Chapter 30
"Day 26"
Yumi's POV
It's been a long night at hindi man lang ako nakatulog.... Hindi ko parin makalimutan yung nanlilisik at nakakatakot na tingin ng tatay ni Zem. Kinakabahan tuloy ako.... Baka kung ano tuloy ang gawin nung sakin.... Baka ipapatay ako nun o ipatapon sa malayong lugar.... Masyado pa naman akong bata para mamatay... (T.T)
Kung alam ko lang pala, edi sana hindi na ako tumulong dun sa plano ni Zem... Eeee.... Nakakatakot talaga....
After some minutes, nag-bell na at nagsi-labasan na ang lahat ng estudyante sa kani-kanilang room. Recess na kasi eh... Ganyan talaga ang mga tao pag gutom, karipas ng takbo papuntang canteen.
Sino pa nga bang kasama ko kundi itong bestfriend ko na yanong kulit pero himala....ang tahimik ngayon. May problema ata.
"Ella, may problema ba?"
"H-ha?? W-wala."
"Talaga? Pero bakit parang kanina ka pa tulala at nauutal ka pa? Sure ako may problema ka... Sabihin mo na kasi."
"Wala nga.... Pinagalitan lang ako ni Daddy."
"Pinagalitan ka ni Tito? Aba, first time ata yun ah... Bakit naman?"
"Masyadong personal... Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo eh. Hindi na muna ako sasabay sa'yo sa pagkain, mauna na ako." paalam nya.
Masyadong Personal?? Ano naman kaya yun?? Nag-aalala na ako ng sobra ha? Hindi naman yun nagli-lihim sakin ng problema eh. Ngayon lang.... Nakakapagtaka.
"Hoy baluga!"
Napalingon naman ako ng di-oras kahit hindi ako sure na ako nga yung tinatawag nya.
Laking gulat ko nalang nang may nakita akong bakulaw sa likod ko.
"Oh..... There's a bakulaw. Bakit? May kailangan ka nanaman ba?" nang-aasar na tanong ko.
"Wala. Nagkain ka na ba?" tanong nya.
"Hindi pa, kakain palang. Ikaw ba?"
"Hindi parin. Sabay na tayo." Zem
"Tara... Wala naman akong choice eh. Wala akong ibang masasabayan." ako
"Anong walang choice?! Baka gusto mong bawiin ko sa'yo yung cellphone mo?!" panakot nya.
Dali-dali kong tinago yung cellphone sa bulsa ng palda ko para hindi nya makuha. Lagi ko kasing hawak yun dahil natatakot akong mawala yun. Pag nawala yun, mawawalan nanaman ako ng cellphone....at ang malala pa, mase-sermonan ako panigurado nitong kasama ko.
.......
Naglabas kami ng campus para dun kumain. Kasi naniniwala kaming mas mura ang bilihin sa labas kesa sa loob.
Nakakatawa naman pating isipin na sya pa talaga ang nag-akit na sa labas kumain. Usually,hindi naman sya nakain ng mga pagkain sa tabi-tabi....Pero ngayon, nakain na daw sya.
Nagpunta kami sa lugar na una naming pinuntahang magkasama at nung una syang humingi ng favor sakin.
We ordered a lot at walang usap-usap. Kain lang kami ng kain....na halos hindi man lang iniintindi kung magkanong babayaran namin.
"Oy bakulaw, hindi mo naman sinabi saking nakakatakot pala yung tatay mo." sabi ko.
"Yun? Nakakatakot? Hindi naman eh.... Natakot ka na dun?"
BINABASA MO ANG
30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]
Ficção AdolescenteIt all started with a bet