Araw araw,oras oras aking pinipilit,
Ang kalimutan ka gaya ng iyong iginigiit,
Oo,totoo,lagi kong pinipilit,
Upang sakali mawala ang lahat ng sakit.Minsan, madalas gusto ko sayo ay magalit,
Para sa pagkakataon na iyong ipinagkait,
Para sa pagbitaw mo na habang ako'y nakakapit,
Para sa pangako ng pagmamahal mo na hindi ko makamit.Sadya nga yatang ang tadhana ay kay lupit,
Pinadama ang saya sa piling mo na tila ay humahagupit,
Kahit ang bawat panahon na kasama ka ay parang kinukupit,
Ang saya na ngayon ay natapos na at hapdi ang ipinalit.Araw araw ,oras oras,lagi kong pinipilit,
Ang kalimutan ka gaya ng iyong iginigit,
Upang mapalitan ng tamis ang lahat ng pait,
Upang maalis ang sama ng loob na aking bitbit.Gusto ko nang sayo ay magalit,
Para mapalitan na ang nararamdamang sakit,
Na dulot ng aking mga hinanakit,
Sa paglisan mo at maiwasan ako sa aking sinapit.Gabi gabi ay nakatingala sa langit,
Minamasdan ang mga bituin na para bang mukha mo ay iginuhit,
Kinakausap ang buwan at tinanong kong bakit ?
Bakit? Bakit ? Bakit ?Gaya ng iyong iginigiit,
Kakalimutan kitang pilit,
Kahit ang lahat ng alaala mo sa puso ko'y nakadikit,
Kahit pa laging kang nakikita hanggang sa mga mata'y pumikit.Gusto kong sa iyo ay magalit,
Ipadama sayo ang ibinigay na pasakit,
Ngunit ang puso ko'y iba ang inaawit,
"Mahal kita " ang katagang patuloy paring isinasambit.