Chapter 5 - His Side

51 4 0
                                    

[Kuwata’s POV]

Malapit na nga pala ang anniversary namin ng Loves ko! :D favorite niya yung Baby Don’t Cry ng EXO, magpa-piano ako sa kanya. Yung ang pinaka magandang gift na naisip ko para sa kanya! HIHI ;) itutugtog ko yun habang nakain kami ng dinner! OO nga! Nakapagandang plano---

“Wait, hindi ako marunong magpianooooooooooooooo” nagpapadyak ako sa upuan. Tsk naman! T^T palpak yung plano ko!

“Hmp piano lang, di mo pa kaya” sabay flip pa ng hair niya. Siya nga pala si Margaret, yung campus crush? Psh maganda pa si Loves sa kanya eh!

“Bakit ka ba nagwawala dyan? Dahil hindi ka marunong mag-piano? Project niyo?” habang kinakausap niya ako nakatingin siya sa kuko niya. Hello ako yung kausap mo, hindi yung kuko mo =_=

“Nope, gusto ko sanang tugtugan yung girlfriend ko ng Baby Don’t Cry, kaya lang, yun nga! Hindi naman ako marunong ng piano”

“Baby Don’t Cry, ng EXO?”

“Yup, favorite niya yun eh”

“Gusto mo turuan kita?” naka smile siya. Ayos lang pala kapag naka smile siya eh. Pero mas maganda parin si Loves sa kanya!

“Ah sige, pwede ba?”

“Oo naman, kaya lang may condition”

“Ano? Kahit ano, basta matutunan ko lang yung piece na yun!”

“Ikaw ang magiging PA ko, tuwing morning. At habang kasama mo ako, wala kang pwedeng kausapin, kung hindi ako lang. okay?”

“O-okay!” umalis na siya. Hays siguro naman hindi malalaman ni Loves yung mangyayari. Selosa pa naman yun >   _<

Para sa gift ko sa kanya! Kahit na ano! <3

Lumipas ang mga araw, medyo nakukuha ko na ang piece. Everyday tuwing makahatid ako kay Tamiyo nagpupunta ako kela Margaret. Laging 2 hours lang. kasi madilim na sa labas pagnauwi na ako eh. Laking pasasalamat ko talaga dito kay Margaret.

Ngayon nagpapaka-PA na ulit ako kay Margaret. Kaya lang nakikita ko si Loves. Hays ang ganda tignan. Kaya lang mukhang mababangga ni Margaret. Nagtetext kasi itong si Loves eh. Eh alam naman ng lahat, kapag itong si Margaret na ang naglakad, bangga giba. Ikaw talaga dapat ang umilag, kungdi lagot ka sa kanya. Kaya lang, before ko masabi kay Margaret na umiwas. Nabangga na niya ang Loves ko..

 “Ahhh”

“So-sorry po” nag bow pa si Loves.

“Look! Look what you’ve done to my precious dress” G na G naman tong isa

“Di ko naman po sinasadya” mukhang paiyak na si Tamiyo! Gusto ko nang upakan tong si Margaret, kaya lang for the sake of the piece. Hindi ko alam ang gagawin ko T^T

She Hates Her Life, He Loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon