DAY 20

837 24 0
                                    

                 Chapter 24

                   "Day 20"

Yumi's POV

"Uy Yumi... Kwentuhan mo naman ako dun tungkol sa nangyari sa inyo ni Zem kagabi..."

"Wala ngang nangyari!"

Inis inis na ako sa pangungulit nitong babaeng 'to eh... Lagi nalang akong pinagku-kwento ako sa kung ano daw ang ginawa namin ni Zem kagabi... Hindi ko naman pwedeng sabihin kasi pinagbabawalan ako ni bakulaw. Dapat daw walang makakaalam nun kundi kami lang eh...

Pero iniisip ko, sino kaya yung ikakasal sa kanya?? Sure ako hindi yun bagay sa kanya kaya ayaw nyang magpakasal.

"Hi Yumi...." Tristhan

"Hello...."

"Ang tamlay mo ata...." Tristhan

"Ha?? Wala lang talaga ako sa mood...."

"Uli nalang tayong tatlo sa buong campus para hindi kayo mainip." suggest ni Tristhan

"Tara....Ikaw ba Yumi??" Ella

"Sasama ako... Nakakabagot dito eh..." sagot ko..

......

Zem's POV

Ah grabe... Solve na ang problema ko...

Siguro naman matatahimik na yung matandang ulukbong na yun... Hindi nya ako mapipilit sa bagay na ayokong gawin...

Bahala sya sa buhay nya... Magpakasal sya, tutal sya naman ang may gusto...

Teka nga, maitanong nga dito sa gagong kaharap ko kung anong nangyari kahapon...

"Oy CJ, ano nama't pinatayan mo ako ng cellphone kagabi?"

"Nakita ko kasi si Marie eh..."

"Ano?! Nakita mo lang si Marie, kinalimutan mo na agad yung pinapagawa ko??... Kakaiba ka rin eh 'no?? Teka, talaga bang si Marie lang yung nakita mong nag-iisa kagabi??"

"Oo, sabi pa nga nya may imee-meet lang daw syang importanteng tao kagabi kaso...mukha namang wala daw..."

"Wala yung taong dapat na pupuntahan nya??"

"Oo, buti na nga lang wala eh. Ako tuloy yung naging ka-date nya. Ang saya diba??"

Kung ganun... Si Marie nga yung tinutukoy ng matandang ulukbong na yun... Hindi yun pwede. Buti nalang gumawa ako ng paraan para mapigil yung kasal.....

"Teka, bakit ka nga pala nagpapahanap ng babaeng nagso-solo sa restaurant??"

"Wala..... Masama bang maghanap??"

"Pare wag mong sabihing naghahanap ka na agad ng pamalit?? Zem, makuntento ka na kay Yumi... Tutal, gusto mo na naman sya."

"Pwede bang pakihinaan yang boses mo, baka may makarinig sa'yo!"

"Aha! Sabi ko na nga ba eh... May gusto ka sa kanya....Uyyy.... Ang halimaw, umiibig..."

"Gago! Anong halimaw?! Mas mukha ka pa ngang halimaw sakin!"

"Pero may gusto ka sa kanya??"

"Ewan ko sa'yo."

Habang nagbabangayan kami ni CJ. Bigla akong may naramdamang masamang aura sa paligid... Hindi ko alam kung kanino galing...

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon