Destiny + Curiosity = Love

1K 12 5
                                    

Destiny + Curiosity = Love

Written by: Princess erie

Author's epal mode XP

yes!!!! akalain niyo yun nakakasulat pala ako ng may sense? hahahaha!! joke!! anyway very first story ko to kaya sana naman eh... tangkilikin niyo po ang mga kaabnormalan ko dito sa ginawa kong istorya. Nga pala yung mga name na kinuha ko dito ay hango sa mga totoong tao, medyo dinagdagan at iniba ko lang ng konti.

Naniniwala ba kayo sa Destiny? di may kasabihan tayo na curiosity kills people? Eh... panu kong sa isang story ay pagsamahin ito? anu kaya ang kahihinatnatan nito?happy ending kaya o sad ending? mababago kaya ng dalawang bagay na ito ang buhay at paniniwala ng dalawang tao?

Chapter 1

" Grabe naman... ang haba nanaman ng pila para dito sa pagiinquire sa Ashwood University tapos ang dami pang kung anu-anong mga requirement echos!. Naku pag kulang ka pa hindi ka pwedeng magapply tapos bawal pang ipafollow-up na lang " . buhay nga naman... parang life.


Hi... I am Erie Dela Pena, 16 years old, you can call me Erie na lang ( maka lang eh.. yun lang naman talaga pangalan niya , syempre ayaw ng magpakahirap mag-isip ng mahabang pangalan nang mga magulang kaya ayan na lang , hoy! hindi rin yung mahangin ah! di ko alam kong anung kaabnormalan niya kaya yan pinangalan sa kanya,pero infairness unique yung name niya!!... Ha!ha!ha!.) I lived at sta. Maria Bulacan, may kasabihan po tayo na ang.... Teka! Teka... anu to beauty pagent lang ang peg? Tigilan na nga tong pagpapakilala kuno na ito. Ang described ko sa sarili ko ( halatang ayaw kong paawat sa pagpapakilala... :D) mataray( sa boys lang po....hater po kasi nila ako...), makulit, kalog minsan, maganda (daw...), medyo may pagkamoodswing,simple at higit sa lahat matakaw! ( Uy! Hindi naman ako mataba o chubby girl...). Hindi naman ako mayaman o mahirap kaya may kaya lang kami(malamang ha!ha!ha!).

So... ngayon nandito ako sa Ashwood university nagiinquire para sa entrance exam and hoping na makapasa sa dream school ko. Actually kahapon eh.. nandito na ako ang kaso nga lang wala ako nung Xerox ng I.D kaya hindi ako nakapaginquire, kaya ito bumalik ako kahit na napagalitan ni mudra dahil sa mahal na pamasahe at nakakapagod na biyahe. Worst medyo late na ako kaya ito nasa huli ng pila at sana hindi abutin ng lunch break ng nagbabantay dito at kung mangyayari yun baka makasapok ako ng di oras dahil masasayang nanaman yung pagpunta ko dito. Maraming gustong makapasok dito dahil ito ang pinaka sikat at pinaka magandang school sa Pilipinas.

" Am.... Exuse me, pwedeng magtanong?"

Napatingin ako dun sa girl na katabi ko( gusto ko sanang barahin na nagtatanong na siya kaso nung nakita ko itsura... parang santang di mo pwedeng lokohin), cute siya, maputi, simple lang din at mukhang mahinhin. Hindi mo nga ata mapapasigaw to.. kahit na may ipis na gumagapang sa kamay niya at siguro ang sasabihin niya lang....("ay... may ipis sa kamay ko...") in a very soft and gently voice.

"Oo naman.... Anu ba yun?" ( sige magpapakahinhin din ako)

"Anu-ano ba mga requirements dito?"

"Am... first yung Xerox ng I.D , card,NSO birth certificate, barangay certificate, good moral at voters record ng magulang mo....".

Sinasabi ko yun habang pinapakita sa kanya ng papel isa -isa tapos siya naman tiniting niya rin isa-isa yung kanya.

"Buti na lang kumpleto na ako...nung nakaraan kasi pumunta na ako dito kaso nga lang kulang ako kaya hindi ako nakapag-apply kaya ito bumalik ako"

Destiny + Curiosity = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon