NEIL WILL COME

3 0 0
                                    

Now that I know that something mysterious is really going on in this place. Mas lalo kong gustong malamang kung ano bang meron dito. Pero walang gusto humiwalay sa grupo. Kahit pababa o pag-akyat sa hagdan, pagkuha ng makakain o pagpunta sa cr grupo talaga kami kung lumabas. Kinuha na namin lahat ng gamit namin at sama-samang nag-stay sa room 102. Maliit lang yung kwarto at mahigit benteng katao ang andun. Iisa lang yung kama at limang tao lang ang kasya, wala pang galawan yun. Yung iba nasa sahig. Naglatag ng mahihigaan o nakaupo na lang at nakasandal sa kani-kanilang mga partners. Hahaha. Malamang nagkakatakutan na eh. Lumalabas na din ang mga hokage. Kada kalampag at ingay kasi para kaming nakainom ng isang galong kape sa sobrang nerbyos. Isama mo pa ang kulog at kidlat. Badtrip pa nga! Bigla na lang kasing umulan. Hampasan pa yung hangin, bagyo na ata 'to ehh. Siniguro naman naming walang bagyo bago kami pumunta dito dahil ayaw nga sana naming ma-stranded. Kahit gustuhin naman naming umalis na sa mga oras na 'to, masyado namang malakas ang ulan at may pagka-liblib ang kinalalagyan namin. Nice choice of place for a horror outing. Kaurat!

Kahit saksakan ako ng duwag, kelangan kong malaman kung ano ba talagang nangyayari? Hindi na biro 'tong nangyayari samin. Sino ba talaga yung babae at sino ba talaga yung tinutukoy nyang kukuha?

"Guys sinong sasama sakin?"
Syempre kelangan ko ng kasama. Ano yan? Magpapaka-hero ako mag-isa? Wala pa kong balak maging Darna. Ok ng si Liza na lang.

"Bakit? San ka pupunta?"
Tanong ni Aries.

"Maglilibot sa bahay. Kelangan nating alamin kung ano ba talagang nangyayari dito."

"Ok ka lang kamval? Eh pano kung magpakita na naman yung white lady?"
Duwagan din si Gloann ehh. Pa-rape kaya kita dun sa white lady. 😂😂✌

"Edi magpakita sya. Itanong natin kung ano ba talagang nangyayari? At sino yung kukuha kay Madi? At bakit nangyayari ang mga 'to? Wala din naman tayong magagawa. Stranded pa rin naman tayo din."

"Kelangan ba talaga nating gawin yun Liit?"
Tanong pa ni Aj.

"Bakit Laki? Papayag ka na lang bang kunin si Babes ng hindi natin alam ang dahilan?"

Nagtinginan sila wari'y nag-iisip kung sasama ba sila o magpapaiwan na lang.

"Sige sasama ako."
Sabi ni Aj.

"Ako din!"
"Geh. Ako din!"

Sabi pa ng iba.

Hindi pa pwedeng maglakad-lakad si Khai kaya naiwan sya kasama nila Sbrina, Janine at Ate Mae. (Welcome nga pala sa mga new admins. Haha! Segwey 😂😂)

Dala-dalawa kaming lumakad at nag-ikot ikot. Tinitignan bawat sulok. Sinisilip ang bawat kwarto. Naghahanap ng kasagutan sa lahat ng tanungan namin at nagbibigay ng linaw sa misteryong bumabalot sa lugar na 'to. Nasa may hagdan ako at nauna na papuntang kusina si Aries ng biglang...

"Bakit hindi pa kayo umaalis?"
Ayy anak ng tokwa! Kelangan ba talagang sumusulpot? Pwede namang mangulbit muna. Teka, pwede bang mahawakan ng multo ang tao? Hmm, curious!

Eh kaso duwag na nga ako lalo pa kong tinatakot ng multong 'to.

"Kita mo namang ang lakas ng ulan. Pano kami makakaalis nyan?"
Oo! Tapang-tapangan ako. Iniisip ko na lang na isa syang hindi mapalagay na member namin, na maputla at patay na.

Uhhhhh! Jusmio. Ano ba kasing nangyayari samin? Bakit pa kasi ako napili nitong uratin?

"Gumagawa sya ng paraan para makuha talaga sya. Kelangan nyo syang labanan. Wag kayong papayag."
Sabi pa nya.

"Ano ba kasing nangyayari dito? Sino ka ba? Sinong kukuha?"

"Sa 412. Andun ang mga kasagutan sa mga tanong nyo. Mag-iingat kayo. Hindi basta-basta ang kaya nyang gawin. Kelangan nyo ng magmadali. Nauubos na oras nyo."

Famous Fam Grand EyeballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon