Prologue

224 4 0
                                    

Nabuhay ako sa panahong wala pa ang teknolohiya, walang WIFI, SMART PHONE, mas lalong walang mga social media sites na unti-unting lumalason sa isipan ng mga tao sa panahong ito.

Ang panahon ko ay puno nang dedekasyon kung ikukumpara sa ngayon, mga hayop sa sakahan ang kasama namin maghapon, matiwasay na namumuhay ang lahat sariwa ang hangin na malalanghap, malinis ang kapaligiran maging ang mga ilog at dalampasigan, luntian ang lahat ng kabundukan, napakasarap ang mabuhay sa ganitong lugar.

Ngunit ito ay nagbago nang ang mga dayuhang mananakop ay nagsimulang sakupin at angkinin ang lahat ng pagmamay-ari natin ang buong nayon aming nasasakupan at di pa nakuntento gusto ang buong Pilipinas ay mapailalim sa kanilang kapangyarihan ang matiwasay at tahimik na pamumuhay ay napalitan ng takot, hinagpis at pagdurusa.

Ang buong bayan ni Juan ay nagkaisa sa iisang hangarin kung noon ay mairaos lamang ang pamilya at may ilatag na makakain sa hapag, ngayon paghihiganti ang nangingibabaw sa bawat isa, nagkakaisa na ipaglaban ang kasarinlan at iwan nang mga mapang-api ang bansang Perlas ng Silanganan.

Paano kung ang ipanaglalaban kong kalayaan ay syang maging mitsa nang pagbabago sa buhay na maaari kung tahakin sa di inaasahang pagkakataon. Sa bagong mundo na malaki ang pinagkaiba sa kinagisnan ko. May maidudulot ba itong pagbabago upang makamtan ko ang tagumpay sa adbukasiyang ipinaglalabanban ko at ng mga kababayan ko, O isa lamang itong panibagong parusa sa mga lihim kong paghihiganti sa sumira ng pamilya ko. Paano ko mapagtatagumpayang iligtas ang huling miyembro nang aming pamilya ko nabubuhay ako sa mundong tanging sarili lamang nila ang mahalaga para sa kanila, at pati ang tadhana ay sinusubukang paglaruan ang kapalarang matagal nang nakahain sa akin.

Lahat ba nang mga taong makikilala ko ay may malalim na kaugnayan sa buhay ko o kaya ko lamang sila makikilala ay dahil upang matutunan ko ang mga leksyong kailangan ko para mapagtagumpayan ang niluluto kong plano sakaling makabalik ako sa mundong dapat kong kalagyan.

Pahina man ang PagitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon