SECOND NIGHT (SPG)

6 0 0
                                    

Tanghali na kong nagising at ang sakit ng ulo ko. Pinagsama ng puyat at hang over. Para akong hinataw ng pam-bat sa sobrang bigat ng ulo ko. Kung hindi pa ko ginising ni Aries, wala pa sana kong balak bumangon sa pagkakahimlay.

"Good morning mahal koi."
Morning greeting nya.

"Good morning din my only one."
Sabay kiss. Hihi.

Ilang morning rituals lang ang tinapos ko at sabay na kaming bumaba ng mahal ko para mag breakfast.
(Uso sana breakfast in bed. Kasooo... Hindi maganda gising ko ehh. Kaya wag na muna 👿)

"Morning bads. Mukhang nakarami kayo ahh. Eyebags mo namumutok na."
Pambungad sakin ni Lence sabay tawa.

"Luh sya oh. Kahit di naman. Palagay mo sa pagkakalasing ko kagabi may magagawa pa kami?"

"Sus. Nakita ko pa nga kayo bumaba ng madaling araw."
Depensa pa nya.

"Nagpasama lang ako kumuha ng tubig nuh."

"Naku naman kamval. Tigilan mo ko. Ang ingay nyo kaya. Madaling araw pa lang nambubulabog na kayo."
Sabat pa ni Gloann na may pamaywang pang nalalaman.

"Excuse me kamval. Sa kabilang kwarto kaya yun. Itatanong ko nga sana kung sinong nasa 412 eh. Tsaka bakit madaling araw gising pa kayo?"

"Eh kasi nga Kisses ang ingay nyo sa taas. Kahit sa kwarto namin rinig yung ungol."
Dagdag pa ni Rica.

"Sino nga bang nasa 412?
Tanong ko.

Nagtinginan lang kami sandali. Maya-maya sumabat na din si Icel.
"Ang alam ko si Madi at Daniel ang nandun eh."

Dahan-dahan kaming napalingon sa magjowang paparating na may dala ng food--sina Madi at Daniel.

"Oh? Bat kayo nakatingin samin?"
Ani ni Daniel.

"Hmm. Wala brad. Ilan ang score?"
Hindi halos mapigilan ni Khai ang tawa sa pagtatanong.

"Medyo madami-dami din."

"Yun naman pala eh."
Lumingon ako kay Aries na nakataas ang isang kilay. Dahil sa pananakot nya kaya malaki eyebags ko ngayon.

Napatungo na lang sya na parang hindi pa rin mapalagay kahit nabigyan na ng paliwanag yung takutan namin kagabi.

Ilang sandali pa, nagsimula na kaming kumain. At ito na nga ba ang sinasabi ng hula kapag may kasamang magjowa sa hapag kainan. Pinagpupugadan na kami ng langgam dahil kina Madi at Daniel. Sa isang plato lang kumain at nagsusubuan pa. Kada may sasasalang kanin sa labi ni Daniel, kukunin naman yun ng labi ni Madi. So para na din silang naghahalikan. Kahit talaga namang intensyon nilang maghalikan.

"Ano ba naman yan, nak? Hindi kaya magka-diabetes kami dito? Sobrang tamis oh."
Hahaha. Si ate Mae na ang pumansin.

"Oo nga brad. Nilalanggam na kami dito oh."
Dagdag pa ni Khai.

"Wow. Ang bi-bitter nila."
Kontra naman ni Gloann.

"Hiyang-hiya naman ako sayo Gloann. Kunwari hindi din bitter."
Sabi pa ni Rica. Hahaha. The best na bully talaga ang ex at bbf.

Kahit sino naman samin mapapansin talaga yung ginagawa nila. Nakatungo na nga lang ako na parang walang nakikita kasi ang awkward para sakin. Hindi kasi kami nag-iimikan ni Aries na parang hindi magkakilala. Batid kong pareho lang kami ng nararamdaman kaya todo iwas ng tingin sa magsing-irog sa harap namin.

Hay salamat! Natapos na din ang landian..este ang kainan, ay wait. Bat parang mas masama yung dating? Hmm, breakfast na nga lang. Hahaha! Ayun, mas madami pang kulitan kesa sa nakain namin. Pasado 10am na kami natapos sa dami ng asarang naganap. Nagligpit lang ng lamesa at kanya-kanya ng pulasan. Sina Sbrina at Khai ang toka ngayon sa paghuhugas ng plato.

Famous Fam Grand EyeballTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon