Chapter 7

170 7 8
                                    

Jasper's POV

Andito ako ngayon sa convenience store kasama ang babaeng ito.

Ang daldal niya. Napaka daldal.

Halos naikwento niya na ata sa akin kung paano siya ginawa ng magulang niya at kung paano siya inilabas sa mundong ito.

Hindi niya pa naman nasasagot ang tanong ko.

Kumuha ako ng beer sa fridge at kinuhaan ko siya ng soda.

Pumunta ako sa counter para bayaran ito at bumalik kung saan kami naka pwesto.

Iniabot ko sa kanya ang soda at agad niya namang ininom iyon. Napailing naman ako.

"So bakit ba talaga aalis ka sa kompanyang iyon?" tanong ko muli

"Sir, kasi nga narinig ko kasi silang mga matatanda nag uusap. Na maduga yung may ari ng Real Estate na iyon tapos kailangan daw mas maduga sila. Kaya daw gagamit sila ng babae na mang aakit dun sa target nila. Nakalimutan ko pangalan nung may ari. Pero yung apelido po nun Dacuno po sir." sabi niya habang nilalaro yung bote ng softdrink

Tumango tango naman ako. How dare they.


"Sir, siguro pangit yung may ari nun. Tas matanda na, siguro mataba din yun tas kulu kulubot na ang balat. Tapos ano! May balbas! Yuckkkk!!! Ayoko sa may balbas!" tili niya

Napakunot naman ang noo ko. What the hell is she saying? Ako? Matanda na pangit?

At kung si Papa man ang idescribe niya. Wala din. Halos magmukha kaming magkaedad ni Dad kung hindi lang dahil sa bigote niya. My parents are ageless lalo na si Mama. Alagang alaga niya ang katawan at kutis niya kaya walang kupas ang kagandahan ng nanay ko.

Tinignan ko muli ang babaeng nasa harapan ko. She looks innocent.

Too innocent.

Kung alam niya lang na ang tinutukoy niya na matandang pangit ay nasa harapan niya ano kaya ang magiging reaction ng babaeng ito.

"Hala sir ba't ka po naka ngiti. May nakaka tawa po ba sa sinabi ko?" sabi ng babaeng madaldal

Hindi ko na palang namalayan na nakangiti ako. I dont know if that was the effect of the alcohol or the girl but either way I smiled. Wow.

Just wow.

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Hinila niya pababa ang hood ko at sumabog ang magulo kong buhok.

"Sir, ang gulo po ng buhok niyo. Wait lang po." sabi niya habang kinukuha ang bag na dala niya

Hinalungkat niya ito ng mga ilang segundo at biglang

"Tsyarannnn! Suklay!" sabi niya pa habang nakangiti


Bumalik siya ulit sa tabi ko at agad na sinuklay ang magulo kong buhok.

Hinayaan ko lang siya dahil mukhang nag eenjoy naman siya sa kaniyang ginagawa. She was humming while combing my hair.

Bigla siyang tumigil sa pagsuklay ng buhok ko kaya inangat ko ang ulo ko and boy, I wish I didn't.

Nagtama ang mga mata namin, and I felt something inside me. She looks like her, or is it just again my imagination.


No. No. G is not like that. She is not as bubbly as her.


And...


She won't smile at me just like that...


Because I broke her heart.



--------------------------------------------------------
Author's Note:

       Very Short Update. AaaaaAAAaa.
Andito pa ba mga readers koooo. AaaaaAAAAa. Thank you sa lahat ng comments niyo. Nakapag update din ako sa wakas. Nakita ko na kasi ulit inspiration ko kaya thank you so much po.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Insensible GangsterWhere stories live. Discover now