The Flower That We Saw That Day (Secret Base)

82 2 0
                                    

  Alam natin sa ating sarili na balang araw ay magkakaroon tayo ng mga kaibigan na proprotectahin tayo at mamahalin tayo ng buong puso .! 

   Walang tao sa mundo ang walang kaibigan at mamumuhay ng walang karamay sa pag-iyak , sa pagtawa at maging sa kahuli-hulihan ng ating buhay 

  Eh pano kung ang isa mong kaibigan ay lumipas na pero bumalik bilang isang multo para lamang makamit ang kanyang kahilingan para sa kanyang mga kaibigan at para sa isang taong pinakamamahal niya .?

   Ito ang istorya ng anim na magkakaibigang lumuha sa pag-ibig at lumuha para sa kanilang pagkakaibigan , nagsisi , at tumupad para lamang sa iisang kahilingan ng kanilang kaibigang lumipad na sa langit .

"The Flower That We Saw That Day" That gives the true meaning of Friendship and Love .

                Si Oliver Yap .! AKA "Oliver"  Ang Leader ng grupong Super Peace Buster . Isang Pogi na bata , matalino at talentado pagdating sa pagtugtog ng gitara kaya't siya ang ginawang leader .

   Maangas din siyang pumorma kaya maraming nagkakagusto sa kanya . Simple lamang ang buhay ni Oliver .Si Kuya Joshua at Ate Jannah ang magulang ni Oliver . Mabait ang kanyang mga magulang sa mga bata at Masipag din sila kaya minsan naiingit din ang kanyang mga kaibigan sa kanyang magulang .

   Nagkakagusto din siya kay Lucy pero hindi halata at parang kapag pinagusapan ito ay nahihiya at magagalit siya .

              Si Allen Angelika .! AKA "Gelay" .! Isang mahinhin at matalinong bata  pero kapag magalit ay sobra kaya lagi silang mabait sa kanya . Siya ang tagatingin ng kanilang laro kung magiging maayos ba at maganda ang kalalabasan .

  Siya ang kanilang "Food Tank" ng grupo nila para lagi silang may pagkain . Mayaman ang pamilya nila Gelay . May tindihan sila sa baba ng kanilang bahay at ang taas nila ang kanilang kuwarto kaya minsan sa kuwarto nila Gelay sila naglalaro .

    May gusto siya kay Ralph pero nahihiya siyang ilabas ito .

              Si Vince Catangay .! AKA "Vince".! Ang Best Frenemy ni Oliver pagdating sa kalokohan at pakitanggilas . Batang Super Bibo at ang "Joker" ng Grupo at mahilig din kumain ng marami .

   Kabaliktaran siya ni Oliver , Cute siya kasi Chubby siya pero madungis siyang tignan . Mabait , mapagbigay at matulungin din si Vince sa kanyang pamilya maging sa kanilang grupo .

    Kahit na medyo corny ang joke niya basta mapatawa niya lang si Bebot . 

           Si Reyvelyn Bataan .! AKA "Bebot" .! Ang Super Kikay ng grupo .! Maganda , pacute at mahilig magpa-"TwinTail" ng buhok . Mahilig Pagandahin ang bawat makita niyang pangit at mahilig maorganizado ng mga gamit .

    Lagi siyang nagmomodel-modelan kasama sina Lucy at Gelay . Magaling din siya Magadvice tungkol sa pag-ibig pero single . Maraming Libro tungkol sa Love at maraming videogames .

    Kahit na ganyan siya kaganda , hindi pa rin siya napapansin ni Oliver at friends lang talaga ang turing ni Oliver sa kanya .

             Si Ralph Quinones .! AKA "Ralph" .! Ang "Matured Mind" ng grupo .! Pogi , Matalino , at Formal kung magsalita at magsuot ng damit . Mainitin ang ulo at Chinito . Gagawin ang lahat para lamang makuha ang gusto niya .

    Minsan may pagka"KillJoy" at minsan naman "Go With the Flow" ang pagiisip .

    Hindi niya nagugustuhang maging leader si Oliver at nagseselos siya kapag kasama ni Oliver si Lucy . Para siyang stalker pagdating sa Love .

The Flower That We Saw That Day (Secret Base)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon