Chapter 14

41 1 0
                                    

Chapter 14

Daniel's POV

Birthday ngayon ni Toper kaya nag celebrate kami sa vacation house nila. nag dala ako ng sarili kong auto para di kami siksikan sa sasakyan ni Nate. Nung nakarating na kami sa bahay nila toper pinasok na namin yung mga gamit nahati yung dalawang rooms for girls and for boys. habang nag eexplore kami sa beach si Nate nagluluto at si kat tumutulong sa kanya, tinawag na kami sa kainan 

(Toper)"Uyyy!!! Ayus to ah."

(Daniel)"Oh dali labas niyo na sa ref yung gift natin kay Toper" naglabas kami ng isang malaking Cake, linagyan namin ng mga candles yung cake.

(Kat)"Make a wish dali" 

(Toper)"Wala na akong mahihiling pa kumpleto na eh, Salamat sa inyong lahat ah" unang beses ko naita si toper umiyak. Hindi bagay sa kanya mas sanay kami sa toper na laging tumatawa at nakangiti. pero di rin nag tagal pinunasan ni toper yung mga luha sa mata niya at ngumiti ulit. after namin kumain at mag pahinga ng konti pumunta na kami sa beach. ako si sam, si claire at si toper pumunta na at nag laro sa tubig ng kung ano ano. ang saya saya. si nate at kat naman nandun sa ilalim ng beach umbrella naka higa lang.

(Claire)"Habulin mo ko daniel" pinalo niya yung tubig papunta sa akin.

(Daniel)"Ah ganun ah, Toper tara tulungan mo ako" 

(Claire)"Ang daya, Sam Help me ! takbo!" hinabol namin sila hanggang sa dumating kami sa part ng dagat na malalim na.

(Daniel)"Claire, bumalik ka na dito masyado ng malalim diyan."

(Toper)"OO nga bumalik ka na dito"

(Claire)"Kala niyo gagana sa akin yang style na yan ah. Pumunta kayo dito kung matapang kayo" tapos nag belat siya sa amin. lokong babae to. Gusto ko siyang lapitan pero..... hindi alam ng mga tao dito na hindi ako marunong lumangoy. maya maya lang.

(Claire)"Tulong! Tulong!" napatingin kaming tatlo, si Claire nalulunod. Hindi ako makagalaw, hindi ako maka salita. parang tumigil yung mundo ko. nung bumalik na ang lahat lahat gumalaw ulit yung oras nasa shore na sila claire. linigtas siya ni Nate......

(Sam)"Okay lang ba si Claire?"

(Toper)"Nate, marunong ka ng CPR diba ?

(Daniel)"Please nate iligtas mo si Claire"

(Nate)"Bigyan niyo muna siya ng space" habang binigbigyan ni Nate ng cpr si claire napaisip ako, na napaka walang silbi ko bilang isang boyfriend. wala akong kwenta hindi ko deserve si Claire, hindi ko deserve ang pag mamahal niya. Hinding-hindi ko matatapan si Nate kahit na anong gawin ko. Habang iniisip ko mga bagay nato napaiyak ako. biglang...

(Claire)"Ah.. .a... anong ginagawa mo Nate?"

(Nate)" Di mo ba matandaan nalulunod ka linigtas kita."

(Sam)"Oo nga Claire, linigtas ka ni Nate."

(Claire)"Ah... Ga.. ganun ba ? sa...salamat Nate...." gusto ko sanang lapitan at yakapin si Claire pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Hindi ako makapag salita. kung wala si Nate wala na rin si Claire ngayon. Napaka walang silbe ko talga, duwag ako. PUCHA!!!!!!

umalis nalang ko at pumunta sa bar, may malapit kasi na bar dun. hindi ko na nga iniisip na ilang bota na nainum ko. napasuka pa ako sa labas ng bar. bigla kong naisip na hindi pa pala ako nag papasalamat kay Nate sa pag ligtas niya kay Claire. Siguro hinahanap na nila ako. habang nag lalakad ako sa tabi ng dagat may nakita akong dalawang tao. Hinalikan nung guy yung girl. pag lapit ko sa dalawa.... si Nate at si Claire yun ah..... 

The OneWhere stories live. Discover now