Perpektong Chapter 4

464 10 2
                                    

Chasten P.O.V

Mag isa lang ako ngayon dito sa mansion, wala kasi si takehumi, nag labas kasama ni arjay. Ewan ko dun sa dalawang 'yun, away bati. Daig pa ang aso't pusa kung mag away. Daig pa ang mag kapatid kung mag harutan. At higit sa lahat. Daig pa ang mag katipan, laging mag ka-dikit. 

Mas close sya kay arjay kesa sa akin. Kasi naman, since elementary mag ka kilala na sila! 

By the way Eto nga ako, nag iisa dito sa mansion. Nag self study ako ng gitara ko habang naka upo dito sa sofa sa salas. Nasa kala-gitnaan na ako ng song ng biglang tumunog ang aking phone na nasa tabi ko. Dinampot ko ito't tiningnan ang screen. Nakit kong natawag si takehumi, agad ko itong sinagot at inilapat ang cellphone ko sa tenga ko. 

"Bakit, bro?" tanong ko

"Punta ka dito sa school," ang kanyang sagot.

"Mag aano naman ako dyan?" tanong ko

"Pa'no mo malalaman kung hindi ka pupunta dito," sabi ni takehumi na may nasasabik na boses.

Naririnig ko ang mga boses ng mga estudyante sa school at mukhang na palirit sila. At ang iba naman ay tawang-tawa. Nakikinig ko rin ang mga sigawan na tulad ng "Boo!","Binayagan na 'yan!". Ano kayang meron sa school ngayon? Mabuti pa ngang pumunta ako, kesa tanong ako ng tanong dito sa sarili ko. 

Tumayo ako sa pag ka ka-upo't umakyat sa aking kwarto. Isinabit ako ang gitara ko sa likod ng pinto at tsaka ang palit ng damit. After that, lumabas na ako ng bahay at nag madaling pumunta ng school. Ano ba kasi itong gustong ipakit nung mokong na 'yun? Pati ako nadamay. Tsk. Pustahan, isa na naman 'tong malaking kalokohan. At mag kasabwat dito si arjay at si takehumi.

***

School~~~

Nang maka rating ako sa gate ng school ay natanaw ko agad ang mga nag kakagulong ibang estudyante. May mga estudyanteng nag tatakbuhan para makita kung anong meron dun. Narinig ko ang isang sigaw na para bang humihingi ito ng tawad.

"Am sorry, hindi ko naman sinasadya eh. Pasensya na."

Boses iyon ng isang babae, at pamilyar ang boses nun sa akin. Hindi ko lang maalala kung kanino ang boses na 'yun, pero narinig ko na yun eh. Argh!! Memory gap! 

Mas lalong dumami ang tao duon, mukhang isa nang away ang nangyayari dun. Narinig ko mula dito ang pag sigaw ng isang babae na nag mamaka-awa.

"Aray! Wag mo akong subunutan. Sorry kung nadagil ko ang cofee na hawak mo, hindi ko naman sinasadya eh."

"So anong pinapalabas mo ngayon? Na ako ang may kasalanan kung bakit nabubuo ang cofee na hawak ko at tumapon ito sa uniform ko? "

"Hindi naman sa ganun kas-"

"Ayun naman pala eh! Eh di ikaw nga ang may kasalana."

Nag madali akong tumakabo para makita kung sino ang mga nag aaway. Kinuhit ko ang isang lalaking isa sa mga naka palibot sa nag aaway. Lumingon ito at kinuhit ang katabi hanggang sa nag pasa-pasa na. 

"Hala si chasten andito.."

"Oh my gosh! Andito si chasten!" 

"Girl, andito sya!"

Lahat sila nag make a way para padaanin ako. I just usedmy chrams para hindi na ako maki pag siksikan. Nag lakad ako pa papalpit sa nag aaway. Hanggang makita ko si althea na gulo-gulo ang buhok at naka upo sa lupa at nakita ko ang kanyang pag hagulgol ng iyak habang ina ayos ang buhok. At akmang sa sampalin ito ni melissa- ang die hard fan ko na felling naman ay close kami. Isang issue ang lumabas sa buong school dail sinabi nyang kami na at mariin ko yung itinanggi sa harap ng maraming tao. Isa sya sa Perfect Maldita dito sa school at anak sya na itinuturing na isang witch dito sa country namin, anak sya ni Madame Dorithy. No wonder na ganyan ang kanyang ugali. Aaminin ko maganda sya pero ang ugali nya, kabaligtaran ng mukha nya. 

"Sinong may sabing saktan mo ang girlfriend ko, Melissa?"

Napatingin sa akin ang si Melissa at kitang-kita sa mukha nya ang pag kagulat at sa sobrang pag kagulat nya ay nabitawan nya ang hawak nyang libro. At ang lahat ay napa nganga. 

"What? Girlfriend?"

"Wtf! Hindi pwede!"

"No!No way!"

At nanginginig ang bibig ni Melissa. 

"Cha-cha-chas-chasten?"

Nag cross arms ako.

"Yup, ako nga," mayabang kong sagot.

Unti-unti akong lumapit papunta sa kanila. Gusto ko lang 'tong takutin si Mellisa. At talagang si Althea pa ang kanyang binully ha? 

"Alam mo...hindi ko alam kung anong dapat gawin sa'yo. Kung sa-saktan kita o wag nalang. ang lakas din ng loob mong saktan si Althea, ag Girlfriend ko pa,"sabi ko kay Mellisa. 

Napatingin ako kay althea at nakita kong gulat na gulat sya, kinindatan ko nalang sya para iparating sa kanya na maki-sakay nalang. Lumapit ako sa kanya at tinulungan syang maka tayo. Habang itantayo ko sya ay bumulong ako sa kanya. 

"Maki-sakay ka nalang," bulong ko.

At tiningnan ko sya at tumango sya.

Muli akong humarap kay Mellisa.

"Sa su-sunod, kilalanin mo muna ang sa-saktan mo. At wag mo nang masaktan-saktan ulit si Althea or mahawakan. Hindi ako mag dadalwang isip na ipatalsik kita dito sa school," saad ko kay Mellisa.

At hinila ko palayo si Althea at pumunta kami sa likod ng school kung saan may malaking puno ng cherry blossom at duon kami nag usap.

"Ba't mo naman sinabi na girlfriend mo ako? Ni hindi pa nga tayo close tapos boyfriend na agad kita? "

"Alam mo, kailangan kong sabihin yun para hindi ka na nila saktan. Alam mo ba na kung sino man ang bago't hindi kilala sa labas ng Perfect University at pumasok sya dito ay magiging miserable ang buhay dahil sa pang bu-bully. At isa ka na dun," paliwanag ko sa kanya.

"Ah...ganun ba? Salamat ha? Pero, pa'no kung naka rating 'to sa dean?"

"Alin?"

"Na may gf ka at may bf ako, baka mapa-alis tayo."

Shit! Oo nga pala! Bawal nga pala ang may katipan dito sa school na 'to. Pa'no na 'to? Tsk. Hayaan mo na, gusto na din naman umalis dito sa school na'to. Bahala na si batman, ulit.

"Bahala na, basta mag pretend kang girlfriend kita para hindi ka nila saktan ha?" 

"Sige, sabi mo, eh. Salamat"

"Welcome. Sige aalis na ako, may gagawin pa ako sa bahay eh. "

"Sige, kita nalang tayo bukas. Boyfriend"

"Hahaha. Sige, girlfriend"

"Bye,"paalam nya.

"Bye din,"saad ko.

At umalis na ako dun at naiwan sya sa ilalim ng puno na ina-ayos ang sariling buhok habang nililipad ng hangin ang iba nyang buhok at nanlalagas ang mga dahon ng cherry blossom.

***

Pulubi's Note: Salamat sa pag iintay ng akin update. Sa mga nag tiis, kahit hindi ito maganda. Sa mga nag basa, kahit hindi ito kagandahan. Sa mga na curios dito, salamat sa inyo. Salamat sa mga patuloy na sumusuporta at nag iintay sa bawat update nito. Salamat sa lahat. Mahal na mahal ko kayo. Punta tayo sa story. Oh my Gosh, may girlfriend na ang gwapo. Pa'no na yan? Pa'no kung makaraing yan sa Dean ng school? Eh di ma ki-kick out sila? Ano nang mangyayari sa kanila? Abangan......

Next Update: Hindi pa alam. 

Perfect University- Chapter Six- POSTED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon