Chapter 1:
(Normal P.O.V.)
It was like any other day sa buhay ni Patrick Corpuz. Boring.
Kahit na isang Third year college student pa lamang sya ay madami na itong napagdaanan sa buhay nya. Daig nya pa ang mga matatanda pag dating sa ilang bagay at karanasan.
At katulad ng ibang araw sa buhay nya, andito nanaman ang barkada nya. Ang Usboys.
Ang Usboys ay isang grupong binubuo ng apat na lalaki. Kabilang dito si Lloyd Aragon, ang pinakagago at pinakamatanda, Si Boggart "Boggs" Perez, clown ng grupo, Si Joax Torres, ang chinitong leader ng grupo, at si Patrick Corpuz, ang pinakabata sa kanilang lahat.
Boggs: Sino nanaman yang iniisip mo men?
Pat: Ha? Wala 'to. Bakit?
Lloyd: Lutang ka nanaman dyan e. Tignan mo. Kanina pa nagpapacute yung mga babae sa'tin pero tulala ka pa rin.
Joax: Oo nga Pat. Wag mo sabihing may nabuntis ka kaya ka ganyan.
Pat: Asa. Mauuna kang maging ama.
Tumawa ang apat.
Joax: Gago. Pero seryoso. Ano bang iniisip mo?
Lloyd: Pustahan. Si Danie yan.
Boggs: Gago. Si Mycs yan.
Lloyd at Boggs: Si Paula!
Pat: Pola kasi bigkas hindi Pa-u-la. Speaking of Paula, Joax, Musta na kayo ng Pao mo?
Joax: Mejo okay naman.
Yung tatlo: Bakit Mejo?!
Boggs: Natural, nagtalo nanaman. Selos sa mga chicks ni Joax.
At habang patuloy na nag-uusap ang tatlo, nagligaliw nanaman ang utak ni Pat. Parati itong ganito kapag may iniisip.
Iniisip nito ang boring nyang buhay. Kung bakit sa paglipat nya ng College ay nakaapekto sa relasyon nila ng ex nya. Kung bakit may mga nag hack sa mga gov't websites. Kung bakit nakaupo sya sa tambayan nilang coffee shop kasama ang tatlong 'to. Kung bakit ang galing ni James Assange, creator ng Wikileaks. Kung bakit puro bakit nalang ang nasa isip nya.
Pero syempre, ang pinaka malupit sa lahat, Kung bakit nya hinayaan ang sarili nyang umasa sa isang babaeng katulad ni Paula de Castro.
Tama si Boggs. Si Paula (Pola) nanaman iniisip ni Pat. Isang linggo na pala ang nakakaraan pero umaasa parin si Pat na magttext sya.
Pat's P.O.V:
*bzzt bzzt*
1 New Message
Fr: Lyanne
Oy bes. Nasan ka na ba? Magsstart na yung klase sa loob ng 5 mins. Baka gusto mong pumasok dito paker ka. Alam mo namang mainit ka dito sa prof nating bading. MAGREPLY KA.
Prof?
Prof?
AY SHT. YUNG PROF NA BADING NA GALIT NA GALIT SAKIN KASI PINAHIYA KO KASI MALI YUNG LECTURE NYA.
Napatayo na lang ako bigla sabay hablot ng bag ko pati yung take out ko para kay Lyanne.
Joax: Uy Pat! Anong problema mo?!
Pat: Sibat na ko. Yung prof na bakla yung sunod ko e.
Lloyd: Alin? Yung prof na binara mo kasi mali yung lecture tapos pina office ka pa pero nung pinaliwanag mo sa Dean nyo, ikaw yung tama?
Pat: Oo. Yun nga. Sige. Una na ko. Text nyo ko kung may lakad mamaya. Sunod nalang ako.
Tumakbo na ako sa kotse ko.
Pag kapa ko sa bulsa ko...
Sht. Asan yung susi?!
Pag lingon ko, nasa likod ko si Joax. Hawak yung susi.
Joax: Tanga ka forever.
Pat: Kaya mo nga ako kaibigan diba?
Joax: May 4 minutes ka pa.
Pat: Thank you.
Hinablot ko na yung susi ko at tumakbo sa kotse.
Buti hindi traffic.
Pagdating ko sa hallway, nasa kabilang dulo yung prof ko, at since may galit sya sakin, alam nyo ginawa naming dalawa?
Nag-unahan kami sa room.
At dahil mabilis akong tumakbo, naunahan ko sya.
Prof: Mr. Corpuz!
Pat: Yes Prof?
Prof: Dean's office. NOW.
Pat: Sir, wala po akong ginagawang mali.
Prof: Now Mr. Corpuz!
Inilapag ko muna yung bag nya at iniabot yung Take out kay Lyanne.
Lumabas ako ng classroom at sinundan ko si Prof demonyo este Prof. Mondemon sa Dean's office. Umupo muna ako sa labas.
*bzzt bzzt*
1 New Message
Fr: Lyanne
Thank you sa take out. :* Thank you din pala sabi ng mga kaklase natin. Niligtas mo daw sila kay Mondemonyo.
Reply.
To: Lyanne
Gago. May bayad yan. Walang anuman. Tambay na ko sa Dean's office. Mukhang mapapahiya nanaman si Mondemonyo.
Send.
Sumandal muna ako sandali at pumikit.
Naramdaman kong bumukas yung pinto. Sumara rin agad. At may umupo sa tabi ko.
Tinignan ko ito sandali. Ah. Si Jane Abalos pala. 4th year. Mechanical Engineering. Pano ko sya nakilala? Abangan sa susunod na chapter.
(AN:// New story kahit di pa tapos yung isa :))
I'll try to update at least every Friday :)
I plan this to be a short story only.
No hate just love :)
BINABASA MO ANG
L.L.L.
Teen FictionIsang lalakeng playboy. Isang babaeng manhater. Magkakatagpo ang landas ng dahil sa isang magazine ad. Ano kayang magyayari sa kanila? Lalo na kung napupuno sila ng... kalibugan.