CHAPTER 2

5 1 0
                                    

4th Day of School.

''Kent, gusto mo ba sumama? Para maayos na kayo ni Arianne." 4 days na pero hindi parin mawala sa mukha niya yung sakit na binigay sakanya ni Arianne. 6 months niya kasing niligawan si Arianne at 4 months silang magMU. Pinahirapan lang niya yung best friend ko kung hihiwalayan lang pala niya.

"Hindi na Alyss, baka hindi ko lang kayanin yung sasabihin niya sa'yo." Hindi ko naman mapipilit yung kaibigan ko kapag ayaw niya ayaw niya talaga.

"Okay Kent. Babalitaan nalang kita."

Saktong sakto nung naghiwalay kami ni Kent nakita ko na agad si Arianne.

"Arianneeee!" Lumapit na agad siya nung tinawag ko siya. Siguro hinahanap niya din ako.

"Alyss? Bakit?"

"May sasabihin ako sa'yo."

Pumunta kami sa Balcony para walang makakita sa amin kasi famous din siya sa SM Academy baka ano sabihin nila sakin.

"Ano yung sasabihin mo? I'll give you 5 minutes. Busy ako." Sungit talaga neto. Nakakainis. Kaya ayaw na ayaw ko rito. Ang arte pa.

"Bakit ka nakipagbreak kay Kent? May nagawa ba siyang masama sa'yo? Sinaktan ka ba niya?"

"What the hell Alyss? Inistorbo mo ako para sa mga walang kwentang tanong? Sinasayang mo lang oras ko." Paalis na siya ng bigla ko siyang hinila pabalik.

"Ano problema ko? Ikaw! Ginawa lahat ni Kent para mapasaya ka. Tapos anong ibabalik mo sa kanya? Katarantaduhan? Sorry kung sinasayang ko yung 5 minuto mo. Pero nakikita ko kasing umiiyak yung KAIBIGAN KO. Dahil sa'yo. Sinayang lang ng best friend ko yung 2 years at 3 months niya sa'yo. Tapos makikipagbreak ka dahil sa walang kwentang dahilan. Ang kapal mo." Sinampal ko siya sa sobrang inis ko pero hindi ko naman dapat gagawin yun.

"Tapos ka na ba? Tapos na kasi yung 5 minutes e. Kaya alis na ako ha? Uhmm. Btw, salamat sa sampal. Bye." Ang kapal talaga. Tinalikuran nalang ako bigla. Nakakairita talafa yung ugali niya.

"At saka nga pala hindi ako nakipagbreak kay Kent dahil sa walang kwentang  dahilan, hindi ko na siya mahal at iba na mahal ko."

"Dapat hindi mo sinasabi sakin yan dapat kay Kent kung ayaw mo siyang masaktan. Sabagay, manhid ka kasi. "

"Bitch." Sinabi ko ng pabulong sakanya. Sana hindi niya narinig.

"Whaaaat?!" Kitang kita yung inis sa mukha niya.

"Huh? Sabi mo tapos na yung 5 minutes. Bakit hindi ka pa umalis?" Tinaasan ko siya ng kilay. Then kumaway ako sa kanya.

Minsan lang ako magalit sa buhay ko kaya kung magalit ako mahirap ako kalabanin. Sabi din ng mga kaibigan ko.

"Alyss!!"

"Uy Chien!" Hindi ko pinapahalata sa kanya na bad trip ako.

"Bad trip ka no? Anyare?" Akala ko hindi niya mahahalata. Sabagay ang kaibigan, expression palang ng mukha mo alam na niya.

"Nag-usap kami ni Arianne. Nakakabad trip talaga yung ugali niya. Hayaan mo na."

"Hayaan mo na. Mas maganda ka naman dun." Oh well. Alam ko na yan.

"Thanks friend. Mwa."

Dumaan yung crew ni Arianne sa classroom. May sinisilip. Sure ako si James yun. Lagi ngang may nagpapadala sakanya ng gifts e kahit hindi valentines. Hearthrob daw.

Pero nung dumaan sila, sakin sila nakatingin. Sigurado ako nakarating na sakanila yung ginawa ko kay Arianne. Baka magalit pa sa akin si Kent kapag nalaman niya yun.

"Mukhang problemado ka ha? Hi Alyss.." OWW EMM GIII. Si Aaron kinausap ako. Minsan lang to. Kinikilig ako. Wait baka mahalata niya.

"Uhmm, hindi naman. Hi Aaron. Kamusta?" Sabay ngiti. Nginitian niya rin ako.

"Okay lang naman ako. Ikaw?" Simpleng 'ikaw?' lang masaya na ako. Kinamusta niya rin ako. Akalain mo sa lahat pala ng inis mo may kapalit na masayang pangyayari.

"Okay lang ako kapag okay ka lang..." Oops, nadulas ako. Sht.

"Syempre joke lang yun." Nahiya ako bigla.

"Ah. Mabuti kung ganun. Osige, maglalaro muna kami ha? Bye." Shems, maglalaro nanaman sila. Makikita ko nanaman kung gaano siya ka hot maglaro ng basketball.

"Siii-sige. Hihi." ♥.♥ Mamamatay na yata ako.

"Hoy! Kinausap mo crush ko. Yari ka sakin." Binatukan ako ni Freniza nakalimutan ko crush niya nga pala si Aaron.

"Siya kumausap sakin. Ang malisyosa mo talaga."

"Syempre, crush ko yun. Akin lang yun." Mana-mana talaga ang kaharutan. Nagmana sa pinsan niyang si Chien.

"Sorry poooo."

"Nandiyan na bestfriend mo. Umiiyak nanaman ata." Umiiyak nanaman? Grabe naman. Mahal na mahal niya talaga si Arianne.

Nakita ko siya hindi naman siya umiiyak. Loko talaga si Chien. "Alyss. Ano sabi sa'yo?"

Paano ko sasabihin sa kanya na sinungitan ko lang yung ex niya? Baka magalit pa siya sa akin. Pero mas mabuti na magsabi nalang ako ng totoo. Yun ang totoong kaibigan.

"Sorry Kent. Hindi ko siya nakausap ng maayos. Sabi niya sinasayang ko daw yung oras ko sa pagtatanong ng walang kwenta. Pagkatapos mo siyang mahalin na halos 2 years ganun nalang ibabalik niya sa'yo? Nung una palang Kent, sinabihan na kita. Pero ayaw mo makinig. Tingnan mo, naloko ka lang niya. Nagpaloko ka naman."

"Okay lang. Ineexpect ko naman yun Alyss. Nagpakatanga ako Alyss. Sorry kung hindi ako nakinig sa'yo. Tama ka nga." Bigla nalang siyang umiyak sa harapan ko. Ayaw na ayaw ko ng umiiyak siya. Nanghihina ako kapag umiiyak siya.

"Alis na tayo. May pupuntahan tayo Kent." Nagdismissal naman na kaya pumunta kami sa pinakalamapit na plaza. Lilibangin ko siya para hindi naman siya malungkot at ipapadama ko sa kanya ang tunay na pagmamahal.

"Saan tayo pupunta? Wala akong gana Alyss. Sakit parin kaya." Down na down parin siya.

"Sumama ka nalang. Kaya nga ako nandito para pampagana mo e. Tara na." Nginitian ko siya para medyo ganahan na siya.

"Hayy, sige na nga."

Pumunta kami sa may park. May palaruan kasi dun. Mukhang masaya kaya dun kami pumunta.

"Bakit tayo nandito?"

"Hindi ba obvious? Nandito tayo kasi masaya dito."

"Ah." Ayaw na parin gumalaw. Grabe talaga epekto sa kanya ni Arianne.

Inaliw-aliw ko siya sa mga laro. Naglalaro nanaman siya. Nakikita kong ngumingiti na siya at tumatawa. Nagmumukha na nga akong tanga para lang mapatawa siya e.

"Sakay tayo periswheel. Want mo?" 

"Sige lang. Pinapagod mo ako Alyss." 

"Pinapagod? Pinapasaya lang kita." Ang drama ko no? 

"Tsk. Tara na nga." Niyaya na niya ako. Kanina ang hirap niya yayain.

Nakasakay na kami sa periswheel. 

"Bakit mo ginagawa sakin to Alyss?" Habang nakatingin siya sa langit. Kasi transparent yung periswheel namin. Nagulat ako sa tinanong niya. Ang seryoso masyado.

"Kasi gusto ko dahil kaibigan kita. Mahal kita. Tungkulin ko yun. Ang mapasaya ka. Ayaw kong nakikita kang malungkot." 

"Salamat Alyss. Kung alam mo lang na napakasaya ko kapag nakakasama kita. Sana ikaw nalang pala.."  Nagulat ako sa sinabi niya. Medyo kinabahan din ako. 

"No worries. Same here Kent." Kunwari wala nalang akong narinig. 

"Uwi na tayo pagkatapos ng ride na to."

"Kain muna tayo. Nakakagutom kayang magpasaya ng taong nasasaktan." Hahaha. Natawa ako sa sinabi ko sakanya. Madrama kaya. XD

"This time. Ako naman ang babawi. Libre kita. Saan mo gusto?"

------

Twitter: @heyshaimara 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I fell in love with the bad boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon