Chapter 3: Total Disaster

12 1 0
                                    

Beef and mushroom it is. :)




Pero masyado pabg maaga para magluto. Siguro mga 11 am ako magluluto. 9:30 palang aba. Baka lumamig lang yung pagkain kapag inagahan ko yung pagluto. Ang gagawin ko nalang ay pakuluan ang beef para lumambot.




Kinuha ko yung malaking kaldero at nilagyan ng tubig. Yung mineral syempre. At nilagay yung beef, tapos binuksan yung stove. Siguro babalikan ko to mamayang 10 am.




"Kuya, akyat lang ako ah." Paalam ko kay kuya.




Di ko na pinansin yung sagot nya at dali daling umakyat. Hanggang sa may narinig akong ingay mula sa kwarto na dinaanan ko. Kwarto ni Ailey. Baka gising na sya. Pumasok ako sa kwarto nya at sinilip kung anong ginagawa nya.




"Hi ate." Sabi nya habang may kinukulayan na page sa binili nyang activity book.




"Am I disturbing you?" Baka kasi mamaya biglang sumpungin eh.




"Hindi naman po ate." Pheww, buti nalang.




"Okay, call me when you need something baby ah?"




"Opo ate." Lumabas na ako ng kwarto nya dahil ayokong maka-abala. Pumasok nalang ako sa sarili kong kwarto.




HAAAY. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumunta sa kwarto ko. Wala naman akong ginagawa masyado dito. Kadalasan ang ginagawa ko lag dito ay matulog, mag-aral, manood ng tv shows at titigan ang pink kong walls. WAAAH ANG BORING. Ayoko namang makipag-kwentuhan kena kuya sa baba dahil siguradong puro kalokohan lang yung pinaguusapan nila. -__- Minsan naririnig ko yung usapan nila ay puro pagkain, basketball, dance, Autos, and worse is.... Girls. -__-




Isang beses nga, nahuli ko silang pinaguusapan yung pep squad ng campus. They're talking about stuffs that I don't want to hear.




Buti pa ako good girl HAHA.




Speaking of good girl, pumasok bigla si Ailey sa kwarto ko. "Ate, nasa baba pa po ba sina kuya?"




"Yes baby. Why?"




"Ate may nakita po akong black van sa harap ng bahay natin. Hindi po familiar yung face ng driver. Baka po sinusundo na sila." Black van? WHAT THE F*CK.




"Baby, stay here. Pumasok ka sa closet ni ate. Wag kang lalabas. Listen to ate ok? Keep quiet." Bilin ko kay Ailey habang hinahatid ko sya sa closet ko. Sh*t this is not happening.





"Ate what's happening?" Naiiyak na sabi ni Ailey.




"Ailey just stay there. Be quiet. Ok? Tatawagan ko sina Dad. Sige na go inside." Sumunod naman sya. OH MY GOD.




"Lock it." Last bilin ko sa kanya. Pumunta ako sa drawer ko at kinuha ang pistol ko. Kaming tatlo ni Ate Ainslie at Kuya Ailer ay may sariling pistol. Dont worry may license kami. Basta gamitin lang namin ito sa tama.




I rushed to go downstairs. Sinalubong ko si kuya na hawak din ang pistol nya. Buti nalang alam nya rin. "Nasan si Ailey?!" Napasigaw si kuya.




"Kuya dont shout. Nandun sya sa kwarto ko. Dont worry she's safe." Mahina kong sabi habang nagtago kami sa likod ng sofa. "Nasan sina Storm?"




"Nandito kami." Rinig kong sabi ni Xeno na nasa likod ng malaking vase. 




No, this is not happening again.




StormWhere stories live. Discover now