Chapter 8

384 24 14
                                    

Chapter VIII

Napalingon sina Sage at Bernice sa kinaroroonan nila Jace at Lucian. Agad na lumapit si Lucian kay Bernice at inakay ang dalagita palayo kay Sage. Si Jace naman ay iiling-iling lamang na umupo sa desk nito, binuksan ang laptop at itinayp na nito ang password nito.

“Luke! O pare! long time no see, uhm wait hindi ako manyak, babae ang lumalapit sa akin” ani Sage habang suot suot ang nakakaloka nitong ngiti.

“Wag mo ngang idagdag si Bernice sa mga babae mo” sabi ni Luke, hindi na maipinta ang mukha nito.

“Grabe pare,  ang oa mo naman hindi pa nga ako dumidiskarte e” natatawang sabi ni Sage, binalingan nito si Bernice “Are you free tomorrow? Wanna date?” tanong nito habang ngumiti ng pagkatamis tamis na kung ibang babae lamang ang makakakita’y sigurado na siyang mahihimatay sa kilig.

Nakikinig lamang si Jace habang tinitipa na naman nito ang keyboard ng laptop nito, maliban kasi sa pagiging Student council president ay isa rin itong sikat na blogger sa isang blogger site, ngunit anonymous ito roon. Binuksan nito ang isang mineral water na inilagay niya kaninang umaga sa desk nito, saka iyon itinungga.

“Hindi siya pwede may date kami bukas” ani Lucian

Biglang nasamid si Jace sa kanyang iniinom, patuloy lamang ito sa pag-ubo.

Dinaluhan ito agad ni Sage “ Oh Jace naano ka na?” anito habang hindi alam kung hahagudin ba nito ang likod nito kung ano.

Tinitigan lamang ni Jace ng masama si Sage at ipinagpatuloy na lamang ang paguupdate ng blog nito.

Nagkibit balikat lamang uli si Sage at pumunta sa sofa at muling ibinagsak ang katawan nito roon.

“Ahm Velicaria, tapos na kong maglinis, pwede na ba akong umalis?” tanong ni Bernice rito, kumapit ito ng bahagya sa laylayan ng damit ni Lucian na parang bata.

Nahinto sa pagtitipa sa laptop nito si Jace at tinignan si Bernice, napacold nitong tumitig “ Hindi” anito at saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

“Ano?” nakasigaw na sabi ni Bernice

“You Heard me I said no” sabi ni Jace na hindi man lamang siyang tinapunan ng tingin.

“Ano pa bang gagawin ko dito?” konti na lamang ay magwawala na si Bernice.

“Baby, easy” sabi ni Lucian at hinawakan ang kamay niya saka iyon pinisil.

Mukhang natauhan naman si Bernice at huminga ng malalim, kung hindi niya gagawin yun ay siguradong sasabog na siya sag alit.

“Ok, what do you want?” tanong nito, kinakalma pa rin nito ang sarili sa pamamagitan ng pagbukas sara  ng kanyang kamao.

Tinignan ni Jace sina Lucian at Sage, “please leave us alone, will you?” Jace asked, His voice was soft yet very cold.

Nagtinganan naman sina Sage at Lucian, isang salita lamang ni Jace ay tumitiklop ng mga ito, hanggang ngayon ay may galang parin sila kay Jonathan Christopher Velicaria ang dating leader ng Clave isa itong brotherhood pero ang alam ng lahat ay isa itong notorious gang na  may walong miyembro  sina: Jace, Dashiel, Alec, Lewis, Mase, Stephen, Sage at si Lucian. They all came from the most influential families in their place. They are breaking asshole faces and girl hearts since 1234.

Nagkibit balikat lamang si Sage at agad nang tumayo at lumabas ng pinto.

Tinignan ni Bernice kung susunod si Lucian.

“You don’t gonna leave me here, do you?” kinakabahang tanong ni Bernice kay Lucian.

“No can do baby, I’ll just be outside yell if you need me” ani Lucian at dinampian ng halik ang noo ni Bernice, kahit papaano’y nakaramdam si Bernice ng assurance na hindi siya maano.

I Love You Still  #1 (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon