Summer belongs to you

129 3 3
                                    

Payn's Note: Ayun po, tinry ko lang. Hindi po talaga ako magaling sa ganito kaya sorry po . :( At saka, salamat po pala kay Ate Kyamii sa pagpayag. ^_^ Sa kanya po yung "Paradiso del Fierro." (Yung place po na namention dito) <3

****

Summer belongs to you

"Konataaaa!!"

*knock knock knock*

"Konata! Pag di ka lumabas diyan, bobombahin na kita!"

Ihh. Ayaw pa ko pakawalan ng kama ko. Ito na nga lang ang kasiyahan ko eh. Ang tanging ginagagawa ko ngayong summer. Ay hindi pala, magcomputer din.

Real talk. Ang talagang gawain ngayong vacation. Summer: Kaiin, Tulog, Computer. Malayong malayo sa sinasabi nilang, "Summer: Swimming, Outings, etc."

"KONATA IZUMI!! Papasukin na kita! Isa.. Dalawa.."

Napilitan akong bumangon at tumayo. Kasi kahit anong gawin kong takip ng unan sa tenga ko at talukbong ng kumot, wala parin.

Binuksan ko na ang pinto at hinarap ang nakabusangot na mukha ni Nagi. Humikab pa ko sa tapat niya para inisin siya lalo. Neh. Para sabihing inaantok pa talaga ako.

"Hulaan ko, nakalimutan mo." Sabay grin ni Nagi.

"Nakalimutan ang alin?" Tanong ko naman.

Bilang pagsagot ay meron siyang itinapat na papel sa mukha ko at agad ko naman itong binasa.

 'Seirin Middle High Summer Outing: Summer Power sa Tag-init

April 32-May 2, 2014 // Paradiso del Fierro // Dept. 9AM - Mamita Int'l Airport

Pinaaalahanan ang lahat: Attendance is a must'

"15 Mins. Wait ka lang." Sinara ko na ang pinto at nagsimula nang maghanda. Pero napatigil ako dahil may nakalimutan akong itanong. Agad ko namang binalikan si Nagi na hanggang ngayon ay nakatayo padin sa tapat ng pintuan ng kwarto ko.

"Naligo ka ba?"

Mukha naman siyang natawa sa sinabi ko. "Malamang hindi na! Swimming 'to teh. This is the power of summer. Hintayin nalang kita sa labas. Babush!"

Pagkaalis naman niya ay bumalik na ako sa pagiimpake at ready nang umalis.

****

"Bonjour Students. Welcome to Paradiso del Fierro. Enjoy." Walang kabuhay buhay na sabi ni Ms. Mikasa. Nandito na nga kami ngayon sa PDF kung saan gaganapin ang outing.

"Syempre summer kaya dapat magenjoy lang tayong lahat, Ito na ang time para magrelax. Naku, alam niyo ba maganda daw talaga dito. Lalo na yung kulay blue na dagat na napakalinaw tapos yung pinong-pinong puting buhangin. Tapos madami pang mga resto, may chocolate, dress, souvenir at kung ano-ano pang shops. At meron pa daw malaking anime shop. Iniisip ko palang, gusto ko na agad puntahan lahat. Sana pwede tumira dito. Anyway, ano pa bang hinihintay niyo? Tara naaaa!!" High na high na sabi ni Pres. Haruhi.

Pero teka.. Ano daw? MALAKING ANIME SHOP? Heaven! Hindi na ako makapaghintay, papasok na ako! *u*

Pagkapasok na pagkapasok namin eh, tilian dito, tilian doon. Jusme, halos magwala na nga lahat ng mga babaeng classmates at schoolmates ko. Pati nga ata teacher namin eh. Paano ba naman, ang sumalubong samin samin eh mga lalaking nag-huhula. No, hindi lang basta mga lalaki. Hot at gwapong mga lalaki, ang Iwatobi Swimming Club. Sila din daw yung magtuturo sa mga hindi marunong lumangoy. Panigurado yung iba diyan, kahit marunong lumangoy eh magkukunwariang hindi para maturuan. Nako, mga para-paraan.

Habang nakatitig pa sila sa mga lalaking yun ay naglibot libot na ako. Dapat nageenjoy, hindi nakatunganga. Noong napadaan ako sa isang chocolate shop eh nakita ko naman sina Aisaka at Takasu na palabas. Nagtatalo ata sila. Kailan nga ba hindi? Mukhang nakita nila ako at tumigil tapos nilapitan nila ako. Sinabi ni Takasu na halos napasok na daw nila lahat ng mga chocolate at cake shop dito at hindi pa daw nabubusog si Aisaka. Samantalang buong summer daw eh kumain lang nang kumain ang ginawa niya. Paliwanang naman ni Aisaka na gusto lang daw niya itry yung iba. At nagaway ulit sila. Iniwan ko na sila dun at umalis na. At ipinagpatuloy ko na ang adventure ko.

Kung sino-sino na nga nakikita ko eh. Pati si Janet Napoles nakita ko na. Joke lang. Habang naglalakad ako, nakasalubong ko naman si Charlotte Helene Orleans. Full name talaga. Mwahaha. Ayun, nagbabasa padin. Pero ang nakakagulat eh ang babaeng hindi palakwento ay kinwentuhan ako na nageenjoy daw siya sa pagbabasa at yung lang daw ang nagooccupy ng buong summer niya. Hindi pa ba halata yun? At umalis na nga siya, baka daw may book store dito. Nako. Atsaka (Taiga) bakit kaya sinasabi ng mga tao mga pinaggagagawa nila ngayong summer? Nakakabaliw.

"Konata! San ka ba nagpunta? Tingnan mo oh, ang daming mabibili sa souvenir at sa dress shop!" Masayang sabi ni Nagi. Lemme guess, pagshshopping naman ginagawa nito buong summer.

"Teka, nasaan na si Hayato? Sabi ko hintayin lang ako sa labas. Nakuu~Baka nahila nanaman nung Hinagiku Katsura na yun. Grr. Sige na Konata, magsolo ka na dyan ay may hahanapin pa ako."

At tuluyan na nga siyang umalis. Bumalik na ako sa may entrance at yung nga, nageexplain na sila. Pagkalagay daw ng mga gamit sa cabin eh pwede nang magswimming. Tas do what you want na daw. Hurray! Pero ang cool, kasi japanese-style yung mga cabin. Sana nga talaga pwede tumira dito. Hayy.

Dali dali akong naglagay ng gamit sa cabin. Pinaayos ko na kay Shana yung gamit ko at umalis na. Lahat ng meron sila, pinuntahan ko. Sinulit ko talaga lahat. Swimming here, swimming there, at kung ano ano pa hanggang sa mapagod. Bumalik ako sa villa ng gabi na at saktong dinner na, Nagsalo salo kaming lahat tapos nagkwentuhan at natulog na.

Ganoon lang ang nangyari sa tatlong araw. Lahat kami umuwi man ng pagod, nagenjoy naman.

Siguro nga eh parang iisa lang ginagawa natin tuwing summer. Pwede naman tayong gumawa ng ibang bagay at magenjoy. Pero kahit ano pa man yan, nasa sa'yo yan. Kasi.. Summer belongs to you.

****

Payn's Note: Kaloka po yung last part. Mehehe. Yun na po yun. Sorry talaga. Huhuhu. Pati po pala dun sa kakornihan. Arigatouuu~ *bows*

Summer belongs to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon