Perpektong Chapter 5

360 6 2
                                    

Chasten's P.O.V

"What the hell, arjay! Gusto mo bang ma-kick out?" tanong agad sa akin ni takehumi pag kadating ko sa mansion.

Kadadating ko lang from school i mean, sa likod ng school with althea. Bumungad agad sa akin ang nag aalalang mukha at na aasar na mukha ni takehumi. 

"Tama si tami,"pag sang-ayon ni arjay na naka upo sa sofa at naka cross arms,"hindi ka ba nag iisip? Pa'no kung makarating yun sa dean at sa principal? Anong gagawin mo?" tanong ni arjay sabay kuha ang magazine sa side table at binasa ito.

Nag pa palit-palit ang tingin ko between takehumi and arjay. Ano bang problema nitong mga 'to? Ba't parang alalang-alala sila sa akin? Wait... it means... importante ako sa kanila? Hahahahahaha. Na touch naman daw po ako dun. Mababait din pala 'tong mga mokong na 'to.

I crossed my arms and act like a brat.

"Ba't parang takot na takot kayong mawala sa akin?" i said and smirk at them.

Biglang napakamot sa ulo si takehumi at hindi alam ang sasabihin, habang si arjay naman ay napa hinto sa pag babasa at nanginig nalang .

"A-ah..e-eh..." nauutal na sabi ni takehumi 

"I knew it,"sabi ko.

"I knew it what?" tanong ni arjay

"Na hindi nyo ako kayang mawala, Am I right?"

"Malamang. Sino nalang ang mag tuturo sa akin sa math pag nawala ka?" diretsong sagot ni arjay.

" At tsaka sino nalang sasama sa akin sa pag go-grocery every week ends?" sabi ni takehumi "Buti kung maasahan ko yung isa dyan, kaso hindi eh, laging tulog." pag paparinig ni takehumi.

Muntikan na ako mahulog sa kinatatayuan ko ngayon. Ogag 'tong mga mokong na 'to, ginawa akong katulong/tutor nila. Kung pag umpugin ko kaya ang ulo nitong dalawang 'to ng matauhan? 

"Ako ba ang pinaparinggan mo ha,labo?" si Arjay

Labo ang pang-asar ni arjay kay Takehumi, naka eye glases kasi ito minsan dahil may sakit sya sa mata pero kahit ganun sya ay kinababaliwan parin sya ng mga kababaihan. At kahit naka-salamin sya ay makikita mo parin ang bilogan nitong mga mata na kulay tsokolate. 

"Bakit? Natatamaan kaba,kayat?" si Takehumi

Kayat naman ang tawag ni Takehumi kay Arjay, once na kasi naming nahuli ni Takehumi na kumakayat ang laway ni arjay habang natutulog kaya simula nun tinawag nya nang kayat si Arjay. At ako. Ayokong maki sali sa kanilang away -_-.

"Aba! Halika dito! Suntukan, baka hindi ka makatama sa akin sa sobrang labo ng mata mo," asar ni Arjay kay Takehumi.

"Wag na! Baka may natitira pang  bangas ng laway mo dyan sa pisngi mo, baka dumikit sa kamao ko pag sinapak ko," depensa naman ni Takehumi.

Perfect University- Chapter Six- POSTED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon