- Part 3 -

14 2 0
                                    

Hooyay! New day worth living for again! Pasukan na bessyy! Excited na ako pumasok kaya naman 6 A.M pa lang giving na ako kahit 9 A.M pa iyong pasok ko! Hehehe. Wala pa mang sinasabi si Mommy, naligo na agad ako. 

Pagkaligo ko, agad agad akong dumiretso sa tapat ng cabinet ko. Syempre kailangang special din yung isusuot ko! Naglabas ako ng isang dress na color pink. 

" Parang di naman bagay sakin! " sabi ko atsaka binalik iyon sa damitan ko. Kumuha naman ako ng pair ng polo at leggings. " Ayoko nito! Ugh! " sabi ko at binalik nanaman yung damit na kinuha ko. Nakailang labas din ako ng pares ng mga damit hanggang sa makapagdecide ako. 

Nilabas ko ang isang all-over na jumper atsaka simpleng white t-shirt. " Perfect! " reaksyon ko pagkasukat ng napili kong damit. Pagkatapos magsuot ng damit ay nagatuyo na ako ng buhok at nagpulbo, lip tint at perfume. Since 7 A.M palang, nagbasa muna ako ng mga libro. Baka kasi mamaya recitations na agad tapos wala pa akong maisagot. Saktong 7 : 45 naman, bumaba na ako para kumain ng breakfast. 

Pagkababa ko ay nandon na si Mommy, Daddy at Kuya Adrien. Nagbatian at nagdasal muna kami bago kumain. Napadami yung kain ko dahil si Mommy ang nagluto ngayon, kaya naman extra delicious! Nung pumatak na ang 8 A.M, nagpaalam na ako kila Mommy at hinanap ko na si Kuya Axel, driver namin para magpahatid sa school. Kayaaa lang, " Ay ma'am, nagpapahatid po sila Sir sa opisina eh. Hahanapin ko nalang po si Marco para ipagdrive kayo. " sabi ni Kuya Axel. 

" Naku wag na po. Magcocommute nalang po ako. Pasabi nalang po kila Mommy. Ingat po! " sabi ko atsaka umalis. Pagkalabas ko ng gate, sakto namang naabutan ko si James na paalis na dala yung kotse nya. " Dre, asan si Kuya Axel? Maglalakad ka ba papunta sa school? " sabi nya. " Ah oo dre eh. Ihahatid nya kasi sila Mommy kaya ayun. Hehe good morning! " bati ko sakanya. 

" Dre, sabay ka nalang sakin! " alok niya. " Naku, okay lang ba dre? Baka may dadaanan ka pa eh. " sagot ko naman. " Sus nahiya ka pa. Tara na dre! " sabi nya sakin at hinata ako papunta sa passenger seat. Wala na din akong nagawa at hindi na ako tumanggi dahil baka ma-bad mood nanaman 'to kapag inayawan ko. 

Medyo malapit lang naman dito yung school kaya in time span of 10 minutes, nakarating na din kami. Wala pa masyadong tao, masyado ba kaming maaga? " Dre wala pa masyadong tao. Libot muna tayo o kaya tambay tayo sa park, please? " pag-aalok ko pagkababa namin sa sasakyan nya. " Sige dre, tambay tayo sa park. Kumain ka na ba? " sagot nya. 

" Yes dre. How about you? " tanong ko. " Opo. Tara na. " sagot nya at ngumiti. Inakbayan nya ako at ganoon kami nagpunta sa park ng school. Hay, James. Sana hindi lang as friends yang pag-akbay akbay mo sakin. 

Nung makarating kami sa park, naghanap kami ng bench kung saan malilim. Nagkwentuhan lang kami dun. Tapos, may nakita kaming babae. Matangkad, maputi, mestiza, tsaka mukhang mayaman. " Dre, may chicks ka na agad oh! " sabi ko sakanya.  " Ano ka ba dre. Di ko trip yan! Parang may sakit sa sobrang puti eh! " sabi nya sabay tawa. Loko talaga 'to. " Sus kunyari ka pa eh! " panunukso ko sakanya pero sa loob loob ko ay umaasa ako na sana di nya nga yun magustuhan.  

Mabilis na lumipas yung oras at nagsimula na yung klase. Buti nalang sa unang klase, magkasama kami ni James. " Dre buti nalang new prof tayo! Introduce yourselves, yih bih! " bulong sakin ni James. Di kasi siya makapag ingay dahil nagsisimula na mag introduce yung kaklase namin. " Ewan ko sayo! Sayang naman yung pag-aadvance reading ko kanina! " sabi ko sabay pout. " Para bukas na yon dre! " sabi nya sabay tawa. 

Nung tatayo na sana yung katabi ko para magpakilala, biglang may pumasok na babae sa classroom namin. Teka, sya yung babae kanina na inaasar ko kay James! Blockate pala namin sya!? " Ms. i dont know your name, why are you late? " sabi ng professor namin. " I'm sorry Sir Anwyll. Hinanap ko pa po kasi 'tong classroom na 'to" sabi nya at halata naman 'yon dahil tagaktak na yung pawis nya. " Okay. Introduce yourself first, please. " sabi ni Sir Anwyll.

" Good morning everyone. I'm Margaret Allison Hamilton from Rosslett University in America. I hope we can get to know each other more, nice meeting you. " she said and then sat beside me. Yun nalang kasi any bakanteng upuan eh. Mayamaya.. 

" Good morning everyone, i am Adrianna Yashashree Heathcliff and i'm looking forward to learn with all of you. " saabi ko sabay upo. " Hi everyone, i am James Christensen Harrison and i am excited to socialize with each of you. " saabi naman ni James sabay bow pa. Hay lokoloko talaga 'to. 

A/N : Credit cover! Thank you ng marami ❤ YourKishi

You Make Me Happy 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon