Chapter Four: The Douche |||||
....
\\Calliah\\
Karamihan sa mga tao ay nakatingin sa akin, ang iba naman ay tumatawa, what is wrong with these people? Nagulat ako nang biglang may humila saakin palayo sa scenario, si Jake.
"DI KA BA AWARE NA PINAGTATAWAN KA NA NG MGA TAO?!?" bulyaw niya sakin.
Kumunot ang noo ko. So ako nga talaga yung pinagtatawanan nila huh.
Bumaling siya sa likod ko at may tinanggal na papel. 'I broke up with my boyfriend 'coz I'm a terrible bitch.' Yun ang nakalagay sa papel. WTF?
"I-I don't know." nangilid bigla ang mga luha ko, di ko alam kung bakit nangyari sakin to ngayon. Three years ago, simula nang nagbreak kami ni France di naman nagkakaganto, ngayon lang.
Lumingon ako sa mga taong may iba nang pinagkaka-abalahan, pero ang iba ay nakatingin pa rin samin, alam nilang lahat, they know my relationship with him, they know how much I love France and they know that this isn't true. Alam nila ang nangyari, may iba kasi akong schoolmate na nandon sa amusement park noong nangyari iyon, then kumalat siya sa school. Some pity me, pero ang iba masaya lalo na ang mga girls na naiinggit sakin. SIguro ay sila ang may gawa nito.
"Whoever did this, I am sure that you won't get away with this shit. I assure you that." sabi ko at tinalikuran sila tsaka naglakad palayo.
Pumunta ako sa tambayan namin ni George, wala pa siya doon, but I know any minute dadating na yun. For sure naman kasi di ko maasahan si Jake dito sa gagawin ko.
Mga ilang minuto ay may nakita akong babae na kumakaway sa akin, Si George.
"Liah! Nabalitaan ko yung nangyari kanina ah, okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya sakin pagka-upo niya.
"I'm okay, actually may ipapagawa nga ako sayo."
.........
After class, umuwi agad ako kina Tita Reumi, nagpahinga ako. Ayaw ko na talaga ng gulo, pagod na ako diyan sa mga away away na yan. Tinawag na ako ni Tita Reumi para kumain dahil nakarating na rin si Jake. Bumaba ako at nakahanda na sila, "Oh, hija kain na tayo." yaya sa akin ni Tita Reumi, ngumiti na lang ako at tumango. Umupo ako sa tabi ni Jake, bilog kasi ang lamesa at kaming tatlo lang.
"You two, how's your first day?" sabi at at tinuro kaming dalawa. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi pinansin ang tanong niya, how is my first day? Tsk.
"Ma, ayos lang first day namin ni Calliah. Diba?" ani Jake, tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
Natapos kami kumain at umakyat na ako sa kwarto, pagkahiga ko sa kama nag-ring ang cellphone ko.
George calling....
"Liah! Kilala ko na kung sino may gawa non." bungad nya sakin.
YOU ARE READING
Promise (On-going)
أدب المراهقينMakaka-get over pa ba si Calliah sa kanyang past love? Kung oo, paano kung bumalik ang kauna-unahang sumira at wumasak sa puso niya? should she just go on with life? O babalikan niya ito? ****Promise**** Start: May 7, 2017