Shin's POV
"Hello!" Masiglang bati sa amin ni Hikari.
Bumati din naman kami sa kanya. Lumingon s'ya sa akin at nginitian ako.
"Hi Kuya! I'm Hikari Dela Cruz! Ano po pangalan n'yo? Kayo po ba bago naming member?" Sunod sunod n'yang tanong sa akin.
"Ah. Shinitchi Ashford. Shin na lang. Oo ako nga yung bago n'yong member." Sabi ko sa kanya.
"Ooooh! Pogi ang bagong member!" Kumikinang kinang pa ang mata n'ya nung sinabi n'ya yan. "Telekinetic po kayo diba? Sample po."
"Ah. Sige." Ano ba pwede kong palutangin?
"Shin ayun oh! Yung mga metal balls. Yan talaga ang ginagamit ng mga telekinetic pag nagpapractice." Sabi ni Lian sakin. Tiningnan ko ang tinuturo n'ya. Umm. Mga bolang kulay silver na kasing laki ng bola ng basketball.
Tinaas ko ang kamay ko na parang naka-'arms forward' at isa-isa kong pinalutang yung mga bola mula sa lalagyan. Anim na bola ang pinalutang ko sa ere at pinagtabi tabi ko 'to. Pinaikot-ikot ko 'to hanggang magform s'ya ng circle.
"Ang galing!" Pumapalakpak na sabi ni Hikari. Pagkatapos kong paikutin ang metal balls binalik ko na 'to sa lalagyan.
"Ikaw? Ano ability mo?" Tanong ko sa kanya. Pagharap ko sa gawi n'ya liwanag na lang ang nando'n. At agad din itong nawala. Pati si Hikari wala na do'n.
"Photokinesis ang ability ko Kuya." Medyo nagulat pa ako ng marinig ko ang boses n'ya sa bandang likod ko. Paglingon namin nando'n s'ya at pangiti ngiti pa.
In a snap of a finger wala na ulit s'ya sa kinatatayuan n'ya. Kay Blake naman kami napalingon ng magsalita 'to.
"Baba." Monotone na sabi ni Blake. Nakapiggy back ride pala sa kanya si Hikari.
Nice. Ang bilis. Speed of light.
"Ayaw." Tumatawang sabi ni Hikari.
Biglang parang naging anino ng malaking ibon si Blake. A raven to be exact. Napunta yung anino sa lapag at humahaba s'ya papunta sa tabi nila Sky. Lumitaw do'n sa tabi nila si Blake. Teleportation siguro?
"Aray. Ang bad mo talaga." Nakangusong sabi ni Hikari kay Blake habang hinihimas ang parteng nasaktan. Bumagsak kasi s'ya nung pagkateleport ni Blake. Saglit s'yang tiningnan ni Blake at umiwas na ng tingin.
Base sa ginawa ni Blake kanina. Umbrakinesis ang ability n'ya.
"Tara. Punta na tayo sa cafeteria. Gutom na ko." Lumapit na pala si Blake kay Hikari at tinutulungan n'ya ng tumayo ang huli.
"Oo nga. Kain na tayo." Aya samin ni Lian. "Tutal napakilala na kita sa lahat."
"Una na po kami. Hanap na po kaming table ah." Sabi ni Hikari. Gumawa ng portal si Blake at pumasok silang dalawa do'n. Naglakad na kami palabas ng training building.
"Ay! Unahan tayong pumuntang cafeteria!" Napalingon kami kay Sky ng magsalita 'to. Nagpalabas s'ya ng hangin na nakapalibot sa paa n'ya hanggang bewang. Para s'yang sirena pero hangin ang buntot n'ya at hugis ipo-ipo 'to.
"Sige!" Sabay na sagot nila Geo at Blaze.
Nagpalabas si Blaze ng apoy sa magkabila n'yang paa para makalipad. Bale parang rocket. Si Geo naman nagpalutang ng malaking earth disc at do'n s'ya sumakay. Nagmanipulate naman si Zy ng tubig na galing sa drainage. Ginawa n'ya yong malaking alon at do'n s'ya sumakay. Malinis ang tubig. Yun siguro talaga ang ginagamit ng mga water manipulator. Gumawa naman si Yumi ng pabilog na platform at do'n s'ya tumuntong. Gawa 'yon sa mana n'ya kulay pink 'to at medyo makapal.
BINABASA MO ANG
Extraordinary (ON GOING)
FantasiNoong una, maayos naman ang buhay ko kasama ang Mommy at Daddy ko.. Pero di ko inaasahan, na dahil sa isang pangyayari, malalaman kong hindi ako ordinaryong tao.. Dahil ako ay isa palang PSYCHIC.. Ang hirap paniwalaan diba?! Kahit ako nagulantang ng...