Shin's POV
Pagkatapos naming umorder ni Geo dinala ko na sa table yung limang tray at yung lima pang tray sa kanya naman. Gaya ng sabi n'ya pinalutang ko na lang ang mga ito. Hirap kaya bitbitin ng limang tray.
Malapit na ako sa table nang mapansin kong pinagtitinginan na pala ako. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Hahaha.
'Conceited' Napatingin ako kay Lian ng marinig ko ang boses n'ya sa isip ko. Tss. Nakangisi pa s'ya.
"Good afternoon Ma'ams and Sirs, here's your order." Si Geo yan. Pano n'ya napapalutang yung trays?
Binaba na namin ang mga tray sa table at umupo na din kami. Pagkalapag na pagkalapag pa lang nung tray, kanya kanya na sila ng kuha ng pagkain. Gutom na gutom ah.
"Keep the change ah." Nakangisi kong biro sa kanila.
"Oy! Ono ko! Sukli ko!" Sabi ni Blaze na punong puno ang bibig.
"Wag ka nga magsalita! Puno yang bibig mo eh." Suway sa kanya ni Zy.
"Di pa naman puno eh! Kasya pa nga ang isang subo eh!" At sumubo pa nga s'ya ng isang beses. "Oh dibo? Kosyo?"
Napailing-iling na lang si Zy sa kanya.
"Eto sukli n'yo ah." Nilapag ko sa gitna ng mesa ang sukli nila.
"Start na natin ang Q&A Portion daw." Sabi ni Lian. "Ganto ah. Ako una n'yang tatanungin, tos si Hikari, then Blake, Blaze, Zy, Geo, Sky. --Ay! Sila Yumi at Kian pa pala pagkatapos ni Blake."
"Okay. Sige, start." Sabi ko. "Bukod sa pang-iinvade sa supposed to be private thoughts ng mga tao at pain inducement. Ano pa ang kaya ng mga Telepaths?" Sabi kasi ni Dad diba maraming kaya ang mga Telepaths?
"Tse! Pang-iinvade ka d'yan! Ehem! Okay. Well your Dad is right--" Naputol ang sasabihin n'ya dahil nagsalita ako.
"Oh tignan mo! Binasa mo na naman ang isip ko!" Sabi ko with matching turo turo pa sa kanya.
"Hahaha! Masanay ka na. Walang ligtas sa kanya ang mga iniisip natin." Sabi ni Geo sakin.
"Eh tahimik! Sumasagot ako eh!" Sigaw samin ni Lian kaya tumahimik na kami ni Geo. Katakot kaya! Tiningnan muna ako ng masama ni Lian bago s'ya sumagot.
"Gaya ng sinasabi ko kanina, marami kaming kayang gawin. May dalawang branch ang telepathy. Ang Telepathic communication at telepathic perception." Sabi n'ya.
"Anong pinagkaiba nun?" Tanong ko.
"Telepathic communication enables me to transmit information from my mind to another. And with telepathic perception I can receive information from another mind. Bale eto yung mind reading." Sagot naman n'ya. "All in all, kaya kong makipag-usap with the use of my mind."
"Yun lang pala. Pinahaba mo pa." Natatawa kong sabi. Kahit sila Kian natawa din.
"Eh ba't ba?! Gusto kong i-explain eh!" Namumula n'yang sigaw samin.
"Okay, next. Ano pa kaya mo?" Tanong ni Geo.
"Psychic navigation." Si Lian.
"Ow. What is that for?" Usisa ni Sky.
"Psychic navigation, para s'yang GPS. Kunwari may mission tayo na kailangang puntahan at di natin alam ang lugar. Kaya kong gumawa ng mental map para di tayo maligaw." Sagot n'ya kay Sky.
"Nice!" Kumento ni Blaze.
"Next is, psychic shadow. Eto naman yung defense against sa mga telepaths din. Pwede kong itago ang psychic presence n'yo para di tayo madetect ng ibang telepaths."
"Ibigsabihin, required talagang may telepathic sa isang group kapag na sa mission?" Tanong ko.
"Yes. And last is, psychic shield. Pwede kong lagyan ng mental shield ang isip n'yo pra hindi mainvade ng ibang telepaths. Tsaka safe kayo sa pain inducement kapag hinarangan ko kayo ng mental shield."
"Yung psychic shield parang yung kay Bella ng Twilight?" Tanong ni Yumi.
"Oo, at yung pain inducement parang kay Jane naman ng Volturi." Sabi ni Lian.
"Wow! Ang astig kaya ni Jane! Kaya lang bad s'ya." Si Hikari.
"Kaya ko din yung kay Alec yung twin brother ni Jane. Yung sensory deprivation?" Sabi ni Lian. Napausog kaming lahat maliban kay Blake, Yumi at Kian. Nakakatakot pala ang ability nito!
"Di ko naman gagawin sa inyo eh!" Sabi n'ya kaya umusog na kami pabalik.
"Oh si Hikari na!" Sabi ko.
"Kaya ko pong magpalabas ng lasers sa mg daliri ko. And I can mold light into different shapes. Pwede din po ako gumawa ng weapon." Tumayo si Hikari at tinaas ang kanang kamay n'ya at sinara n'ya na parang may hawak s'ya.
Biglang nagliliwanag ang loob ng nakasara n'yang kamay at may liwanag na humahaba pataas at naging espada.
"Charan!" Nakangiti n'yang sabi at binuksan n'ya ang kamay n'ya. Nawala na ang espada. Nagbow s'ya at umupo na. "Ikaw naman Blake."
Bumuntong hininga muna si Blake bago nagsalita. "Kaya ko din ang ginawa ni Hikari. At ang pinakagusto ko sa ability ko ay eto." He snapped his fingers at may lumabas na portal sa tabi n'ya. Dumukot s'ya dito at paglabas ng kamay n'ya may hawak na s'yang libro. "Dimensional storage ang tawag ko dito."
"Sino nagturo sayo n'yan?" Tanong ni Blaze sa kanya.
"Self study." He said with a shrug.
"Ikaw yung may gawa ng madilim na part sa kwarto natin?" Tanong ko.
"Yeah, dati buong kwarto ang meron eh since may roommate na ako tinanggal ko na ang na sa part mo." Sabi n'ya. "Kaya kong lagyan ng dilim ang buong cafeteria kung gusto ko."
"Di ka ba nahihirapang makakita sa dilim? Natisod tisod ako kanina dun sa kwarto eh." Sabi ko.
Umiling s'ya bago sumagot. "May night vision ako. Kasama yon sa ability ko." Sabi n'ya. "And last is, teleportation. I can travel massive distances with the use of shadows."
Nakakabilib. Tatlo pa lang silang natatanong ko namamangha na ako. Pano pa kaya yung sa elemental manipulators?
"Mana manipulators na ang next." Sabi ni Geo.
Ano ba ang pwede kong itanong kela Kian?
A/N: Huehue nakaupdate din. 😂 Dapat kahapon pa 'to eh. Nadelete nga lang ang una kong nitype. 😭 May clue dito sa chapter na 'to kung panong hindi nababasa ni Lian ang isip ni Kian.. Huehue :3
BINABASA MO ANG
Extraordinary (ON GOING)
FantasyNoong una, maayos naman ang buhay ko kasama ang Mommy at Daddy ko.. Pero di ko inaasahan, na dahil sa isang pangyayari, malalaman kong hindi ako ordinaryong tao.. Dahil ako ay isa palang PSYCHIC.. Ang hirap paniwalaan diba?! Kahit ako nagulantang ng...