Chapter 15 - Meet HIM.. or guess HIM?

36 4 0
                                    

Galing ako sa isang coffee shop. Bago kasi eh HAHA. Pero nakita ko si Zoe nasugod sa ulan, tumatakbo ng biglang natumba!

“Zoe! Hala! Zoe”

Sinampal sampal ko siya para magising. Pero medyo dinidilat niya yung mata pero di na niya siguro kaya. Alam ko na bawal siyang mapagod ng sobra, bawal ma-stress ng sobra. Pero bakit parang naiyak siya tapos tumatakbo?

“Zoe ang putla mo grabe! Zoe please ---“

And she was out. Hala! Tumawag ako ng tulong, di naman ako kasing yaman ng iba ng di kotse, ayun may dumating na ambulance. Ang bibilis kumilos nung mga nurse siguro yun

“Sir kakilala niyo po ba ang pasyente?”

“Ah opo”

“Pwede po ba kayong sumama sa ospital?”

“Sige po”

Ayun ang bilis ng ambulance >   _< siguro after ilang minutes na parang lumilipad ang feeling ko sa loob, nakarating na kami sa General Hospital. Kanina habang nasa loob ng sasakyan, tinititigan kong mabuti si Zoe, ang ganda talaga nitong babaeng to eh. Tsk kaya lang nauna na yung Vincent na yun -________-

Nandun siya sa loob ng emergency room. Ilang minutes na rin ang lumipas. Pabalik-balik lang ako ng nilalakaran ko. Hindi ko maitindihan ang sarili ko ngayon T^T

“Okay na ang pasyente. Intayin nalang natin na siya’y magising. But mukhang matatagalan ito”

“What do you mean Doc?”

“Uhmm galing na siya sa hospital na ito, last weeks lang siguro yun. And pinagbabawal namin na mapagod siya, pati na rin ang ma-stress”

“So Doc?” di ko gets talaga ang mga doctor

“Sa finding ko, mukhang sobrang na stress siya at napagod, kailangan namin siyang mabantayan na dito sa ospital, tatapatin ko na kayo sa kalagayan ng pasyente, naglead ito sa Cerebral  hemorrhage, at kung ito ay magtatagal magkakaroon ng tubig ang kanyang utak, at ang worst ay hindi na siya magising pa at maging coma na habang buhay”

“Ah sige po Doc maraming salamat po”

“Intayin mo nalang na ilabas siya ng nurse at ihatid kayo sa kwarto niyo”

“Sige po”

After ilang minutes nilabas na siya ng nurse, naka hospital bed. Nakapikit, maganda, sobrang ganda

“Kung may kailangan po kayo, paki tawag nalang po kaming mga nurse dito”

“Sige po, salamat po”

Hindi ko alam kung nasaan ang parents ni Zoe, ang alam ko lang na laging nasa abroad ang parents niya. Tatawagan ko nalang yung mga kaibigan niya

She Hates Her Life, He Loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon