Sabi nila, ang high school ang pinakamasayang bahagi ng buhay mo...
Para sa akin, hindi totoo yun.
"Dambuhala!"
"Madamot!"
"Kaya ka mataba eh!"
"Haha! Ang laki-laki hindi marunong lumaban."
"Mamon nga! Malaki pero madaling durugin." sabay tawa ng malakas.
Sa unang dalawang taon ng buhay high school ko, puro pambubully ang nararanasan ko. Nasa akin kasi lahat ng katangian na madaling awayin. Tahimik, hindi gumaganti, walang lakas ng loob, takot. Maliban sa isa...
mataba ako.
"Hoy! Taba!" sabay tulak sa akin.
"Ano papalag ka ba?" sabi ng isa.
Hindi ako makaimik. Pero, hindi ko na gustong awayin pa nila ako. Hindi ko na kaya eh.
"Hindi na ko takot." bulong ko.
"Ano yon?"
"Hindi na ko takot!" tumitig ako sa mata nya.
"Aba! aba! Lumalaban mga pre." sabi ng lalaking tumulak sa akin
"Sample-an na natin 'to."
Lalong lumapit sila sa akin at akmang sasapalin ako ng leader nila. Pinikit ko ang mga mata ko at humiling.
"Sana... sana..."
"matapos na 'to lahat."
Naghintay ako ng hampas pero...
"HOY!" sigaw ng boses babae. Minulat ko na ulit ang mga mata ko. Wala na sa akin ang attention ng mga nambubully. Nakita kong nakatitig sila sa isang babaeng may katangkaran, ombre ang maikli nyang buhok, itim sa itaas at red sa dulo. Matapang at hindi takot sa tatlong lalaking nakapaligid sa akin.
"Hindi niyo ba tatantanan yan?! Sumosobra na kayo ah!" dagdag niya.
"'Wag kang makielam dito! Upperclassmen kami!" sigaw ng lalaking tumulak sa akin.
"So?"
"Turuan na natin 'to ng leksyon! sabi ng isa sa mga bully.
Tumakbo sila papalapit sa babae at sinubukang sumuntok pero naiwasan ito ng babae. Ngumiti sya at sinuntok nya sa mukha ang isa. Ang lalaking tumulak sa akin, sinubukan naman siyang hampasin ng kahoy, pero sinipa niya ito sa *alam mo na* bago pa nya magawa.
"Yan lang pala kayo eh." tumayo siya na proud na proud sa sarili niya sabay sipa pa sa dalawang bully. Hindi nya napansin ang lalaking papalapit sa kanya.
"Teka!" tumayo ako at dinaganan ang lalaki bago pa nya magawa ang balak nya. Napansin ng babae ang nangyari at unupakan nya lang ito sa ribs. Sabay hatak sa akin papalayo.
-----
Noong nasa baba na kami ng rooftop kung saan nila ako kinorner. Tumigil muna kami. Buti naman naisipan niyang magpahinga kasi, wew! hingal na ko! Napangisi ako at tumawa ng mahina.
Tumawa din siya pero mas malakas.
"Wow! Ang sarap sa feeling nun ah." sabi nya.
Ngumiti lang ako.
"Okay ka lang ba?" tanong nya. Halata naman yung senseridad.
Tumango ako.
"Hindi ka ba nagsasalita?" nagsmirk sa pang-aasar nito. "Ako nga pala si Jade." nag-offer sya ng hand
"Catherine." shinake ko ang kamay nya sabay yakap sa kanya. Medyo hirap ako kasi may katangkaran sya.
"Thank you. Thank you kanina." mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Wala 'yun!" tumawa ulit sya. "Ayokong nakakakita ng ganon."
"Jade!" sigaw ng hingal na babae. "Nasabi ko na sila sa principal. wew. I-eexpell na sila ng school." lumapit ito sa amin.
"Good" smirk ni Jade. "Si Catherine nga pala." Ngumiti sa akin yung babae. "Hi! I'm Ivy. Nice meeting you." sabay yakap sa akin. Napakaganda at puti nung babae. Brown at wavy ang buhok nya. Ang bango nya pa habang niyayakap nya ko. Mas lalo akong naiiiyak.
"Salamat. Salamat talaga." bulong ko.
"'Wag kang mag-alala. Hindi ka na mag-iisa." ngiti ni Jade sa akin.
"Parang gusto kong bawiin ang hiling ko... parang ayoko ko pang matapos ang lahat."

BINABASA MO ANG
Tangled in Chords
Ficção AdolescenteSimula ng dumating si Catherine sa Charlotte Chords University puro pambubully na lang ang naranasan niya. Makalipas ng dalawang taon, sinubukan niyang manlaban at sa unang pagkakataon hindi niya ito mag-isang hinarap. Simula din ng dumating si Jade...