UNDYING LOVE FINALE

29 2 1
                                    

Author's Note:

Last Chapter is up! Sorna. One shot lang talaga sana 'to kaso mahaba pala talaga siya. Kaya hinati-hati (not equally divided) ko nalang siya. 😄 Salamat sa pagbabasa.
Hope you enjoy reading!

--

Undying Love Finale

Dumaan ng napakabilis ang panahon, di ko namamalayang isang buwan nalang at magtatapos na rin ako. Natapos nang matagumpay ang aking final demo of teaching, at wala na rin akong ibang iisipin pa dahil natapos at naipasa ko na rin ang mga hinihinging requirements.

Isang buwan pa bago ang graduation, puro pagsasanay nalang ang gagawin namin. Nagagawa pa rin akong maisingit ni Sean sa kanyang mahigpit na schedule. Nagagawa pa rin niya akong ihatid at sunduin sa school. Kung hindi man, pinadadalhan niya ako ng iba't ibang klase ng bulaklak na lalong kinaiinggitan ng aking mga kaklase.

Bukod sa nalalapit kong pagtatapos sa kolehiyo, isang buwan nalang rin ang hihintayin para sa nalalapit naming pagpapakasal ni Sean. Isang buwan nalang at magiging isang ganap na akong O'Hara, opisyal na magiging misis ni Sean.

Alas singko na ng hapon nang matapos ang aming pagsasanay at kasalukuyan ko ng hinihintay si Sean dahil susunduin daw niya ako.

Mahigit sampung minuto na ang nakakaraan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Nagsimula nang kumabog ng malakas ang aking dibdib dahil hindi naman ito nahuhuli sa itinakdang oras ng pagsundo sa akin.

"Tara, di ka pa uuwi?" tanong ni Georgia nang madaanan niya ako.

"Susunduin ako ni Sean, pero hanggang ngayon wala pa siya." di mapalagay kong sagot habang inaabangan ko ang bawat sasakyang nadaan sa kalsada.

"Baka nahuli lang, natraffic ganun?" Sana nga..

Tinanggihan ko si Georgia nang sabihin nitong sasamahan na niya muna ako. Nagpaalam na rin ito dahil may dadaanan pa daw siya. Ngayon, mag-isa nalang akong nakatayo dito.

Nakailang text na ko sa kanya pero di pa rin siya sumasagot.

Kalaunan, nakatanggap ako ng tawag mula kanya.

"Hello, asan ka na ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Hi. Sorry pumpkin, di na kita masusundo ngayon. I'm on my way na para sunduin ka but unfortunately I received a call from my secretary, may urgent meeting akong dadaluhan." agad akong nakahinga ng maluwag dahil walang nangyareng masama sa kanya.

"Sa susunod sabihin mo agad sakin okay? pinag-alala mo 'ko."

"Okay, I'm so sorry sweetheart. I'll make it up to you, I promise. Goodbye for now, I need to hurry. I love you."

"Okay, I love you more." then the call ended.

Nagbuntong-hininga ako bago naisipang pumara ng taxi. Agad kong sinabi sa driver ang address ng bahay ko.

Ngunit di nagtagal nang bumalik ulit ang pagkirot ng aking dibdib. Napahawak ako dito at marahang hinihimas upang pakalmahin. Ano bang nangyayare sakin? Ngayon palang ako nakaramdam ng ganitong katinding kaba. Ano ba ang ibig ipahiwatig nito?

Naalarma ako sa biglang pagtunog ng telepono ko kung kaya't dali-dali ko itong kinuha sa loob ng bag ko. Si tita Viane ang tumatawag, mommy ni Sean. Napangiti ako dahil malapit ako kay tita Viane at gustong-gusto niya ako para sa anak niya. Agad kong sinagot ang tawag at ang ngiting nakapaskil sa aking labi ay agad napawi dahil sa mga hindi ko inaasahang salitang binitiwan niya.

Bumalik ang malakas na pagkabog ng aking dibdib nang marinig ang hagulgol ni tita sa kabilang linya. Kasabay ng pilit niyang pagbigkas sa mga katagang ito na naging dahilan ng tuluyang pagkadurog ng aking puso.

Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon