Chapter 12: An encounter

119 5 0
                                    

Shin's POV

Parang nagulat pa s'ya sa tanong ko pero ngumiti din s'ya agad. Nginingiti ngiti nito?!

"Sa tingin mo?" Nakangiti pa din n'yang tanong. Tss. Tinanong ko s'ya tos tatanungin din ako? Loko ba 'to?

"Uh, telepathic ka din?" Sagot ko.

"Hindi pwedeng mana manipulator na nga ako tos telepathic pa." Napapantastikuhan n'yang sabi. "My mom is telepathic."

So? Eh ano kung tele-- AH! Alam ko na!

"Naglagay yung mommy mo ng psychic shield sa isip mo?" Biglang tanong ko sa kanya.

"You got it!" Sabi n'ya.

"Ah. Okay." Kaya pala hindi nababasa ni Lian isip n'ya.

"Sige Shin, punta na ko sa room ko." Paalam n'ya.

"Sige, salamat sa pagsagot." Tinanguan lang n'ya ako at lumakad na s'ya.

Pumasok na din ako sa kwarto namin. Nakita ko si Blake na nakahiga sa kama n'ya na parang starfish. Medyo kita pa naman s'ya kahit madilim sa part n'ya. Tulog ata? Humiga na din ako sa kama ko at nagpagulong gulong.

"Gusto mo manood?" Napbangon ako nung narinig kong nagsalita si Blake.

"Anong papanoorin?"

"Gusto mo Deathly Hallows?" Tanong n'ya.

"Sige." Nice. Fan din s'ya ng Harry Potter?

"Pakisalang na lang Kuya, bili muna ako ng makakain habang nanunuod." Sabi n'ya at pumasok na s'ya sa portal na ginawa n'ya.

Pagbalik n'ya nanuod na din kami.

7:30 na kami natapos manuod dahil pati part two pinanuod na din namin. Dahil gabi na, nagdinner na din kami sa cafeteria. Buti na lang marunong gumawa ng portal si Blake kundi malayong lakaran na naman.

"Uwi na tayo?" Tiningnan ko si Blake na nasa tabi na ng portal n'ya.

"Una ka na, maglalakad lakad muna ako." Tinanguan n'ya lang ako at pumasok na s'ya sa portal.

***

Lumabas na ako sa cafeteria at naglakad lakad na. San ba ko pupunta?! Tss. Makalipad na nga lang. Habang lumilipad ako patingin tingin ako sa paligid. Napapalibutan pala ng gubat yung academy? At may bakod pala 'to na gawa sa wire. Lumipad ako papunta sa bakod malapit sa dorm namin.

"Ang taas pala nung bakod." Napatingin ako sa gubat nang may narinig akong kaluskos. Pinagkibit balikat ko na lang yon at lumakad na pabalik sa dorm. Lumipad na lang kaya ako? Ang layo pa eh.

Napalipad ako ng di oras dahil may humawak sa paa ko. Pagtingin ko sa ibaba may tao do'n galing sa ilalim ng lupa. Sino ba 'to?! Bumaba na din ako at hinarap yung galing sa lupa.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya. Pero imbes na sagutin ako, nagpalipad s'ya ng isang malaking boulder. Umikot ako at pinalipad ko yung boulder pabalik sa kanya. Hinati n'ya lang ito sa dalawa at hinagis palikod.

"Ikaw ba yan Geo?" Di ko kasi makita yung mukha dahil nakacloak s'ya. Di n'ya ako sinagot at naghagis ulit s'ya ng mas malaki pang boulder. Nakakainis naman 'to ayaw sumagot! Nag-ipon ako ng malakas na telekinesis blast sa kamao ko at sinuntok yung bato. Basag men! Isusunod ko ng basagin yung mukha no'n. Pero joke lang syempre.

Napalipad ulit ako nung biglang may nagbato sakin ng fireball galing sa likod ko. Buti na lang mabilis reflexes ko. Tss.

Hinarap ko yung nagbato nung fireball. "Oh? Sino ka naman?" Tanong ko naman sa kanya. Hindi din s'ya nagsalita. Mga pipi ba 'to?! "Ayaw n'yo magsalita? Fine."

Lumipad ako ng mabilis palapit sa kanya habang nakaamba ang kaliwa kong kamay para suntukin s'ya. Susuntukin ko na dapat s'ya pero pader na ginawa nung earth manipulator yung nasuntok ko. Nabasag ko yung pader. Lugi naman ako! Dalawa sila! Magkatabi na ngayon sila at parehong nakangisi sakin. Tss. Bibig lang kita ko eh. Ba't nga ba lumalapit ako? Pwede ko naman silang birahin ng malayuan. Nagkatinginan pa sila nang bigla akong sumuntok sa hangin katapat nung earth manipulator.

"Hahaha! Anong sinusuntok mo d'yan? Mahina ka nam--" Naputol ang sinasabi nung fire manipulator dahil nilingon n'ya yung  tumalsik n'yang kasama. Napangisi naman ako. Sinong mahina? Mahina your face! Nagpalabas lang naman ako ng telekinetic blast sa kamao kaya tumalsik yung kasama n'ya. Ni-practice ko din 'to dati. Kaya ko ng maglabas ng telekinetic blast kapag sumusuntok ako o sumisipa. Boses pa lang nung lalaki sure akong hindi sila Blaze 'to.

Lumingon sakin yung lalaki, nanlalaki yung mata n'ya. Tinapat n'ya sakin yung dalawa n'yang kamao at naglabas s'ya ng malakas na apoy do'n. Para s'yang may flamethrower. Gumawa ako ng force field sa harap ko para di ako tamaan nung apoy n'ya at lumakad ako palapit sa kanya. Nagulat siguro s'ya dahil hindi gumagana sakin yung apoy n'ya kaya mas nilakasan n'ya pa yung paglabas ng apoy n'ya.  Dinoble ko yung force field na ginawa ko para hindi n'ya masira.

Pagkalapit ko sa kanya. Hinawakan ko yung mga kamao n'ya at tinakpan yon ng force field para walang kumawalang apoy. Nginitian ko s'ya at tinanong.

"Sasabihin mo na ba kung sino nagpadala sa inyo dito?" Hindi s'ya sumagot kaya nag-ipon ulit ako ng telekinetic force sa kamay ko at hinigpitan yung pagkakahawak ko sa kamay n'ya. Napasigaw s'ya sa sakit, kaya binitawan ko na din. Naglabas ako ng malakas na force at binaon ang mga kamay at paa n'ya sa lupa para hindi n'ya magamit ability n'ya.

Naglakad naman ako palapit sa earth manipulator na nakasalampak pa din. Napatingin s'ya sakin at nagulat s'ya. Naglagay s'ya ng  malaking pader na gawa sa lupa na tumakip sa kanya. Sumuntok ulit ako sa hangin at may lumabas na telekinetic blast sa kamao ko na sumira sa pader na ginawa n'ya. Nakaupo pa din s'ya do'n at nilapitan ko s'ya. Pinalutang ko s'ya palapit sakin gamit lang ang eye movement, nakasunod lang sa kanya yung tingin ko.

Pag laruan ko kaya 'to? Napangisi ako sa naisip ko. "Kunwari bato ka at earth manipulator naman ako." Nanlaki yung mata n'ya nung maisip kung ano yung gagawin ko sa kanya. Tumingin ako sa taas at pinalipad s'ya pataas. Ang lakas sumigaw ng loko. Hahaha! Nakatingala lang ako sa kanya. Ibagsak ko na kaya? Inalis ko yung force na nagpapalutang sa kanya at hinayaan s'ya bumagsak. Pffft. Nang malapit na s'ya sa lupa pinalutang ko na ulit s'ya at nilapit sakin.

"Magsasalita ka na sigu--" Naputol ang sinasabi ko dahil may naramdaman akong gumahi sa braso ko. Pag tingin ko dito dumudugo na 'to. Nilingon ko yung mga bagong dating. Isang may bow and arrow at isang may spear. Sino naman 'tong mga 'to?! Pero hindi sila mga mukhang tao. Mukha silang gawa ng isang mana manipulator. Mga knights in blue and black armor? Pffft.

***

A/N: Wahehehe. Mild palang yung labanan part dito. Ang pangit ata nang narration ko. XD

Yan! Alam n'yo na kung bakit hindi nababasa ni Lian isip ni Kian!

And.. Yon, first day palang ni Shin may nakalaban agad s'ya. Huehuehue XD

Extraordinary (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon