Perpektong Chapter 3

629 12 16
                                    

Chasten's POV

Naka ka-asar! Ang dami naming assignment ngayon! Buti nalang saturday bukas kaya may time pa akong gawin 'to. Kung ini-isip nyong assignment 'to sa Geometry, Chemistry, Englis, etc. Nag ka kamali kayo . Assignment namin ay sa subject na Modeling. Yup, modeling. Sa building namin, walang subject katulad sa mga ibang school. Sabi kasi nila, masyado na kaming matalino para mag-aral pa. Anong ginagawa ko dito kung hindi din naman kami tuturuan ng mga ganun? Marami pa akong gusto ma-discover katulad ng Evolution ng ipis, kung pa'no makikita ang hangin. Basta, ang dami! Kaya naman inis na inis ako sa mga parents ko dahil dito nila ano pinag-aral.

Nag lalakad ako ngayon sa daan papunta sa mansion namin na tinitirhan ng may isang babaeng naka-bike ang pa-palapit sa akin, gumegewang-gewang ang bike na kanyang sinasakyan. Wow! Ang galing nyang mag trick, idol ko na sya. Huminto ako sandali para panuorin sya...

"WAH!!!! AYOKO NA!!!" Rinig kong sigaw nya.

Hala! Hindi na'to maganda, mukhang hindi sya nag ti-trick. Mukha may sira ang bike nya. 

"KUYA, TULONG!!! WALANG PRENO ANG BIKE KO!!!"

Sh*t! Sabi na nga ba eh, may sira talaga ang bike nya. 

Agad kong nilapag sa lupa ang bag ko't humarang sa kanyang da-daanan.

"KUYA TABI, MABABANGGA KITA!"

"WAG KANG MAGULO! BASTA WAG KANG TUMIPA! AKONG BAHALA SA'YO!"

Mukha kaming nasa mag kabilang mundo sa sobrang lakas ng aming sigawan. 

At sinunod nya ang sinabi ko, hindi sya tumipa. Patuloy ang pag andar ng bike sa isang palusong na kalsada kung saan ang daan papunta sa mansion namin, bakit ba kasi dito 'yan nag ba-bike? Alam na delikado dito dahil palusong ang daan dito pa nag ba-bike.

Bumwelo na ako para sa gagawin ko at kiniskis ang dalawang kamay at bumugtong hininga. Bahala na si Batman....

" Kuya!!!!!!"

Ayan na sya.....

Malapit na....

And gotcha!

Agad kong nahawakan ang unahan ng bike at pinigilan ito sa pag-andar, medyo na pa-atras ako nga konti pero nag tagumpay naman ako sa akin plano na sagipin 'tong babaeng 'to.

Halatang nanlalambot ang babae ng bumaba ito sa bike at agad na napa-upo dito sa kalsada. Halata ding hingal na hingal 'to dahil ang lalalim ng kanyang pag hinga at sunod-sunod ito. Nilapitan ko sya't inabutan ng panyo, pawis na pawis kasi sya. Syempre, gentleman naman ako. 'Di tulad ng ibang tao dito sa school, masyadong mga mapang-mata't walang moral. 

Itinaas nya ang ulo nya dahil nakatungo ito't inabot ang panyo at ngumiti.

"Salamat pala," sabi nya sa akin.

"Walang anuman," sabi ko sabay ngiti.

Inabot ko ang aking kamay sa kanya at nakita ko ang pag tataka sa kanyang mukha.

"Para sa'n 'yan?"

"Tumayo ka dyan, madumi," sabi ko

Napangiti sya't pinatong ang kamay nya sa palad ko't tinulungan syang makatayo. 

"Maraming salamat ulit"

"Wala 'yun, basta sa su-sunod mag iingat ka sa pag ba-bike lalo na sa part na'to masyadong delikado."

"Pasensya na, bago lang kasi ako dito eh." At bigla syang napatungo.

"Ayos lang. Welcome nga pala dito sa Perfect University, no wonder na napunta ka dito dahil ang ganda mo."

Perfect University- Chapter Six- POSTED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon