LAST CHAPTER

3 0 0
                                    

Tanghali na kami nagising. Pano nga ba hindi tatanghaliin? Bukod sa magdamag na kami gising, magdamag din ang ulan. Ang lamig-lamig pa ng simoy na syang dahilan kung bakit ang sarap matulog. Para talagang may pumipigil saming umalis.

"Guys na-contact ko na yung service natin. Hapon pa daw tayo masusundo. Nasa talyer pa daw yung sasakyan ehh. Yung pinsan ko naman gabi pa magagawi dito."
Pagsasalaysay ko.

"Pano na yan? Magpapalipas pa tayo ng maghapon dito?"
Tanong ni Khai.

"Ano ba? Ayoko na dito. Umalis na tayo."
Sabi naman ni Mae.

"Oh mauna ka na. Simulan mo ng maglakad hanggang highway. Panigurado hapon ka din makakarating."
Singhal naman ni Gloann.

"Bakit pa kasi tayo pumunta dito ehh? Sabi ko na kasing dun na lang tayo samin."
Reklamo pa ni Mae.

Hindi na ko nakatiis kaya pati ako napuno na sa babaeng 'to.
"Alam mo hindi ka nakakatulong. Manahimik ka na lang at baka hindi kita matantya."

"Oh bakit lalaban ka?"

"Aba matapang ka ahh."

Magsisimula na sana ang riot kung hindi lang umawat si Aj.
"Wala mangyayari kung mag-aaway kayo at mas malalong hindi tayo makakaalis dito kung magsisisihan pa tayo.

"Tama si brad. Andito na tayo. Siguraduhin na lang nating walang mapapahamak."
Pagsang-ayon naman ni Khai.

Kumalma na ang lahat at sinimulan na ang pag-aayos ng nga gamit. Habang pilit na sumisilip ang haring araw sa likod ng maulap at madilim na kalangitan, lalo namang tumitindi ang takot ko. Lalo akong kinikilabutan. Parang nagmamatyag lang sya at naghihintay ng tamang pagkakataong umatake.

Nasa sulok lang kami malapit sa pool ni Aries. Pilit nya kong pinapakalma. Parang wala na kasing bukas ang panginginig ng katawan ko.
"Kasalanan ko 'to. Tama si Mae. Hindi na talaga tayo dapat nagpunta dito."

"Wag mo na nga pansinin yun. Alam mo naman ang ugali nun. Hapon na rin naman. Maya-maya andyan na ang sundo natin."

"Ewan ko ba mahal ko. Iba pa rin ang pakiramdam ko. Hindi pa rin ako mapapakali hangga't hindi tayo nakakaalis dito."

"Hmm. Tama na. Matatapos din ang lahat ng 'to. Tiwala lang. Ngiti ka na."

Pinilit kong ngumiti katulad ng sabi nya. Uso talaga ang sapilitan sa mga sitwasyon na 'to. Iwas tensyon na din at nerbyos, pero nawala din ang ngiti ko ng marinig ko si Aj.
"Guys nakita nyo ba si Madi?"

"Huh? Eh di ba kasama mo? Wala naman sya dito."
Sabi ko.

"Wala na sya sa kwarto pagbalik ko."
Nanginginig na ang boses ni Aj. Halata na rin ang takot.

Nagkatinginan kaming dalawa na parang pareho lang ang iniisip. Nanlalaki na ang mata ko. Nangingibabaw na ang sobrang takot sa puso ko.

"Baka naman pumunta lang sa ibang room. Wag ka ngang praning tol."
Pagpapakalma naman ni Gloann.

"Iba yung pakiramdam ko ehh. Please hanapin naman natin sya oh."
Pakiusap ni Aj.

Wala ng ano-ano pa. Nagsimula na kaming kumalat sa iba't ibang parte ng bahay. Naghanap sa bawat sulok, tinignan ang bawat kwarto. Umaasang wag naman magkatotoo ang kinakatakutan naming lahat. Ito na naman kami sa hanapan.

"Oh ano na?"

"Wala talaga sya."

Nagkita-kita ang lahat sa kusina. Pero wala talaga si Madi.

*beep beep*

"Andyan na yung sundo."
Aligaga talagang makauwi si Mae.

"Pano na si Madi?"
May halong inis at takot na ang dating ng pananalita ni Aj.

Famous Fam Grand EyeballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon