..Nginitian ka ng crush mo?

102 0 0
                                    

#2 Anong mangyayari kapag nginitian ka ng crush mo?

Mga tao.. Kapag nginitian ka ng crush mo, syempre, ano pa nga ba? kikiligin ka sa ayaw at sa gusto mo.. eh crush mo ehh.. Kunwari, iniignore niya lang ito pero deep inside, PARTY, PARTY!!!

Tsaka, ayun.. nag-aassume.. "Hala!! Baka may crush sa akin si crush!! He smiled at me!! He really did! O.M.G!!"- lines.. -_-

Yung feeling na, kahit ayaw mong mapangiti, ngumingiti ka pa rin? Ano toh, mga teh? Gaguhan?? Ayaw mong ngumiti pero ngumingiti ka?? Okay sige.. I understand na hindi mo mapigilan ang mga ngiti mo sa kanya.. Pero mga teh! Utang na loob.. Pra hindi ka magmukhang malandi, DIYOS KO! Umamin ka na!!

Tapos, lalapit siya sayo sabay sabing, 'Hi' .. At ikaw, dahil crush mo siya, magiging speechless ka sabay hawi ng buhok mo ang inipit ito sa tenga with matching blush at beautiful eyes..

"Yieee!!! Kinikilig siya.." sabay tukso ng mga kasama mong may alam na crush mo siya.. sarap nilang hamblusin no.. Panira ng mga moment ang mga hampaslupa!!! Inggit sila? Eh, kausapin din nila yung mga crush nila..

Tapos ikaw naman, dahil nga malandi ka.. Or yung ilan lang, ngingiti ka.. 'ATEH!! Wag kang magpahalata' sigaw ng isip mo pero kahit anong pigil mo, wala eh! Chos mo lang lahat..

At, darating yung moment na papasok sa isip mo yung kissing scene sa mga koreanovelas, telebabad at radyo.. yung first, hahawiin ang buhok, second, ilalapit niya yung mukha niya sa iyo tapos pipikit kayong dalawa at magkakalapit ang mga labi niyo tapos may *insert chowking commercial sound here (unang halik)*

At dahil likas na ambisyosa kang froglet, finifeel mo na yung moment..

Pero dahil feel mo lang yun, syempre hindi yun ang nangyari.. instead, lumakad na siya papalabas ng room.. Ate, let me remind you lang.. nag hi lang siya.. NO MORE, NO LESS.. wag ambisyosa..

Oo.. masakit ang katotohanan pero sana naman, mamulat ka na kapag nginitian ka niya, yun na yun.. nginitian ka LANG niya.. NO BIG DEAL.. don't expect much.. Wag malandi mga ate.. tatanggapin niyo ang katotohanan at yun na yun..

*insert anak music here*

Hindi iyan ang sound effects na iniiexpect ko.. Wag muna kayong mag moment mga readers.. may aayusin lang ako..

*insert kiss the rain by yiruma*

ayan.. pwede na..

Halikan niyo lang yung ulan.. FOREVER ALONE KA NAMAN KASI PALAGI EHHH!! ang emo mo.. tsk..

Gumising na kayo sa katotohanan, mga anak!! Hindi ka niya crush!!! Okay?? Wag ka nang umasa..

Teka nga muna, bet ko, hindi niyo pinapakinggan ang mga sinabi kong music sa inyo.. Pwes!! Hindi ko ito itutuloy kapag hindi mo ito papakinggan habang binabasa mo ito..

Ayan.. Na set niyo na?

Hula ko, hindi pa.. Ang tigas rin ng ulo niyo no?? Sabi ko nang isearch niyo.. YOUTUBE.. pero kung tinatamad kayo at ayaw niyong ifeel ang moment, you may proceed...

Eto oh..

"Kung ikaw ay may mahal, tumawa ka.. HAHA!!

Kung ikaw ay may mahal, tumawa ka.. HAHA!!

Kung ikaw ay may mahal, buhay mo ay sisigla..

Kung ikaw ay may mahal, mahal ka ba? HAHA!!"

May TAMA KA!!!

Sige.. Kapag nginitian ka ni crush, syempre magliliwanag ang mundo mo..

Tapos tutunog ang kantang 'Sa Isang Sulyap Mo, Naging malandi ako"

At syempre, pagkatapos ng mala fairytale niyang hi sa iyo, magpopost ka na agad  ng status mo sa FB.. sabay sabing, 

"Ahhhh!! This is the best day ever!! Kinausap ako ni crush!! OMG!!♥♥♥♥ Ahhh!! I'm gonna dieeee!!"

Ay?? ganon?? die agad?? diba pwedeng faint muna?? OA naman nitong si ate!! May bukas pa!! Kung makareact naman to, wagas!!

NAG HI LANG PO SIYA!! Tapos nag smile.. YUN LANG!!

tapos, yung mga kaibigan mo naman, panay LIKE!!

I mean, isa lang naman ang ibig sabihin nun!! Gusto ka na nilang mamatay!! Biruin mo, nilike nila yung status mong may pa-I'm gonna dieeeee!! pa!!

HALA.. SIGE!! SHABU PA!!!

 At yun ang ilan sa mga magiging reaksyon ng karamihan sa mga kababaihan sa PILIPINAS.. Hindi ko naman sinasabing lahat ganun ang reaksyon.. Pwedeng iba iba at wala na akong pakialam don..

Yung iba, halos magsuicide na sa kilig.. Yung iba.. hala sige!!! yung iba, todo sigaw na parang wala nang bukas.. At yung iba.. Silent type.. hindi raw kinikilig PERO deep inside.. "LORD, I CAN NOW DIE IN PEACE.. AMEN.." 

The. END..!

----------------------------------------------------------------------------------------------------

WALANG PERSONALAN, READERS!! Trip trip lang talaga ang lahat ng ito.. Hahaha.. Kasi, main goal ko naman talaga ang patawanin kayo.. ^__^

Ilan lang talaga sa mga ito ang pwede mong iaapply sa real life.. Pero sana, po, nakatulong po kami kahit sa kaunting paraan.. 

Iyon lang ang ILAN sa magiging resulta kapag nalaman mong crush ka ng crush mo.. hahaha..

Comment mo lang kung MAY MGA TANONG KANG "ANONG MANGYAYARI KAPAG.. " 

And I'LL TRY ANSWERING EVERYTHING.. Tsaka, magcomment ka lang kung handa kang sagutin ko yung tanong mo in a funny way.. Pero sana, makatulong ako.. ! Thanks readers!!

LOL!! xD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anong Mangyayari Kapag...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon