Chapter 18
Claire's POV
(Nate)"ummm pasensya ka na Claire ah, kaylangan kong puntahan si kat"
(Claire)"Sige sama ako"
(Nate)"Hindi na claire wag na" first time ko nakita sa mga mata ni Nate yung pagka seryoso, medyo natatakot ako. Hindi to yung Nate na mahal ko.
(Claire)"Sige, uwi na ako" pag katapos kong sinabi yun tumakbo na ako palabas ng bahay nila Nate at umiwi sa amin. dumeretso ako sa kwarto ko yakap yakap ko yung unan ko habang nag iisip. Naaalala ko lang kasi yung itsura ni Nate napaka seryoso na nakakatakot. Di ko namamalayan umiiyak na pala ako, yinakap ko ng mas mahigpit yung unan ko. Tulala lang ako bigla nalang ako nagulat nung.
~~~Ring ring ring ring~~~
peste alarm clock ko lang pala. 6:00 na pala ng umaga, di na ako nakatulog kakaisip nung kagabi. after kong maligo at mag ayos pumasok na ako ng school. Ang aga aga ko pang pumasok para makita ko si Nate pero. Start na ng first subject wala pa rin siya. Second subject wala din siya. Third subject na pumasok si Nate kasama si Toper. Sandalian lang ngiti sa muka ko nakita ko si nate may ban aid sa muka at may sugat yung labi niya.
"Mr. Rivers and Mr. Dela Cruz bakit ngayun lang kayo ?"
(Toper)"Ah. eh..." biglang nag lakad si Nate papunta sa upuan niya at umupo. linagay niya kamay niya sa desk at pinatong ulo niya dun naka tingala lang siya sa ulap.
(Toper)"Ah, pag pasensyahan niyu na kami sir malapit na game namin medyo stress lang kami"
"Sige pag bibigyan ko kayo ngayun lang pero the next time you go straight to the principal"
(Toper)"Thank you sir." nanahimik yung room na para bang may dumaan na kung ano. Hinawakan ko kamay ni Nate
(Claire)"Ano ba nangyari sayo? Bakit puro sugat ka ?" tumingin lang siya sa akin. Linayo niya yung kamay niya sa kamay ko at naka titig lang sa labas ng bintana. Ang sakit grabe, pero pinabayaan ko nalang at inintindi ko siya. Yun nalang kasi magawa ko eh, Ang intindihin siya. Buong raw nakaupo lang dun sa gilid si Nate. Uwian si Toper yung kasama niyang umuwi di man lang siya ng paalam. Mag isa kong naglakad pauwi. Pag uwi ko pumasok ako ng kwarto at nag sulat.
"Dear Diary,
Masama ba kong gf? May nagawa ba akong mali ? alam mo bang pumasok kanina ng klase si Nate na puro sugatan ? third subject pa namin siya pumasok. Alam mo rin ba diary na ang sakit sakit pala na pagtabuyan ka ng isang taong mahal na mahal mo ? Hinawakan ko yung kamay niya pero tinanggal at linayo niya lang sa akin. Ang sakit........"
Tumigil na akong mag sulat kasi basang basa na yung paper dahil sa luha ko. Ang sakit sobra. napatingin ako sa salamin. ang laki na ng eybags ko haggardness na haggardness na ako. tumayo ako pinunasan mga luha ko at sinampal ng medyo hard yung face ko at sinabing.
(Claire)"Kaya mo to Claire sigurado ako bukas okay ng lahat" tapos pinilit kong ngumiti pero mas lalo akong napaiyak, napaluhod ako sa sahig at patuloy na umiyak. Sana maubos na tong luha ko para di na ako luluha pa. Hindi ko maintindihan kung bakit kay Nate lang ako nagka ganito. kung bakit nag kakaganito ako dahil lang sa kanya.
kinabukasan hindi pumasok sila nate at toper, ilang araw rin na ganun hanggang sa isang araw pumasok si Toper. dahil sa nasa likod ko lang siya kinausap ko siya.
YOU ARE READING
The One
Teen FictionHave you ever met a person and you just know that shes the one ? well this is a story about a loner guy but one day everything changed when she met "THE ONE" :D isa siyang maingay, makulit at nakaka asar na babae, pero maganda, mabait at marunong ma...