- Part 4 -

15 4 1
                                    

Pagkatapos ng 3 subjects namin, nag lunch na kami. Sabay kami ni Dre kumain sa canteen. Grabe ang dami ng tao! Jam packed yung tables tapos sobrang haba ng pila! Kaya naman nakapila ako sa unang linya tas nakapila naman siya sa ikalawa.

Mga 15 minutes pa kaming nanatiling nakapila sa canteen. Pagkatapos nun, napagpasyahan namin na sa benches sa park nalag kumain. Habang kumakain kami ni James, nagkwentuhan muna kami.

" Dre kamusta? Stressed na ba agad? " tanong nya sa akin. " Hmm, hindi pa naman. Sana ganito lang ang life, light lang hindi masyadong heavy. " sagot ko naman. Then may lumapit sa amin na babae. Oh, si Margie.. Margo.. ah Margaret! " Hi, may i ask a question? " magalang nyang pagtatanong. " Yeah sure " sagot ko naman tsaka ngumiti. " Uhm, do you know where can i find this room? Room 408? " tanong nya, " Yes. Its located at the 4th floor. The last room to the right, same building lang. " pagsagot ko. " Oh thank you. " she said then she smiled. Pagkaalis nya, nagpatuloy lang kami ni James sa pagkukwentuhan. " Taray mo dre ah! English kung english! 'yeah oh, yeah.' " panggagaya nya sa way ng pananalita ko.

" Tse! Tigilan mo nga ako! Trip mo nanaman ako eh. " sabi ko at inirapn siya. Humagalpak naman sya sa kakatawa. Hay nako, James Christensen. Pagkatapos namin kumain, nagstay muna kami sa kinauupuan namin at nagpahinga. Since vacant namin hanggang 2, dito muna kami tatambay. Wala naman kaming pupuntahan eh. Mayamaya nagulat ako habang nagbabasa, biglang bumigat yung left shoulder ko.

Pagkatingin ko, nakahilig yung ulo ni James sa balikat ko. Kawawang bata, siguro nagpuyat nanaman to. Hinayaan ko nalang at inayos ko yung posisyon nung ulo nya baka kasi mangalay. Mayamaya ng sumakit yung mata ko kakabasa ng libro, tinignan ko si James. Ang himbing himbing ng tulog nya.

Ang sarap nyang pagmasdan, para syang anghel. Hindi mo gugustuhin na gisingin yung ganitong itsura. Ang gwapo gwapo nya, mula sa magaganda at tamang kapal na kilay nya, sa katamtaman na kalakihan nung mata nya na ang kulay ay brown, sa ilong nya napakatangos, tsaka sa labi nyang malalambot at mapula kung tignan. " James, kung pwede lang kitang mahalin na walang pag-aalinlangan. Alam mo bang ang hirap hirap magpigil ng nararamdaman ko sayo? Ang hirap itago. Ang hirap masaktan kasi sa huli alam kong hindi mo naman ako kayang mahalin pabalik na more than best friends. " sabi ko sa isip ko.

Di ko namalayan na nakatulog na din pala ako. Pagkagising ko, baligtad na yung posisyon. Ako na yung nakahilig sa balikat ni James at syaa yung nakatingin sakin habang natutulog ako.

" Dre, sarap tulog ah? " bungad nya. " Heheheh sorry. Anong oras na? " tanong ko sabay ngiti ng awkaward. Tumingin sya sa relo nya at " 2: 15 dre. Why? " sagot nya. Nanlaki ang mata ko, " DRE SERYOSO KA BA!? LATE NA TAYO!! BAKIT HINDI MO KO GINISING? " di ko naiwasang mapasigaw. Tumawa naman sya at sinabing " Sarap kasi ng tulog mo. Baka maistorbo kita kapag ginising kita kaya hinayaan nalang kita. " tsaka ngumiti.

" Jusko dre okay lang kahit maistorbo ako kaysa ma-late tayo! Tara na! Tsk. " sabi ko at hinila say sa classroom namin. Buti nalang malapit lapit lang yung building ng room namin kaya sandali lang kaming naglakad. Pagkadating namin sa room, " Do you belong to this class? " sabi samin nung professor sa loob na di namin kilala. " Uhm yes ma'am. We're sorry we are late. " sabi ko sabay tungo.

" Whatever! Sit at the back and introduce yourselves later on. " she said at nag-iwas ng tingin. Maya maya ay nag-introduce na kami. All of my classes, so far so good naman. Except lang taiga dun sa 4th class ko! Umuwi na kami ni James at nagpahinga. Hay, kapagod!

-- -- -- -- -- --- -- -- - - -

A/N : Guys inulit ko sya kasi i made a mistake! :( but same scenarios lang ang nangyari. Slow update because exams week ako!  Happy reading! ❤

You Make Me Happy 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon