan hanggang na bubuhay pa,
Naparang walang ibang makakapigil sa'ting dalawa,

Pero paano kung kahit ngiti mo'y hindi ko manlang matamo,
Iniiwasan ako dahil sa mahal mo,
Dahil takot kang mag away kayo,
Kaya ako...hanggang tingin nalang sayo.

Maraming nag tataka kung bakit ako nagkaganito,
Iwan ko kung bakit naging ganito buhay ko,
Wag ako tanungin niyo kundi itong puso ko,

Sinunod ko lang naman to puso ko,
Na ikaw ang palaging sigaw at inisip ng puso ko,
Kaya napakasakit sakin to,

Napakahirap limutin ang tulad mo,
Kahit niminsan hindi naging tayo
bumubuhos tung luha ko,
Dahil sa nararamdaman ko para sayo,

Sa katulad mong minahal ko ng tudo,
Minahal ko ng buong-buo,
Walang katulad ang pagmamahal ko para sayo,
Dahil iba ka sa lahat ng nakilala ko,

Pero kahit nasayo na lahat ng tipo ko,
Hindi ko parin kayang agawin ka sa taong mahal mo,
Dahil nagmamahalan kayo,

Ayaw ko ng agawin ka,
Dahil alam kung sakanya ka masaya,
Kaya ako nalang ang magpaparaya,
Para sa ikakasaya nating dalawa,

Hahayaan nalang kitang maging masaya kasama siya,
Dahil yun ang nararapat ,
Kaya sana mahalin mo siya ng tapat,
Para makaabot pa kayo ng Febrero labing apat.

Qoutes / TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon