Kabanata 5: Modernong Mundo

22 0 0
                                    

"Sana ikaw na ang taong bubuo sa buhay ko, matagal ko nang ipinapanalangin sa maykapal na makita at mahagkan ka, Panghabang buhay na ligaya sa piling mo sana'y isang katotohanang walang walang halong kasinumgalingan, Ang taong papawi sa nag-aalab kong pag-ibig, sana'y sa aking pagmulat ikaw na ang katabi.'

Kapag ang mundo'y umayon sa iyong kagustuhan, ano mang balakid ang kaharapin sa bandang huli alam mong magtatagumpay ka pa rin.

Marami ang nagsasabi na kapag mayroon kang gustong makamit sa buhay araw-araw mo lang ito isa puso at gumawa ng aksyon nang naaayon sa iyong sa iyong hinahangad.

Wala naman daw kasing masama ay makulay na pangarap basta alam mo lang na posible itong matupad balang araw.

Umaga na naman at isa lang ang ipinapahiwatig nito, kailangan mo na namang makipagsapalaran sa panibagong buhay na ibinigay sa atin. Maganda man o hindi ang maging resulta ang maganda ay sinubukan mong labanan ang problemang araw-araw na lang sumasabay sa oras mo.

Ang matinding traffic ay pangkaraniwan na lang sa lahat, ang pagpila sa LRT/MRT ay di na rin bago, kailangan mong gumising ng maaga para lang mauna ka sa pila at maagang makarating sa iyong distenasyon pero kung mamalasin ka bigla na lang titigil ang tren sa kalagitnaan ng pagtakbo, maaga ka ngang nakasakay kailangan mo naman lakarin ang kahabaan ng sky way na tren para marating ang susunod na station hindi para mag-antay ng tren, kundi ang bumaba at maghanap na lang ng ibang masasakyan.

Lahat naman siguro naiintindihan ang sinasabi ko dahil alam nating nabubuhay na tao sa modernong panahon, panahon kung saan amg kahat ng bagay ay nakukuhana na lang natin ng madalian.

Hindi katulad noon kailangan mo talagang magbaon ng pasensya dahil sa bagal ng transportasyon noon masuwerte na talaga tayo dahil dito tayo sa modernong panahon binuhay.

Naisip ko lang paano kaya tayo mabubuhay kung hanggang ngayon hindi pa rin tayo umuunlad at nasa mundo pa rin tayo classical na panahon na kailanga mo pang mag-antay ng ilang buwan para lang matanggap ang sulat na ipinadala sa iyo. Paano kaya kung walang tren, walang di gasolinang sasakyan, walang cellphone, walang WIFI at kung anu-ano pa, kakayanin mo kayang mabuhay ng matagal?? Malang oo kasi nabuhay ka sa ganoong panahon, pero kung ikaw na nabuhay sa contemporary life malamang hindi ka tatagal.

Kasalukuyan ako ngayong nakapila sa LRT going to U.N avenue at pagdating doon ay kailangan ko uling sumakay ng jeep para naman makapunta sa trabaho. Ganito na ang araw-araw na takbo ng buhay ko, bahay +trabaho+ bahay= pagod, pero dati may singit sa formula bahay+ trabaho +boyfriend+ gala+ bahay =Masaya, pero matagal ba yun mga ilang buwan na rin mula nang maghiwalay kami di nya kasi maintindihan na isa sa mga priority ko ay ang pamilyang nag-aruga sa akin kailangan ko sila matulungan kapalit ng pagkupkop nila kahit na may problema natural lang yun sa isang inampon lang.

Pababa na ako ng hagdan ng U.N station nang bigla na lang akong kausapin ng isang babae siguro matanda lang sa akin ng anim na taon, " tanggalin mo ang galit sa iyong pagkatao Hija ito ang magiginv susi ng isang kaganapang pagsisihan mo sa huli, matagumpay ka pero hindi ka masaya dahil sa nangingibabaw na galit sa iyong puso."

Napakunot lang ako sa sinabi niya! Alam kung technology age na ngayon pero uso pa rin pala ang mga ganyang hula. Siguro kung hindi lang ito naka-formal na kasuotan mapagkakamalan ko syang bagong labas sa Mental, sorry for the word kasi ang weird niya. Araw araw naman akong dumaraan dito pero ngayon pa lang nangyari ang ganito sasalubungin ka ng isang weird na babae at papayuhan kang magpatawad ano kaya yun.

"Miss pasensya di ko po kayo kilala" sabi ko na pilit umiiwas na tumingin sa kanya kasi nakaharang sya ngayon sa daraanan ko pababa ng hagdan, para akong nakikipag-patintero sa kanya di ko namamalayan na nakakasagi na ako ng ibang tao. Nakakahiya na rin kasi "Miss pwede nyo na po akung padaanin kasi po may pasok po ako!" at dali dali kung kinuha ang baon kung tinapay sa bag at inabot sa kanya

"ito po tanggapin niyo na po baka gutom po kaya" pero hindi manlang kumilos ang babae bagkus ay patuloy lang syang nakatitig sa akin kaya natatakot na rin ako kaya nagdesisyong tumakbo na pababa at ramdam ko na habang pababa ako ay nakatitig pa rin sya sa akin, nang marating ko ang baba ay tumingin ako sa direksyon ng kinatatayuan namin para tiglan sya pero nakita ko syang naglalakad na papanik ng LRT station.

Mukha naman matino yung babae kung makakasalubong mo lang pero kakaiba yung ginawa nya grabe! Napansin ko na nakasuot sya ng maayos na damit pang-itaas kakulay ng mga trabahador sa LRT station, siguro dito yun nagtatrabaho.

Nagpasya na akong maglakad at kakimutan ang lahat nagtungo ako sa sakayan ng jeep at another pila naman ang kailangan kong sagupain. Umaga pa lang pagod ka na sa pagsakay pa lang kailan ba magbabago ang transportasyon sa Pilipinas, puro sariling kapakanan kasi ang inuuna ng mga opisyal kaya walang pag-unlad na nangyayari.

Pasalamatan ang kahit na maliit na biyayang natanggap dahil hindi lahat napagbibigyam
-FutureSelf-

Pahina man ang PagitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon