UNDYING LOVE

39 3 0
                                    

Chapter 1

"Love conquers all."
Walang pinipili ang pagmamahal. Wala itong pinipiling lugar at oras, dahil kusa itong dumarating sa di inaasahang pagkakataon.

Marami mang sagabal o hindi sang-ayon sa pagmamahalan ninyo, hindi pa rin ito sapat upang kayo'y sumuko at tumigil nang magmahal.

Fvck the age gap. Fvck the nationality differences. Fvck the gender basis. Fvck the manner of living status. Fvck their different beliefs. Fvck them all. Do what makes you happy. There's NO discrimination in the name of Love. We are all capable of loving someone.

But in contrary, "Forever doesn't exist" in love.

Oo, lahat pwedeng magmahal pero hindi lahat binibiyayaan ng happy ending.

Polka Dayan's POV

Alas nuebe na ng gabi nang matapos ako magshower. Naupo ako sa harap ng salamin at saglit kong pinakatitigan ang aking repleksyon. Inabot ko ang suklay sa ibabaw ng lamesa at sinimulang ayusin ang aking buhok. Hindi ito purong kulay itim dahil nahaluan ito ng kulay abo na mas lalong bumagay sa hugis bilog kong mukha. I was blessed when it comes to beauty. I have well-shaped brows, long and thick eyelashes, pointed nose, and thin red lips, with a fair skin complexion. Gising ako nang magpaulan si God ng kagandahan. I was about to finish combing my hair when my eyes landed on my finger, the ring in particular.

Agad kong binaba ang hawak kong suklay at pinakatitigan ang suot kong singsing sa daliri. I lightly caressed the rim of the ring with my eyes locked on its stone, sparkling in the dimly lit of the lamp. It was so beautiful. I miss him already. I missed the person who gave me this. I miss Sean.

Tatlong buwan na ang nakakaraan ng magproposed ito sa akin. Yes, I'm already engaged with him. And I didn't expect him to propose that soon.

Flashback 3 months ago

It was a day before our second anniversary when he asked me for a dinner date. Nung una napaisip ako kung ba't siya nag-aya dahil inaasahan kong sa susunod na araw pa ako nito yayayain kung saan araw ito ng aming ikalawang anibersaryo. Gustong-gusto ko ang ideyang magkakasama kami sa gabing ito dahil limited lang ang quality time namin para sa isa't isa.

I wore a simple yet comfortable dress that has a color of freshly-picked cherry, partnered with a peach colored stilettos and I coated my lips with a color of shade of blood lipstick. Inilugay ko rin ang aking mahabang buhok.
9pm na nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Sean, nasa harap na daw ito ng bahay. Sinipat kong muli ang aking kabuuang repleksyon sa salamin bago ako lumabas ng bahay.

Para akong nakakita ng isang modelo sa tapat ng aking bahay dahil sa ayos niya, nakapamulsa ito at bahagyang nakasandal sa Porshe niyang kotse. Nakasuot siya ng itim na long sleeve na bukas ang unang tatlong butones, pinaresan ng itim na slocks at itim na sapatos. The man in black. Damn, he's so fuckin' hot.

I smiled when our gazes met.Napatuwid ito ng tayo at bahagyang natigilan nang makita ako. Mariin ako nitong pinakatitigan at pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan. Para niya akong hinuhubaran sa paraan ng pagtitig niya. Damn.

"You look so damn beautiful tonight, Pumpkin. You never failed to amuse me." an overflowing love with a mixed of adoration was written in his eyes.

"As well as yours Pumpkin, you look so handsome tonight."

Napapikit ako ng halikan niya ang aking noo na lagi rin niyang ginagawa kapag magkasama kami.

"Let's go." inaya niya ako at pinagbuksan ng pinto. Inayos ko na ang seatbelt ko habang umikot siya at sumakay na rin.

"Where are we going?" tanong ko nang makalayo na kami.

Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon