Mayroon Ng Iba

141 0 0
                                    

Alam ni Cj ang lahat ng tungkol kay Lea at Jon. Tanggap niya, wala namang problema, maunawain siya, mabait at magaling magluto, iyon na ang kahinaan ko, wala kasi akong alam doon at mahilig akong kumain, kaya ayun, nagtagal kami. Sa ngayon mahigit pitong na taon na.

Sa una ay simpleng pag-add lamang sa facebook ang ginawa ko kay Lea, wala nga kaming gaanong palitan ng mensahe, kaswal na kamustahan lang. Alam niya na mayroon na akong matagal nang kinakasama at sinabi din niyang masaya siya para sa akin. Humingi rin siya ng tawad dahil sa nagawa niya dati. Hanggang doon lang— as so I thought. Isang araw ay binati ko siya sa chat at nagka-kwentuhan, sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang kausap ko siya, bigla ay ninais ko siyang makita at makausap ng personal. Nilakasan ko ang loob at nagtanong kung pwede kaming magkita. Sumagot siya at wala naman din daw siyang lakad pagkatapos ng opisina. Sa Makati siya nagtatrabaho, doon din ako— dalawang kanto lang ang pagitan namin sa Ayala avenue. Casual dinner for two old friends saksak ko sa isip ko. Pero sa likod nito ay di mawalang kakibang nadarama para sa kanya, siya pa rin ba?

Nagulat ako ng sinabi niyang sa bahay na lang niya kami magkita, ang akala ko ay lalabas lang kami at kakain ng hapunan at magkukwentuhan. Pero sino ba ako para tumanggi sa kanya? Sa Pasay siya nakatira, malapit lang sa Makati sabi ko sa sarili ko ay sandali lamang ito. Tinext niya sa akin kung paano makapunta sa kanilang apartment, bumili na lang ako ng pagkain naming dalawa kahit sinabi niyang merong pagkain sa bahay niya. Ayoko namang dumating na walang dala. Simple lang ang ayos ng apartment niya, kama kaagad ang makikita, studio type. Hindi naman daw siya nagugutom, iba ang tingin niya... hindi ko man lang siya nakamusta, hinalikan ko siya at gumanti siya na parang sabik na sabik sa akin. Alam ko na iyon ang iisipin ng lahat ng tulad ko pero iba talaga, dahil doon bumalik lahat lahat ng pagkasabik at naramadaman ko sa kanya noon, ganoon lang, suko na kaagad, marupok ako.

Sa pag-uusap namin pagkatapos (hindi ko na ie-elaborate yung pagkatapos ng alin), napansin ko ang pagbabago niya, mas mature na siya ngayon, matapang, mas liberal. Kinuwento niya ang nagyari kung bakit hindi na natuloy ang plano nila noon ni Jon. Mahabang usapin din, madaming nangyari pero in the end, it didn't work out— sabi nga nila. Hindi rin siya nakikipagbalikan sa akin o kung ano man. Masaya siya sa estado ng buhay niya ngayon, single, maayos na trabaho, maayos ang pamilya niya. Naghiwalay kaming na may ngiti sa aking mga labi, masaya ako para sa kanya.

Sa Quezon city kami noon nakatira ni Cj, hindi gaanong kalayuan sa Ortigas kung saan ako nagtatrabaho. Ngunit nagpalit ako ng trabaho at sa Makati na ako ngayon. Noong una ay walang problema dahil nakasanayan na, kakilala na din namin ang mga kapitbahay at kasundo din namin ang may ari ng apartment. Pero buhat ng makita kong muli si Lea at nabanggit niyang may bakanteng apartment sa compound ng inuupahan niya, nagkaroon ako ng maraming dahilan para lumipat ng malapit sa Makati. Kesyo malayo, mahal ang pamasahe, nakakapagod, etc. etc. Pero sa lahat ng mga rasong iyon, nasa likod nito ang isang rasong makasalanan, rasong gugulo muli sa tahimik ko nang buhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Nobelang Walang PamagatWhere stories live. Discover now