=[3]=

11 1 3
                                    

Chapter Three: First Day |||||


.....

\\Calliah\\


Margo?


Lalapitan ko na sana siya kaso biglang may humilang babae sakanya. Sakto namang pagdating ni Jake kaya umuwi na kami.


Pagdating namin sa bahay nandon na si Tita Reumi, "How's your day?" she asked habang may sinusulat na kung ano.


"Just fine, tita."


"Fine? Umiyak ka nga kanina eh" sabat ni Jake. Agad ko siyang binalingan at tinignan siya gamit ang you-shouldn't-have-said-that-look ko.


"Why? Bakit ka umiyak?" tanong ni tita at ngayon ay isinara ang notebook na sinusulatan kanina. "W-wala po, napuwing lang ako kanina." I explained. "Aakyat lang po ako." sabi ko at umakyat na.


Nagbukas ako ng Facebook at nakita ko ang post ni Margo,

Margo Faye

Back :>


I knew it! Siya nga yong kanina. But who's the girl?


Urg! Nevermind. I'll just sleep.


.......


One week later..........**


Nagising agad ako, di naman sa excited ako pero kadalasan kasi maaga talaga ako pumapasok. Wala lang trip ko lang talaga mag-umaga. Sa university naman namin di naman uso ang uniform, basta maayos lang ang pananamit mo okay na.


Natapos ako maligo at nag bihis. Bumaba na ako para kumain, pero nagulat ako dahil si tita pa lang ang tao sa kusina. "Ang aga mo naman? Sabay kayo ni Jake diba?"


"Yup, where is he?" tanong ko.


"Tulog pa siguro yun. Late yun nagigising eh." sabi ni Tita while cooking.


"What?!?"


"Bakit? O yan na pala eh." sab niya at tumingin sa bumababa nang si Jake. Mukhang bagong gising pa siya at half-open lang ang mga mata.


"Ngayon ka lang nagising?!?" bulyaw ko sakanya.


"Teka easy lang, maaga pa naman eh." depensa niya.


"Whatever, bilisan mo lang. Di ko pa alam schedule ko." sabi ko at bumalik sa kwarto ko. "Tita call me na lang pag kakain na po."


Nag-fb muna ako pampalipas ng oras at nakita ko nanaman ang post ni Margo.

Margo Faye posted a photo.

Promise (On-going)Where stories live. Discover now