Limang Taon

155 0 0
                                    

Oo, limang taon, ganun katagal. Dapat sana'y hindi na lang din itinuloy at nagsimula na lamang sa bago. Pero sentimental akong tao, kaya gusto ko pa rin na ituloy 'to. Limang taong pagkakahimlay, maraming naganap, paano ko ba ito sisimulan. Marahil ay sa pagkwento kung bakit muling nabisita dito. Tama!

Curious din na ang huling nasulat ay tungkol sa taong aking muling nakadaupang-palad. Halos limang taon na din ang nakakalipas. Nakikita ko na siya sa facebookdati ngunit di ko tinangkang idagdag siya sa aking mga kaibigan... dahil siguro na natatakot din ako na baka hindi niya tanggapin ang paanyaya ko, ngunit matagal na rin naman na panahon na at iba na rin naman ang pagkakataon kaya sige add kung add.

Umpishan na nga muli ang pagpapaliwanag. Recap lang, ang huling nasulat ay tungkol kay Lea, na may iba pa lang ka-relasyon, si Jon, na paalis pala papuntang Australia para pakasalan ang kaibigan upang sa huli ay makuha din si Lea at doon sila magsama. Simple lang, pero kung na-involve ka at na in-love kay Lea, masakit din.

Simula noon ay hindi ko na sila ginambala pa, nagpatuloy ako sa aking buhay at nakatagpo rin ng isang minamahal, si CJ. Simple lang din ang pagkakilala namin ni CJ, pareho kaming galing sa isang nabigong relasyon, pareho din kaming nagkasundo na we'll just take it slow at malaya din siyang makipagkita o magpaligaw sa iba at ganun din ako, moderno pero di na rin kakaiba sa mga panahon ngayon. Hindi ko rin alam na baka sa kadahilanang hindi namin nililimitahan ang aming sarili sa isa't-isa ay mas malaya rin naming naihahayag ang aming damdamin, di lang sa isa't-isa o kahit sa ano pa mang bagay-bagay sa idolehiya, sa pamilya, sa trabaho at sa laha't-lahat na. Ngunit nakakalungkot ding isipin na ito rin ang dahilan kung bakit masyado na rin kaming at home sa isa't-isa, minsan para na nga kaming magkapatid, magkapamilya, sabi nga nila we're more than partners than lovers.

Nagsimula ang lahat ng aksidente kong makita si Jon sa Australia, ipinadala ako doon ng aking pinapasukang kompanya para sa isang training. At sa pagkalaki-laki ba naman ng bansang Australia ay nagkita pa kami doon, talaga nga naman ang tadhana mapagbiro, hindi mo alam kung anong gustong ipahiwatig at gustong mangyari. Hiwalay na siya sa kaibigan niyang pinakasalan doon ngunit wala pa rin doon si Lea, nagkahiwalay din pala sila. Ang sabi Jon ay mayroon din itong naging karelasyong iba ng umalis siya. Mayroon na din siyang karelasyong Australyana doon. Nakakatuwa din at civil din kaming nagkausap at nagkamustahan. Pagkauwi ko ay doon ako nag-decide na i-add si Lea hindi sa kung ano mang kadahilanan kundi pawang siya'y kamustahin lamang. Ngunit mabili ang mga pangyayari...

Ang Nobelang Walang PamagatWhere stories live. Discover now