Chapter 15
Nate's POV
(Kat)"Hoy! Anong gingawa mo kay Nate ? Ang kapal din naman ng muka mo suntukin siya no!" tumingin ako kay Daniel mukang gulat na gulat siya. di siya maka salita. tumayo ako at ngumiti kay Kat.
(Nate)" Wala yun may di lang kami pag kakaintindihan ni Daniel kaya niya nagawa yun." tumingin sa akin si kat habang nag lalakad paalis si Daniel. agad agad linabas ni kat yung panyo niya at pinunasan yung dugo sa labi ko.
(Kat)"Ibang iba ka rin talaga ano ? Ikaw na nga sinuntok pinagtanggol mo pa. hayyy" tinaggal ko yung kamay niya at hinawakan. Napayakap ako sa kanya biglaan nalang ako umiyak.
(Kat)"Nate....." di ko na pinatapos yung sasabihin niya.
(NAte)"Please, ngayun lang. saglit lang naman to eh.. pag bigyan mo na ako." napayakap na rin siya sa akin. unti unti kong inangat yung ulo ko sa balikat niya, tumalikod ako at pinunasan mga luha ko. humarap na ako kay Kat at ngumiti.
(Kat)" Nate, tungkol ba to kay Claire?" nag sindi ako ng yosi ko at sumandal ako sa railings nung balcony. lumapit sa akin si Kat.
(Kat)"Nate, kilala kita alam ko kung may bumabagabag diyan sa isip mo. Tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mo sa aking hindi to tungkol kay Claire" napatingin ako sa kanya, potek ang hirap talaga mag tago lalo na pag kilalang kilala ka nung tao. hayyst.
(Nate)"Oo tungkol to sa kanya. Sana maintindihan mo ako kat di ko sinasadya na nasaktan ka. alam ko sa isip mo ngayun linoko lang kita na binaliwala ko lahat lahat..." bigla siyang tumawa. tinitigan ko lang siya. Sigur nababaliw na tong babaeng to.
(Kat)"Sabi ko na nga ba eh, may gusto ka kay Claire no?"
(Nate)"Teka teka, Hindi ka galit ? "
(Kat)"Ano ka ba Nate siyempre hindi ako galit. Kilala kita nung andun palang tayo sa rooftop nung una ko silang makilala nakita ko na kung pano ka tumitig sa kanya, nung nag tagal nakita ko rin kung pano ka ngumiti pag kasama siya kung pano ka masaktan pag kasama niya si Daniel. Kaya nga gulat din ako nung pumayag ka na maging tayo ulit eh." di ako naksalita. ganun na ba kahalata na may gusto ako kay claire ? ibang klaseng babae talaga tong si kat kilalang kilala ako lahit di pa ako nag sasalita alam na alam niya na. hayyyst pasalamat nalang din ako at ganito di ako masasampal.
(Kat)"Look, as a friend I know you Nate, go after her. Ngayun lang kita nakitang nag ka ganyan sa babae. Dahil dun sigurado ako na ibang klaseng babae yang si Claire. Basta kung kay langan mo lang ng kaibigan an dito lang kami ni toper" wala akong masabi kay Kat, yinakap niya ako at hinalikan sa pisngi at nag goodnight na sa akin. naiwan nanaman akong mag isa dito sa balcony. nag iisip nakatulala sa langit. umupo ako dun sa armchair dito sa may balco di ko namamalayan na umaga na pala ilang oras na rin ako naka upo.
(Kat)" Nate? Wag mo sabihing buong gabi ka dito ? hayyyy. halika nga dito" pumasok kami sa loob ng bahay. Nag timpla ng kape si kat at pinainum sa akin.
(Nate)"Salamat"
(Kat)"Im getting tired na sa ginagawa mo Nate, Fight for her." naka titig lang ako sa kanya.
(Nate)"Pero.." bigla niya akong sinampal.
(Kat)"Kung gusto may paraan kung ayaw may rason. Hindi yan yung nate na nakilala at minahal ko."
(Nate)"Pa...pa...pasensya..." naisip ko na tama nga si Kat. kaya tumayo ako hinalikan ko si kat sa pisngi at nag pasalamat. hinanap ko si Claire pero ilang oras na akong paikot ikot di ko pa rin siya makita. bigla kong nasalubong si Sam.
YOU ARE READING
The One
Teen FictionHave you ever met a person and you just know that shes the one ? well this is a story about a loner guy but one day everything changed when she met "THE ONE" :D isa siyang maingay, makulit at nakaka asar na babae, pero maganda, mabait at marunong ma...