Kabanata 2 : Ponciano: Ang Pinagmulan

118 0 2
                                    

Tahimik at Payapa na namumuhay ang aming angkan maging ang mga taong aming nasasakupan. Masaya naming hinaharap ang bawat umaga puno nang pag-asa na matutupad ang bawat panalangin hinihiling sa maykapal bawat gabi bago sumpungin nang antok.

Hindi maikakailang marangya ang bayang aming tinitirahan mayaman sa mga taong handang isakripisyo ang kasiyahan para lamang sa trabaho, mga likas na yaman na tanging sa bayang ito lamang matatagpuan mga tituladong tao na nagtapos sa ibang bansa at mga mamamayang malalim ang pananampalataya sa Poong Maykapal.

Nagmula ako sa pamilya ng mga makapangyarihan kaya bata pa lamang ay inihahanda ko na ang sarili buhay na pwede kong kaharapin dahil wala namang ibang magmamana nang kayamanan ng aming angkan kundi ako at ang nakakabata kong kapatid na si Mayumi dalawa lamang kaminb magkapatid at pareho kaming nasa kolehiyo ako ay nasa ikaapat na taon samantalang sya naman ay nasa unang taon pa lamang sa University of Sto. Tomas kursong Pilosopiya at ako naman ay Medisina.

Marami nang pagkakataong na kinukuwestiyon ni ama ang kursong aking kinuha dahil wala naman daw itong kinalaman sa pamamahala ng Negosyong maaari niyang iwanan sa amin, pero ito talaga ang itinitibok ng aking puso ang tulungan ang mga kababayan kong hindi kayang tustusan ang pagpapagamot sa sarili. Kung tutuusin hindi ko na kailangan pang pag-aralan iyon dahil bata pa lamang ako ay alam ko na ang pasikot-sikot ng negosyong kanyang pinapalakad. Kaya anu mang oras ay alam ko sa aking sarili na handa ako at pwede ko namang katuwang si Mayumi kung sakali.

Kahit na marangya ang aming pamumuhay ay alam namin kung paano pakitunguhan ang mga taong mas mataas o mas mababa sa amin maging ang mga taong nakakatanda sa amin ay alam namin kung paano sila irerespesto dahil ito ang pangunahing kautusan ni Ina bago sya sumakabilang buhay maging si ama ay hindi kami nakakalimutang paalalahan sa mga ganitong bagay, dahil upang kami ay mahalin ng mga taong nakapaligid sa amin. Natutuwa sila dahil alam daw nang aming pamilya kung paano ang makipag-kapwa.

Maging ang mga lupa at mga kagamitan sa pagsasaka na sa ami'y isinangla ay malaya pa ring ipinagagamit ni ama sa mga dati nitong may-ari ang rason niya aanuhin niya pa ito kung napakarami na naming kagamitan. Ipinapagamit niya ito nang walanh hinihiling na kapalit basta ay susunod lamang sila sa napagkasunduan sa tamang oras ng pagtubos.

Kaya naman maraming tao ang talagang mahal na mahal ang aming pamilya. Sa ganito pa lamang na kapaligiran ay napakasarap nang mamuhay, walang katumbas na salapi o anu mang bagay sa mundo.

Magmula nang pumanaw si ina ay si ama na ang tumayong Ina at Ama sa aming magkapatid hindi nakakalimot na paalalahanan aming magkapatid sa mga tamang kilos at bagay na aming gagawin. Hindi sinabi ni ama kung anu bang dahilan ng biglaang pagpanaw ni Ina. Ilang araw lamamg matapos syang mailibing ay biglaang nawala ang mga kapatid nitong babae maging ang kanilang ina. Dahilan upang maging laman kami ng usap-usapan sa aming nayon, wala naman kaming maibigay na kongkretong detalye patungkol sa ganap ma iyon. Hanggang ngayon ay isa pa rin itong misteryo sa amin.

Matapos ang trahedyang iyon ay isa na namang trahedya ang naganap noong ako'y nasa unang taon sa kolehiyo sumabog ang sasakyang sinasakyan ng Pamilya ni Ama Dahilan upang ilang araw na hindi napalakad ng maayos amg negosyong sa kanya'y naiwan.

Tanging ang nagbigay na lang sa kanya ng inspirasyon ay kami kaya nag-aral kaming mabuti para makalimutan na nya ang trahedyang naganap.

Hanggang sa mga sandaling ito ay wala pa ring balita si ama sa kung anong totoong nangyari sa aming angkan.

Walang permanenteng bagay na mabubuhay sa mundo lahat ay hiram na dapat alagaan
-FutureSelf-

Follow me on

Tweeter

@zheetan

Instagram

@jalhitzs

Facebook

BagongHenerasyonNgManunulat

Thank you!

Pahina man ang PagitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon