Chapter II - Althea

79 2 2
                                    

        "Hello Mae! Ano nga ba ulit line up ng gig natin mamayang gabi?" sambit ni Althea sa kausap niya sa cellphone habang nakaupo sa kanyang study chair at nag-iisip para sa bago niyang composition. Ikiniling niya ang kanyang ulo upang ipitin ang cellphone sa kanyang leeg at nagsimula na itong isulat ang line up ng kanilang gig. "Uy, salamat ha. Kita kits na lang mamaya pards, heheh." At ilang sandali pa ay ibinaba na niya ang kaniyang cellphone.

        Siya naman si 'Althea' o April Joy Reyes, totoo niyang pangalan. 'Althea' ang ginagamit niyang screen name bilang isang musician.

        Mahilig siya sa musika. Katunayan niyan ay ang mga instrumento na naipundar niya. Meron na siyang complete set ng drums, isang organ at keyboard, isang bass guitar, dalawang electric guitar at syempre, hindi mawawala ang pinakapaborito kanyang acoustic guitar na pinalamutian niya ng red na bulaklak sa kaha nito at may pangalan na Althea sa fret bar ng gitara. Pati strings nito ay personalized, kulay pula. Hindi mo masasabi na pula ang paborito niyang kulay.

        Marunong din siyang kumanta, at sa pagkakataong ito, naisip niyang gumawa ng sariling composition na kanta. Halos magmukhang music studio na ang inuupahan niyang apartment dahil sa dami ng kanyang instrumento.

        Labinwalong taong gulang lang si Althea pero marunong na siya sa buhay. Ang kanyang ama ay nasa ibang bansa para magtrabaho upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya nila. Ang kanyang ina naman ay sumakabilang buhay na dahil sa sakit na brain cancer.

        Nag-iisa lang dito sa Pilipinas si Althea at nangungupahan ng apartment sa Sta. Mesa. Estudyante siya sa umaga at musician naman sa gabi.

        "Aaaaahhhhh! wala akong maisip!" inis na sabi ni Althea habang kinakamot ang ulo. "Hindi ako makapagcompose." Padabog niyang inilapag ang hawak niyang lapis sa ibabaw ng bakanteng papel at dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig. MALAMIG na tubig.

        "Aaaahhhh!!! It's so refreshing! Mamaya ko na lang itutuloy ang ginagawa ko, wala talagang pumasok sa isip ko." Sabay tungo sa lababo para hugasan ang baso.

        Nagumpisa ng maghanda ng gamit si Althea para sa pagpasok niya. Ala-sais pa lang ng umaga ay gising na siya kahit alas-9 pa ang kanyang klase. Ayaw na ayaw niya kasi ang nalalate. Naniniwala kasi siya sa kasabihang "Daig ng maagap ang masipag".

        The usual morning routine ang ginagawa ni Althea. Naliligo, nagsesepilyo, kumakain ng almusal, at nagbibihis. Ang kaibahan niya nga lang ay hindi siya mahilig sa make-up. Ayaw na ayaw niya kasi ang maraming kolorete sa katawan lalo na sa mukha. Medyo boyish din kasi siya kumilos kaya halos panlalaki ang sinusuot niyang damit, mula sa loose shirt na red na suot niya pagpasok, sa maong pants na blue at chuck taylor na red shoes.

         Alas-otso pa lang ng umaga ay handa na siyang pumasok. Isinakbit na niya ang kanyang paboritong backpack na may design na Leopard skin at lumabas na ng kanyang apartment.

        "Maaga pa naman, hindi naman mainit, lalakarin ko na lang ito, heheh." Nakangiting nag-umpisang maglakad si Althea papunta sa school nila. Isang sakay lang ng jeep ang kailangan niyang sakyan papunta sa paaralan nila pero sa araw na ito, naisip niyang lakarin na lang ito. Hindi na kasi siya nakakapag-exercise dahil sa busy schedules niya kaya mas nililimitan na lang niya ang paglalakad kaysa pagsakay.

        Narating na ni Althea ang Gate 2 entrance ng school nila. Kinuha niya na agad ang kanyang I.D. na nasa backpack niya at agad na ipinakita sa lady guard. As usual, iniunat  ng lady guard ang kamay niya at hinarangan na naman siya.

        "Isuot ang I.D." mataray na sagot ng ladyguard. Masyado kasi itong mahigpit sa batas ng eskwelahan. Wala namang nagawa si Althea kundi isuot ito sa leeg niya.

        Akma na niyang isusuot sa ulo niya ang kanyang I.D. ng may mabilis na sasakyan ang bigla na lang sumulpot sa Gate 7 ng university at malakas na bumusina sa guardpost.

        "Yabang naman nun! Ingay na ingay! Akala mo siya may-ari ng school." Isinuot ni Althea ang I.D. niya at pinatuloy na siya ng guard.

        "Thank you po" sabay ngiti ni Althea sa ladyguard habang naglalakad.

        Ramdam ni Althea na kakaiba ang araw na ito. Hindi man niya alam pero malakas ang kutob niya.

Quote of the Day

          "...Huwag kang magmadali, sabi nga nila "The best things in life come to those who wait patiently..."

Love Song On Ride [ON-GOING SERIES]Where stories live. Discover now