Kabanata 6: Simula ng Lahat

5 0 0
                                    

Saktong oras naman ako nakarating sa opisina, kaya kahit papaano'y medyo makakahinga ako kahit saglit bago ko simulan ang mga naiwan kong trabaho. Noong makapasok na ako sa room na pinapagamit sa akin binuksan ko ang aircon at umupo saglit kong ipinikit ang aking mga mata normal na to sa routine ng trabaho ko para maayos ang takbo ng isip ko. Narinig kung may kumatok at biglang bumukas ang pinto

" Ma'am Jess Good Morning po pinapatawag po kayo ni Sir ASAP daw po." Sabi ng secretary

" O.K susunod ako aayusin ko lang ang gamit ko."

" sige po" at agad syang lumabas

" Anu na naman kayang trabaho ang idaragdag niya sa'kin alam ko na kapag pinatawag niya ako sa office nya may bago na naman trabaho syang ibibigay" napabuntong hininga na lang ako kasi wala naman akong magagawa kasi kapag tumanggi ako baka ako na naman ang mapag-initan ng management.

Nang matapos ko nang maayos angga gamit ko sa pag-gawa ng blue print ay lumabas na ako at nagpunta sa 3rd floor kung saan ang office ni Mr. Del Carmen. Nagpasya akong mag-elevator na lang nakakapagod naman kasi kung maglalakad pa ako nakakapagod na nga yung nangyari kanina sa LRT. Pumila ako at habang nag-aantay ako ay kinuha ko ang cellphone at tinignan ang kung may message ba! Wala kaya naglaro na lang ako ng Candy Crush para naman ma-relax wala naman ako sa office ko kaya hindi ito violation sa employee handbook.

Nang bumukas ang elevator ay agad kaming nagsipasukan at napwesto ako sa pinakabungad

"Good Morning Ma'am Jess." Bati sa akin noong elevator operator

Noong isasara na niya yung pinto ay isang pamilyar na mukha ang nasagip ng mata ko di ako pwedeng magkamali sya yun, yung babaeng kumausap sa akin kanina sa hagdan ng U.N station, pero bago ko pa maihakbang ang paa ko palabas ng elevator ay bigla na lang itong sumara.

"Ma'am may problema po ba??" Tanong noong operator di na ako sumagot bagkus ay nagpatuloy na lang ako sa paglalaro ng Candy Crush. Nang makarating ako sa 3rd floor ay dumeretso na ako sa office ni Mr. Del Carmen, kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto at sumalubong sa akin ang secretary niya na tumawag sa akin kanina.

"Ma'am Jess kanina pa po kayo inaantay ni Sir "

Nagtuloy tuloy ako sa paglakad papunta sa table ni Boss.

"Sir bakit niyo po ako pinatawag?" pamugad kong tanong sa kanya.

"Miss Benites, may bago akong ibibigay sa'yong trabaho alam kung di ka na makakatanggi kaya ikaw ang pinili ko, may bagong construction site akong ipinapagawa sa Laguna ikaw sana ang gagawin kong construction manager. "

"Sir Masyado yatang malayo"

" Madadagdagan naman ang sahod mo, pwede kang namang magpadala sa pamilya mo rito kung yun ang inaalala mo"

"Sir kasi kailangan ako ng mga kapatid ko"

"Jess nanjan naman ang nanay mo, responsibilidad niya yun hindi ikaw"

"Pero Sir" pagpapatuloy ko at bigla syang nag-salita

"Jessica ikaw lang ang pwede kung pagkatiwalaan sa bagay na yun" pagpupumilit ni Mr. Del Carmen

" Sir pag-iisipan ko po muna!!" Sagot ko sa kanya.

"Ikaw ang bahala, sana wag mo akung bibiguin Miss Benites."

"Sir May tawag po sa inyo, importante raw po." Biglang singit ng secretary niya

"Sige paki-connect sa line ko" sagot niya sa kanina pang aligagang secretary.

"Makakabalik ka na Jess sa Office kailangan ko nang malaman ang desisyon mo bukas" huling paalala nya bago ako lumabas.

Di nga ako nagkamali bagong trabaho na naman, pero iba to sa mga trabahong ibinibigay niya dahil ito kailangan kong malayo pansamantala sa mga kapatid ko, nakakaawa naman sila kapag nagkataon dahil baka lalo silang mapariwara dahil kay Mama na wala nang ibang ginawa kundi ang pahirapan sila.

Nang makabalik na ako sa office ko ay inayos ko na ang mga naiwan kung trabaho. Kailangan kung matapos ang iba rito bago matapos ang linggo.

------

Malapit na ang ika-siyam ng gabi dito ko malalaman kung handa na ba silang ipaglaban ang karapatang inalis sa kanila ng mga dayo. Matagal ko na ring gustong lipulin ang mga tampalasang mananakop na pilit na pinamumunuan ang aking inang sinilangan, wala silang karapatan tanging tayo lang ang may karapatan sa ating bansa.

Kailangan ko na ring gumawa ng kilos upang maipaghiganti ang pamilya ko mula kay Ina, Ama at sa nawawala kong kapatid na si Mayumi.

Isang lalaki mula sa kabundukan lalong nagpapadilim sa kalaliman ng gabi ang puso niya binalot na ng galit dahil sa masasamang pangyayari sa kanyang buhay wala na siyang kinikilalang panginoon kundi ang sarili niya hanggang saam aabot ang ganito niyang buhay.

Hindi masama ang magtanim ng galit, basta alam mo lang kung hanggang saan ang limitasyon at kailan mo dapat ilabas ang kinikimkim mong galit na walang maaapektuhang sinuman.
-FutureSelf-

Comment

Pahina man ang PagitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon