Hindi man lang kita nakilala

27 0 0
                                    

Dalawampung taon na akong nagtitiis sa aking Ina at Ama. Hindi ko na sila makayanan pa.

Wala man lang akong kalayaan na mahalin kung sinong mahal ko talaga. Marami na silang ipinakilala sa akin na mga prinsesa sa ibang lugar.

Pero lahat ng mga prinsesa na iyon hindi pumasa sa akin.

Hindi ko rin alam kung bakit ako ganito. Ang gusto ko lang naman mangyari mahal niya ako at mahal ko rin siya. Hindi dahil inutos lang sa amin ng Hari at Reyna.

Mga ilang araw na lang ako na ang magiging Hari sa lugar na Kung Saan Masaya. Kaya minamadali na nila akong hanapin ang panibagong magiging Reyna

Nabalitaan ng Hari na mayroong isang Prinsesa na naghihintay ng kaniyang prinsipe sa kabilang bayan malapit sa kagubatan.

Sabi pa niya sa akin anak daw iyon ni Rapunzel. Maganda raw ang prinsesa na ipinaglihi ang buhok sa mais. Makinis ang balat, sexy ang katawan at may magandang boses.

Kahit labag sa loob ko ang inutos niya. Sumunod ako ng maayos dahil siya ang aking ama. Mahal na mahal ko sila ni Ina. Ayokong masira ang mga pangalan nila para sa aming mga nasasakupan.

Mabilis akong nag utos ng mga tao para samahan ako sa kabilang bayan. Nagpatawag ako ng mga mahuhusay na mga mang aawit mula pa sa ibang bansa.

Nakasakay ako ngayon sa isang puting kabayo. Bago ako umalis hinalikan ko muna sa pisngi si Ina. Niyakap ko naman ng mahigpit si Ama.

Nangako ako sa kanilang dalawa na magkakaroon na ako ng babaeng asawa.

Mga dalawang araw ang dadaan para makapunta kami sa susunod na bayan. Pinagluto ko ng isang masarap na pagkain ang aking mga kasama.

Para sa akin kasi mas masaya ang pagluluto. Kaysa sa ginagawa nila Ama na pakikidigmaan.

Ewan ko ba sa kanila kung bakit ba kailangan pa nilang gawin iyon. Mas masaya pa rin na wala na lang pagtatalo at pakikipag away.

Natanaw ko na sa malayo ang palasyo ng prinsesa. Hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ako masaya.

Pakiramdam ko nasasakal ako kila Ina at Ama. Mukhang hindi pa ako handa talagang mag asawa.

Maya maya sa daan napansin kong dumidilim ang langit. Palakas nang palakas ang kidlat na nasa ulap. Biglang bumuhos ang malakas na ulan ngunit kakaiba ang kulay nito.

Mayroon din na nakita ang mga kasamahan ko. Isang  matandang lalaki na nakaharang sa daan.

Mukhang ayaw niya kaming padaanin. Kaya naglakas ako ng loob para sabihin na ako ang prinsipe.

Hindi nagsalita ang matandang lalaki. Nakita ko lang na napangiti siya na parang inaasar ako ng mainam.

Nagulat kaming lahat nang bigla na lamang siyang nakalipad sa langit. Napatunayan ko na hindi lahat ng mangkukulam ay babae lamang.

Nagtakbuhan na ang ilan sa mga kasamahan ko. Pati na rin ang isa kong kasamahan sa likod.

Ako na lang mag isa natira. Napamura na lang ako sa sobrang takot. Nagpumilit akong dumaan ng mabilis kasama ang kabayo.

Ngunit biglang may malakas na hangin ang dumikit sa akin. Hinihila ako nito papuntang kagubatan. Hanggang sa narinig ko na lamang ang mga salita ng matanda na

"Walang sinoman na prinsipe ang puwedeng pumunta sa palasyo ng Prinsesa!" Wala kahit isa sabay tawa ng malakas.

Nawalan ako ng malay. Ginising ako nang sikat ng araw. Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kagubatan. Dito na ako tinangay ng malakas na hangin.

Wala akong makitang ibang tao. Gutom na gutom na rin ako. Masyado pang marumi ang aking damit.

Dahil wala akong mapuntahan.  Hindi ko na rin alam ang pabalik. Naglakad na lang ako ng naglakad hanggang sa napunta ako sa dulo ng kagubatan.

Napakaganda ng tanawin rito. Napakalinis ng dagat at malinis ang hangin. Para itong isang paraiso. Kaya hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon.

Hinubad ko ang lahat ng aking damit. Iniwan ko muna sa batuhan ang nag iisa kong kabayo. Pagkatapos naligo na ako sa dagat. Dahil ito lang ang tamang oras para makalimot sa problema kila Ina at Ama.

Hindi ko napansin na hapon na pala. Papalubog na ang araw sa may ulap. Nagulat din ako bigla na mayroon isang lalaki malapit sa aking kabayo.

Pinuntuhan ko siya nagbaka sakaling matulungan niya ako. Nakakatawa ang kaniyang maruming mukha. Pero mukha naman siyang mabait na tao.

Lumapit ako sa kaniya na walang damit. Tiyak sobrang pinagtatawanan niya rin ako. Kaya madali akong nagbihis kahit wala ng damit.

Kaagad naman niya akong tinulungan para makalabas sa gubat. Marami kaming napag usapan kung bakit wala akong damit. Tawa ako ng tawa sa mga sinasagot niya sa akin.

Ang sarap niyang kasama habang naglalalakad kami sa gitna ng kagubatan.

Hindi na namin napansin na malapit na pala kami sa labas. Nagpaalam at  nagpasalamat ako ng maayos.

Nung nakalayo na ako nakalimutan kong tanungin ang pangalan niya. Hindi man lang din ako nakapagpakilala ng maayos.

Hindi ko maipaliwanag pero gustong gusto ko siyang kasama.

Sana magkita ulit kami! Kung saan masasabi ko sa kanya na ako si Hermes ang susunod na Hari ng Kung saan Masaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PARA KAY HERMES, PARA KAY MATEO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon