Nag text siya para imbitahin ako sa birthday niya, casual lang, parang walang nagyari, ganoon .. nagdadalawang isip pa ako kung pauunlakan ko pero nanaig ang kagustuhan kong makita siyang muli... at sa bahay pa mismo nila, hindi pa ako nakadalaw doon sa kadahilanang ayaw niya...
Naghanda ako, bumili ng regalo, nagpabango sobrang kaba ko na hindi ko mainitindihan kung bakit, pero nandito na rin lang, ituloy na.
Sinalubong niya ako sa may labasan dahil hindi ko alam, walang namagitan sa aming usapan habang papunta sa bahay nila kundi ang "Happy Birthday" na bati ko at "Salamat" na sagot niya. Hindi ko rin naman magawang umpisahan ang pagtatanong dahil baka kako masira ko ang araw niya eh araw pa naman niya iyon.
Pinakilala niya ang mga bisita niya, hindi ko matandaan ang bawat isa kung kamag-anak ba o ano sa kadahilanang ang pakilala niya sa akin ay isang "kaibigan". Oo, kaibigan lamang, tumimo sa utak ko nang una niya nabanggit kung kayat nawala ako sa sariling ulirat at wala akong natandaan sa mga pinakilala niya.
Binigyan ako ng plato, siyempre alam ko naman parang robot kung anong gagawin, kakain, inaya ko siya na sabayan ako pero mamaya na daw siya. Nawala na siya, hindi ko mahigilap hanggang sa isang lalaki ang lumapit sa akin at tinanong ako sa pangalan ko, alam niya, at pagkatapos noon ay sinabi niyang gusto daw niya akong kausapin, inaya niya ako sa isang sulok ng bahay para lumayo sa ibang bisita, hindi ko siya kilala, at hinahanap ko pa rin ang may kaarawan sa gilid ng aking mga mata. Ano kaya ang pakay ng lalaking ito sa akin? Baka naman pinsan niya ito at concern sa relasyon namin ng pinsan niya, maaaring nakakatandang kapatid, o ano?
"Ako nga pala si Jon" ... tama siya ang pinsan niya, nabanggit niya lang sa akin iyon minsan ng lumalabas kami pero hindi ako nagbigay ng kung anong atensiyon sa kwento niya.
"I'm Jerry" ... pakilala ko sa aking sarili.
"Alam mo ba kung sino talaga ako? " ... sabi niya, nakangiti na hindi ko maintindihan, meron tiyak siyang gustong ipahiwatig...
"Oo, pinsan ka ni Leah di ba? " ... pagkukumpirma kong tanong sa kanya...
Natawa siya sabay sabi ... "Talaga naman ... , hindi ako pinsan ni Leah, ako ang kinakasama niya, magda-dalawang taon na kami..." banggit niya.
Nagulat ako at naguluhan, parang namanhid ang utak ko at medyo natakot sa sitwasyon ko, anlaking tao kaya ng kaharap ko...
Nakita niya siguro yon sabay sabing ... "Huwag kang mag-alala, hindi kita sasapakin o sasaksakin, tao kitang inayang makipag-usap kaya tao kitang kakausapin... " pagsisiguro niya.
Wala pa rin akong masabi... kaya siya ulit, "Sinabi niya sa akin ang tungkol sa iyo..."
Huh?? lalo akong naguluhan... "Gusto na nga niya akong hiwalayan ..."
"Ano ba ito?" sabi ko na lang sa sarili ko, hindi ko alam kung masisisyahan ako sa sinabi niya pero hinayaan ko na lang siyang magpatuloy...
"Siyempre hindi ako pumayag, akin siya." pagdedeklara niya
Ano pa bang masasabi ko ...
Nagpatuloy lang siya, isa pang nakagulo sa isipan ko ... "Aalis kasi ako kaya siguro siya ganyan, magpapakasal ako sa isa kong kaibigan na Australian citizen na, pero set-up lang yon, para makapunta ako doon, at pag nandoon na ako, saka ko siya kukunin... "
Naguluhan ako lalo sa sinabi niya, magpapakasal siya sa iba...
Tama, ito nga yung nabanggit ni Leah tungkol sa pinsan niya na magpapakasal nga daw pagdating ng nobya galing Australia, ngayon ko lang naalala ang detalye ng kinukwento niya iyon. Hindi naman kasi ako interesado sa "pinsan" niya at sa pakakasalan nito. Kaya pala niya ito nakwento, dahil may direktang kinalaman to sa kanya, sa amin, kung mayroong mang kami.
"Nagugulo lang siya dahil sa sitwasyon kaya siya siguro napalapit sa iyo, pero ako ang mahal niya at may plano kami .... " pagpapatuloy niya.
Hindi ko na natagalan ang lugar na iyon. Nagpaalam na ako at nagpaumanhin, hindi ko na rin hinanap at nagawang magpaalam kay Leah, dali-dali akong umalis ...
Hanggang sa pag-uwi ay hindi ko pa rin maiwasang umiling at sabihin sa aking sarili na maari palang mangyari sa akin iyon.....
YOU ARE READING
Ang Nobelang Walang Pamagat
RomanceAn unconventional love story in Tagalog. This is not a translation of "A Novel Without A Title" story.