Ang Una naming Pagkikita

31 0 0
                                    

Dalawampung taon na rin akong naghihintay para sa aking prinsipe.

Umaasa pa rin ako na darating din siya sa tamang panahon. Tamang panahon para makasama at magkaroon ng masayang buhay kasama siya.

Matagal ko na rin gustong malaman kung sino nga ba ang aking mga magulang. Bata pa lang ako pinagsisilbihan ko na si Conrad. Siya na ang tumayong nanay at tatay ko.

Matanda siyang lalaki pero kahit ganoon isa siyang mahusay na mangkukulam.

Palagi niyang sinasabi na talagang nakatadhana ako para sa mga ganitong gawain. Maghugas ng mga pinggan, magwalis ng bakuran, magpakain ng mga alaga niyang buwaya, at kung ano ano pa.

Minsan naiisip ko rin iwanan na lamang siya mag isa. Dahil sawang sawa na rin akong pakisamahan siya.

Hindi rin kasi ganoong kagandahan ang ugali niya. Palagi niya akong sinasaktan, pinapahirapan at inaapi.

Kaya minsan nagtatanong ako sa aking sarili. Bakit ba naging ganito ang buhay ko? Puro katanungan ang nasa isip ko tulad na lamang ng mga tanong na

May matino pa bang prinsipe na siyang mamahalin  at tatangapin ang tulad ko?

Hinahanap rin kaya ako ng mga totoo kong magulang? Nag aalala kaya sila sa akin? Anong buhay kaya ang mayroon sila ngayon?

At ang huling tanong sa isip ko na kailan ako makakalaya sa palasyo ni Conrad?

Hiling ko na sana maranasan ko rin kung paanong maging isang tunay na prinsesa.

Ipinangalan sa akin ni Conrad ang pangalang Mateo. Iyon na ang laging tinatawag niya sa akin sa tuwing may gusto siyang ipagawa sa akin.

Kahit na pangit ang pangalan na ibigay niya sa akin. Tinanggap ko na lang kaysa sa wala akong pangalan.

Matatagpuan ang palasyo namin sa gitna ng kagubatan. Pero mas gustong gusto kong pumupunta sa dulo nito.

Sa dulo ng kagubatan mayroong isang malawak na karagatan. Malayang malaya kong nakikita ang kulay ng dagat. Malakas ang hangin at marami kang makikitang nagliliparan na ibon.

Minsan dito na rin ako naliligo sa tuwing nagmumukha na akong marumi. Pakiramdam ko kasi dito lang ako nakakapag pahinga.

Isang araw habang naghihintay ako sa isang sunset sa may buhanginan. 

May nakita akong isang kabayo malapit sa mga batuhan sa dagat.

Doon ko naisip na baka mayroong ibang tao.

Sa lapag ng buhangin may mga nakita akong mga basang damit. Mga kasuotan ng isang prinsipe.

Sa hindi kalayuan  napansin ko ang isang lalaki. Papalapit siya sa kaniyang kabayo. Sobrang tangkad, malaki ang kaniyang katawan, at makinis ang kaniyang mukha.

Nang lumapit na siya hindi ako makapagsalita. Nahiya ako sa mukha kong napakadumi. Nahiya rin ako sa suot kong damit dahil napakabaho at napakaluma.

Sa unang beses naming pagkikita. Nginitian niya ako na parang tangap niya ang kagaya ko. Nginitian ko din siya nagmadali na akong bumalik sa palasyo ni Conrad. Baka magalit si Conrad. At dagdagan na naman ang mga utos sa akin.

Pero hinawakan niya ang aking kamay. Saksi ang asul na dagat sa ginawa niyang iyon sa akin. Naramdaman ko ang init ng kaniyang palad. Hindi ko maitago ang pagkakilig ko ng ginawa niya yon.

Doon niya sinabi sa akin na hindi niya raw alam kung paanong makabalik sa lugar na kung saan masaya.

Ikinuwento niya sa akin kung paano siya napadpad rito.

Dahil naramdaman ko ang kabaitan niya. Tinulungan ko siya kung paano makabalik sa kanila.

Magkasabay kaming naglalakad ngayon sa gitna ng kagubatan. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko magawang magkuwento sa kaniya. Basta ang alam ko lang masaya akong naglalalakad kasama siya.

Tinitigan ko ulit siya. Wala pa rin siyang damit na pang itaas. Basang basa ang katawan at pati ang mahaba niyang buhok.

Nang malapit na kami sa labas ng kagubatan. Nagpasalamat siya sa akin ng marami. Hindi na niya nabanggit kung ano ang pangalan niya.

Hindi na rin ako pormal na nakapagpakilala. Dahil na rin siguro sa kuwentuhan namin na puro tawananan.

Hanggang sa huling sandali nginitian niya ulit ako. Natuwa ako dahil sa wakas may nakilala na akong prinsipe. Inisip ko na hindi man niya ako mahalin dahil isa rin akong lalaki. Ang mahalaga naging magkaibigan kami sa ganoong kaiksi na oras.

Nagpapasalamat pa rin ako dahil nakita ko siya.  Nagkaroon ako ng pag asa na baka masuklian niya rin ako ng pagmamahal higit pa sa isang kaibigan.

Kaya nagmadali akong bumalik sa gitna ng kagubatan. At naka isip ako ng paraan para magkita ulit tayong muli. Gagawa ako ng paraan para magustuhan mo rin ako.

Naniniwala akong magkikita ulit tayo sa tamang oras at panahon. Sana nga!

PARA KAY HERMES, PARA KAY MATEO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon