Chapter 8: Changed

9 1 1
                                    

Sorry kung natagalan yung update. Frustrated talaga ako simula pa noong friday, August 26. Hindi ako nakakuha ng medal sa Filipino Quiz bee namin, line of 8 lang grade ko at hindi pa ako nakasama sa top. 😢😭 Grade conscious po ang author nyo huhu. :3 3gord ako ng mga teachers ko grrr.

-mojitoxx

AIRA ZAMORA  ▪

"Miss pwede na po ba akong bumalik?" Pagpupumilit ko sa nurse na nagbabatay sakin. Pero umiling lang sya. WAAH Ang boring dito.
"Hindi pa po pwede, kailangan nyo pa pong hintayin yung blood donor nyo."

Blood donor? Why?

Malakas na naman ako at tsaka bumalik na ang sigla ko. No need for a blood donor. "No need na po sa blood donor! I'm fine na po." I said bago pa man sya makalabas ng ICU. Nilingon ako ng nurse at, "Hindi po pwede Miss Zamora, masyado na po kayong namumutla at namamayat dahil sa kawalan ng dugo."

I pouted. But I really want to get out of here. Gusto ko silang makita, gusto kong makita si Storm. Gusto kong malaman kung nagising na ba sya at kung ayos na ba ang kalagayan nya. Pati na si Zander, I wonder what happened to him simula noong nagwalk out sya kanina.

Gusto ko sanang i-text si Kuya pero naaalala ko wala pala sakin yung cellphone ko. Argh. I'm so bored right now.

.

.

.

10 minutes have passed, and it's still quiet. Magisa lang ako ngayon sa ICU. I'm starting to feel that something or someone was watching me the whole time, and it scares the shit out of me. Not until bumukas ang pinto at pumasok ang nurse na nakausap ko kanina at mukhang may dala syang blood pack. She didn't said a word while she was working on attaching the blood pack on me. Doble doble na ang naka-kabit sakin na wires. Why am I even experiencing this? Nang matapos na yung nurse, nagbow lang sya sakin at lumabas ulit ng kwarto. So that means, magisa ulit ako. ;_;

Dahil ayoko na may nararamdaman ako na kung anong presensya ngayon, matutulog nalang ako.

I slowly closed my eyes and drifted away.

°°°

I woke up hearing someone talking. As soon as I opened my eyes, I saw a nurse and a Doctor. They looked at me smiling, "Good morning ms. Zamora. Ililipat ka na po namin sa private room nyo. Hinintay lang po namin kayong magising." Sabi nung nurse. She's very polite though.

Tinulungan nya akong tumayo at umupo sa wheelchair. Kinuha nya yung mga kung ano mang packs na naka-attach sakin. Bago pa kami makalabas ng kwarto ay tinignan ko ang wall clock, and wow, it's just 7 in the morning. Pagkakatanda ko natulog ako kagabi ng mga 11 pm na ata yun? Siguro itutuloy ko nalang ang tulog ko mamaya kapag nakarating na kami sa sarili kong kwarto. On our way, may ilang beses na nakakatulog ako. Kahit sa elevator napasara ang mga mata ko at naghahanda nang magpahinga. I'm so tired I want to sleep for a day.

The nurse was pushing the wheelchair. We've passed the long hallway. Habang binabagtas namin yun, may nadaanan kaming kwarto na nakapaingay. I hear different voices. Some are deep and some are too girlish. They were so familiar. Tinignan ko ang sign ng pinto at nakita ko kung sino ang occupants ng kwarto. Zander Young and Vance Villafuerte.

Shoot. I cursed mentally. How could I forget about them?!

Binuksan ng nurse ang pinto ng kwarto ko. Wala dun si ate pati si Ailey. Magisa lang ako ulit. Tinulungan ako ng nurse na lumipat sa kama. I twitched my lips when I felt my abdominal area aching. "Maiwan ka na namin ms. Zamora."

Lumabas na ang nurse at doctor na naghatid sakin sa kwarto. Dahil natatakot ako, matutulog nalang ako. Pero hindi ko magawa eh. Nakita ko ang phone ni Storm sa side table. Nacurious ako. Kaya kinuha ko ito at binuksan pero may password eh. Hanggang lockscreen lang ako. Pinang-singkitan ko ng mata yung wallpaper nya. Isang silhouette ng babaeng nakaupo sa park bench. Hindi kaya may Girlfriend na sya? Umiling ako, hindi ko dapat ginagalaw ang mga gamit na hindi akin. Tumayo ako at kinuha ang mga bagay na naka-attach sakin at lumabas ng kwarto. Ibabalik ko ang hindi akin at kailan mang hindi magiging akin.

StormWhere stories live. Discover now