Chapter 5: Bloody

8 2 6
                                    

Before you guys start reading, ipapaalala ko lang na magiging madugo tong chapter na to. Seriously, it's bloody as hell.

-Mojito

WILLIAM HENRY ▪

"Hindi parin ba nagigising si--" Tanong ni Sandals nang pumasok sya sa  kwarto. "HI LIIT."

"Tangna mo." Pagkasabi nya nun nag Middle finger sya sakin. HAHAHA.

"Di pa rin gising si Storm ih. Nandito naman ako Zand, ako nalang. Ako nalang ulit huhu." Pagda-drama ni Xeno kay Zander.

Para po sa kaalaman nyong lahat, BAKLA KAMING LAHAT. DE JOKE LANG. HAHAHA.

"Akala ko ba Xeno ako lang?" Sabi ni Marco tapos humawak sa dibdib.

"Manahimik nga muna kayo." Highblood kasi si Ailer ih. Dumudugo yung tenga nya kapag naso-sobrahan sa ingay. Seryoso to. Isang beses nga noong isang contest namin, sobrang lakas ng music tapos dumugo yung tenga nya kaya lima lang kaming nag-perform. Hindi rin sya pinapayagang mag earphones dahil nga sa sakit nya. Pero makulit talaga eh, nag-earphones sya tapos ayun, pati yung mata nya umiyak ng dugo kasabay ng pagdaloy ng dugo mula sa tenga nya. Kaya mahugit 2 months sya sa hospital dahil marami ang nawalang dugo sa kanya.

Ang boring naman masyado dito kapag tahimik, pupunta muna ako sa kwarto ni Aira. Aasarin ko ulit haha.

"Baks, Labas lang ako." Hindi ko na hinintay yung mga sagot nila, lumabas na agad ako.

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Aira, nakita ko yung ate nya. May kausap sa telepono. "Avery, wag muna ngayon. Nasa hospital si tita Aira mo. Dyan ka muna sa condo ok?" Hindi naman sa nakikichismis, narinig ko lang habang binubuksan yung pinto. Wag kayong malisosyo guys. Bawal yan.

"AY WASABI!" Nagulat sya nang humarap sya sakin. Lol, cutie. "Kanina ka pa dyan?"

"Hindi naman. Kararating ko lang." She just let out a sigh and walked closer. "Hindi mo naman siguro narinig yung paguusap namin, diba?"

Paguusap? Yung sinabi nya lang na nasa hospital si Aira and the such lang yung narinig ko. "Hindi masya--"

"HINDI MASYADO? SO NARINIG MO NGA?" Grabe magover react ah. "Hindi nga." Natatawa kong sabi. Sa totoo lang, napakacute ng ate ni Aira. Siguro lagi syang naso-sobrahan aa kape kaya masyadong hyper, I guess.

"Nakakagulat ka kasi, bigla biglang sumusulpot eh." Sabi nya pa tapos hinampas ako ng mahina sa braso. Uhh. "Ayy sorry."

"Hindi ok lang."

"Ikaw si William diba?" Tanong nya sakin habang pinapasok yung phone nya sa shoulder bag nya na pink. Ayy bes inggit ako. Buti pa sya may shoulder bag na pink tapos may hello kitty na keychain. Hala me want too.
:3 "Yes mader." AYAN! DI NA NAPIGILAN YANG KABAKLAAN NO, WILLIAM? -_-

"EH?" Ang daldal kasi Willie! Napapaghalataan. Tsk tsk.

Pero joke lang yun, di talaga ako bakla. Trip naming trops na asarin si Aira na bakla kami (kasama na yung kuya nya) kasi sabi ni Ailer. Loko lang, utos kasi ni Elyen na magpakabakla kami para di daw mafall samin si Aira..... Which is very odd kasi kami ata yung naf-fall eh. :<
Sino ba namang hindi mafa-fall kay Aira? Maalaga, mabait, maganda, matalino, lahat na. Yung tipong dream girl ba. Kaso, dream guy nya ba ako? :(


"Charot lang mamshie. Lalaki talaga ako. Trip kong magbeki beki." Kita sa mukha nya na naguguluhan talaga sya. Shucks pati ako rin eh. May gender crisis ang lola nyo. "Wait, ang gulo talaga eh. Lalaki ka ba or babae?"

StormWhere stories live. Discover now