chapter 13( my insan's love life)

119 2 0
                                    

Erie's pov




"Am... ynna dun na lang ako sa kotse maghihintay".Aalis na sana ako kaso Hinila niya ako papalapit sa kinauupuan ni thadeus. pag kakita samin ni thadeus ay nag lighten kagad ang face niya.


"Dito ka lang, di ba sabi mo ay sasamahan mo ko? Makikipagusap lang ako sa taong to saglet".Katakot.... ngayon ko lang nakitang naging ganito kaseryoso si ynna ,sanay kasi ako na puro pagpapacute ang alam niya.grabe ngayon ko lang masasabi na magpinasan nga kami.. walang duda!



"Okay..."Naupo na ko at inoffer ni thadeus yung upuan kay ynna para pa gentlmen effect.Pero di umeffect kay ynna.


"No need! Wag kang magpakita ng mga kunwaring kabaitan mo sakin!".Padabog niyang kinuha yung upuan at umupo na siya.Tiningnan ko na lang ang malungkot na mukha ni thadeus,baby face,chinito,maputi at super maamo yung mukha. Aw.. bakit kaya ayaw ni ynna dito?


"Hi.. i am Thadeus cruz, i too happy right now that my future wife decided to finally meet me and know me".Nagroll eyes lang si ynna at ngayon naman ay tumingin siya sakin."And it is nice to meet you  her?"


"Cousin... nice meeting you too ".Nakipag hand shake ako sa kanya,napasin ko na super pinagpapawisan siya at nanginginig yung kamay niya.Bakit siya pinagpapawisan eh.... di aircon naman yung resto... kinakabahan? Nagtry na magopen ng kung ano anung topic si thadeus pero si ynna ay nanatiling walang imik at nakatingin sa malayo sa loob ng isang oras. gusto kong batukan kaso baka mas lalong mainis at mag walk out dahil sakin.


"Ayokong magpakasal sayo!!".Nagulat na lang ako ng biglang nagsalita Si ynna, siniko ko siya pero pinandilatan niya lang ako ng mata kaya natahimik na naman ang ateng niyo...promis parang sinapian siya ngayon.Tumayo siya at patuloy na sinigawan si thadeus... ako nahihiya sa pinsan ko na to eh... pinagtitinginan lang naman kasi kami ng mga tao." Hindi ka ba naaawa sa sarili mo!? Nagiging sunod sunuran ka lang sa gusto ng mga magulang mo! Di ba hindi mo naman ako mahal!?hindi rin naman kita mahal pero bakit ka pumapayag sa kasal na ang nais lang ay pagsamahin ang mga negosyo natin.Maging tunay na lalaki ka naman at ipaglaban mo ang gusto mo!".Biglang napayuko si thadeus at sobrang nalungkot yung itsura niya.


"Alam mo ba ynna.... sa unang pagkakataon ay napatunayan ko na tunay akong lalaki dahil pinaglaban ko ang gusto ko at hindi na ko natorpe".Tiningnan niya sa mata si ynna at yung mukhang galet na si ynna ay napalitan ng pagtataka."Hindi to kagustuhan ng mga magulang ko para sa negosyo.Ako ang may gusto nito dahil....".Tumayo siya" Hindi totoo na hindi kita mahal....mahal kita ynna!"


"Kalokohan... paano mo ko minahal eh... kahapon lang naman tayo nagkita?Ano yun instant love!? gunawa mo pa talagang instant noodle yung pagibig na sinasabi mo!! wala ka na bang ibang magandang dahilan?"



"Sabihin na natin na yun ang una nating pagkikitang dalawa at ayun yung araw na nakilala mo ko... pero ako matagal na kitang kilala"


"Ha? At pano mo naman ako nakilala aber?"


Destiny + Curiosity = LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon